Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8 Nakialam si Haydn

May sasabihin pa sana si Ray nang si Elior ay siningitan siya. Ang mahabang makitid na mga mata ni Elior ay kuminang habang sinasabi niya, "Ah, siya? Ginalit niya si Master Stewart, Ayun, kita mo iyon? Ang bote ng vodka na iyon. " Kaswal na tinuro ni Elior ang bote sa lamesa. "Binigyan siya ng dalawang pagpipilian ni Master Stewart: inumin ang buong bote na iyon o makipag-halikan sa taong iyon sa harap ng lahat bilang libangan." "Oh ~" Pinahaba ni Haydn ang kanyang "oh" at dahan-dahang lumakad papunta kay Jane habang tinatanaw niya si Sean, na nakaupo pa rin sa kanyang couch. Hinimas ni Haydn ang kanyang baba nang mayabang, sinasabing, "Talagang mahusay ka magpatawa, Master Stewart. Dahil nais mong makita ang isang mainit na sesyon ng halikan, boluntaryo na ako bilang lalaking bida? Hindi ko sinasadyang magyabang, ngunit magaling akong humalik. Ang pinakamahusay sa lahat, kung ako ang tatanungin. " Dahil dito, mabilis siyang kumilos, iniaabot ang kanyang mahabang braso at hinahatak ang naguguluhang si Jane sa kanyang yakap. Wala ng oras si Jane para kumilos pa. Nalaglag na sa kanyang mga braso. Sa sumunod na segundo, may init sa kanyang labi at ang kanyang mga mata ay nanlaki ng biglaan. Siya ba ay… hinahalikan? Whoosh! Ang kanyang mukha ay biglang nagbago, namula ito mula sa dulo ng kanyang mga tenga hanggang sa dulo ng kanyang mga paa. Si Haydn ay nagulat sa pakiramdam sa maliit na bibig sa ilalim ng kanyang manipis na labi… Maganda ang pakiramdam na ito! Hindi niya sinubukan na matinding humalik. Ang kanyang kapilyuhan ay nangangahulugan na gusto niya lang halikan saglit ang kanyang labi, ngunit nabigla siya sa pakiramdam sa kanyang labi. Ng siya ay lalo patuloy na humahalik, isang palakas na pwersa ang naghatak sa babae palayo mula sa kanyang mga braso. Si Haydn ay hindi nakuha ang tamis na kanyang hinahanap, kaya tinignan niya ang lalaki na humatak palayo kay Jane. “Sean, ibalik mo siya.” Ang ekspresyon ni Sean ay madilim at masama ang kanyang tingin. “Ginalit niya ako, kaya walang sinuman ang makakakuha sa kanya bago ko mailabas ang galit kong ito.” Pinagtaasan ni Haydn ng kilay si Sean. Silang dalawa ay magkaibigan at magkaribal din at matagal na silang ganun simula ng mga bata pa sila. Bagaman si Haydn ay sinundan ang kanyang mga magulang sa ibang bansa habang si Sean ay nanatili dito, ang kanilang relasyon ay hindi kailanman nagbago. Gayunpaman, para isipin na pinahahalagahan ni Sean ang babaeng ito... ang kuryusidad ni Haydn ay nakaapekto sa kanya, kaya't tumingin siya sa babae sa likuran ni Sean. Nagulat siya ng makita kung paano namula ang babae. Sa isang iglap, bigla niyang naalala kung paano hindi pa siya niyakap ng isang lalaki dati hanggang ang kanilang nakaraang engkwentro. Maaari kaya na pati ang paghalik niya ay... “Hoy, iyon ba ang unang halik mo?” Whoosh! Ang mukha ni Jane ay namula na parang pwet ng unggoy at mukhang ang kanyang tenga ay handa ng tumulo ng dugo. Wala na siyang kailangan sabihin. Ang kanyang matingkad na pulang mukha ay sapat ng sagot. Kahit na si Haydn mismo ay hindi napagtanto kung gaano kaganda ang pakiramdam niya ngayon. Ang kanyang labi ay napangiti at humarap siya kay Sean na may kalahating ngiti. “Paano kung pinilit kong ilayo siya?” Ang magulong pagsigaw ni Ray ay narinig sa paligid, ang pagsipol ay tuloy-tuloy. “Elior, kuhanin mo ang phone mo, dali! Videohan mo ito! Si Master Soros ay talagang hinahamon si Sean Stewart dahil sa isang babae! Kung ibebenta natin to sa magazine, siguradong kikita tayo ng sobrang laki! Sinisigurado ko na ito ay magiging headline sa balita bukas!” Binuhusan ni Elior ang sarili niya ng baso ng whiskey at itinaas ang kanyang kilay sa malinaw na masayang si Ray. “Sinisigurado ko na kung susubukan mo iyan, ang headline bukas ay tungkol sa isang hindi kilalang nakahubad na bangkay na nakalutang sa Huangpu River.” “Urk…” Natural lang na nakita din ni Sean ang namumulang mukha ni Jane at sa isang iglap, naramdaman niyang nakakainis ang nahihiyang ekspresyon niya. Ang kanyang matalim na tingin ay napunta sa kanyang labi at nanliit ang kanyang mga mata, may bagay na iniisip. Ang kanyang matapang na titig ay nagdulot para tumalikod si Jane, na parang pinahihirapan siya. Gusto niyang iwasan ang tingin nito sa kanya. Subalit, ito ay lalo lang nagpagalit kay Sean sa kung ano man rason. Ang kanyang kapit sa kanyang baywang ay parang pliers, tapos siya ay bumaba at pinulot siya, inilagay siya sa kanyang balikat na parang sako. Habang si Haydn, Ray at Elior ay nakatinigin, nakalaglag ang panga, naglakad siya palabas ng pinto. Si haydn ang pinakaunang kumilos, ang kanyang kahihiyan ay naging galit. “Tigil!” Hinabol niya ito ng walang sinasabi. Ang panga ni Ray ay nakalag lag pa din. Hindi pa niya naiintindihan kung ano ang nangyari. Tumayo si Elior mula sa couch bigla. “Lalo lang itong nagiging maganda.” Sinundan niya ang mga ito ng hindi tinitignan si Ray. Sa wakas, si Ray ay nakabawi na at tumalon patayo. “Intayin niyo ako! Ang magagandang palabas ay dapat pinapanuod ng magkakasama! Mas marami mas masaya, diba?” Si Susie ay tuluyan ng namutla. Pakiramdam niya na ang kanyang mga paa ay nakadikit sa lapag at hindi na siya makagalaw. Ang alam niya lang ay… Itong lahat ay tapos na. Talagang tinapos na niya si Jane ngayon. Siya ay nakokonsensya, ngunit hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung sasabihan niya si Alora, matatapos na ang lahat ng ito para sa kanya. Kung alam ni Alora na naging bastos at nagdulot ng ganito kalaking gulo, sigurado talagang mawawalan siya ng trabaho dito bilang tagapagsilbi. Sa isang banda, nakonsensya siya. Sa kabilang banda, nagaalala siya na masasama din siya sa kaguluhan kung nalaman ito ni Alora. Si Susie ay talagang nahahati at naguguluhan. Sa wakas... “Ayos lang ito. Ayos lang talaga ito. Si Jane ay isa lang cleaner at si Master Stewart ay medyo galit lang. Walang pagkakataon na parurusahan niya ang isang cleaner dahil dito. Oo, tama ‘yan. Ayos lang ito,” Sabi ni Susie sa kanyang sarili, sinusubukan na pakalmahin ang sarili niya para mabawasan ang kanyang konsensya. Si Haydn ay mabilis na humabol. Si Sean ay nangunang naglakad sa kanya, ngunit ng bigla siyang tumalikod, ang kanyang mahabang binti ay gumuhit ng matalas na angulo sa ere habang nagbato siya ng napakagandang sipa papunta kay Haydn, napilitang magpaatras kay Haydn. Matpos iyon, mabilis siyang naglakad papunta sa elevator sa tabi niya. Gustong humabol ni Haydn, ngunit ang mga pintuan ng elevator ay nagsara na sa harapan ng kanyang mga mata! Sobrang lapit noon! Si Haydn ay sobrang nagalit na hinampas niya ang kanyang kamao sa mga pintuan ng elevator. Si Ray at Elior ay ang perpektong mga kasama sa krimen, kaya dumating na sila sa pinangyarihan, magkasunod. Nabigla si Ray sa kaguluhan, kaya pinilit niya si Haydn sinasabi, “Oy, seryoso? Ang elevator ay nasa 28th floor ngayon!!! Hoy, Elior, tignan mo! Ano sa tingin mo ang binabalak ni Sean? Kinuha ang isang cleaner papunta sa 28th floor?” Ang anim na pinakamababang floor sa gusaling ito ay ang entertainment center, kilala bilang isang nightclub. Subalit, ang mga kliyente East Emperor ay naglalaman ng mayayaman at makapangyarihang tao at ang mga taong ito ay palaging magarbo at elegante sa kung ano ang ginagawa nila. Ang lahat ng nasa itaas ng 6th floor walang iba kung hindi isang hotel. At sa kung bakit ang lugar na ito ay nakadisenyo ng ganito… Ito ay hindi na kailangan sabihin pa. Kahit na sino na kahit papaano ay may utak ay makaintindi dito. Ang mga mata ni Elior ay kuminang at binigyan niya si Ray ng malamig na ngiti. “Oy, ang isang cleaner ay isang babae pa din. Walang dahilan para magulat tungkol dito.” Lalo lang nitong pinalala ang mga bagay. Hindi mapigilan ni Ray na mapaisip ng malakas, “Seryoso, anong problema sa taste ni Sean? Baliw ba siya.” Nagdala ng isang cleaner sa hotel room? Tsk. Nang kanyang maalala ang katawan ng cleaner at itsura, hindi niya mapigilan na manginig. “Tae!” Hinampas ulit ni Haydn ang kanyang kamao niya sa pintuan ng elevator ng marinig niya ito, tapos nagsimula niyang pindutin ng malakas ang up button. “Hoy, Haydn, talaga bang susundan mo sila? Kakabalik mo lang galing ibang bansa, kaya hindi mo alam, ngunit ang buong 28th floor ay pinagmamay-ari ni Sean. Hindi ka makakapasok sa floor na iyon ng walang access card.” Lalong lumala ang ekspresyon ni Haydn. … Ang elevator ay mabilis na umakyat, at ang mga pinto ay bumukas. Si Sean ay mabilis na naglakad palabas ng elevator na bitbit si Jane sa kanyang balikat, naglalakad sa sala na may pamilyar na aura bago maglakad papunta sa kwarto. Bam! Pakiradam ni Jane na lumabo ang kanyang paningin sa isang sandali at siya ay walang awang binaba sa Persian rug. “Mgh~” Bago pa man siya makakilos, nakaramdam siya ng matalas na sakit sa kanyang baba at siya ay napilitang buksan ang kanyang mga mata. Ang nakakamatay na gwapong mukha ni Sean ay nasa harapan ng kanyang mga mata. “Jane Dunn,” mabagal na sinabi ng lalaki sa kanyang malamig na boses. Hindi mapigilan na manginig ng katawan ni Jane, ngunit nagpatuloy siya, “Jane Dunn, talagang ginulat mo ako ngayon.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.