Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5 Napasok sa Gulo

Ang puso ni Jane ay kumakabog pa din, ngunit bago pa siya huminga ng malalim, bigla niyang napagtanto na ang lalaki na hindi niya kilala ay nakahawak sa kanya baywang ng mahigpit. “Ahhhh...” Nagulat si Jane. Sa buong buhay niya, ang tanging lalaki lang na yumakap sa kanya ng ganoon kahigpit ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Walang sino pa man ang nakahawak sa kanya ng ganito, hindi kahit na… siya. Ang ekspresyon ni Haydn Soros ay nandilim at iniabot ang kanyang kamay, nilagay ito sa bibig ni Jane. “Tumahimik ka! Bakit ka sumisigaw? Kakakiba ka, babae! Karamihan ng mga tao ay bigalng sisigaw habang nalalaglag sila, ngunit ikaw ang eksepsyon dito. Hindi ka gumawa ng kahit anong tunong noong nalalaglag ka, kaya bakit ka ngayon sumisigaw?” “P-P-Pakiusap… Bitawan mo ako.” Napansin ni Haydn na nakakapagtaka siyang nauutal at bigla siyang may naisip. “Hoy, hindi ka sumisigaw dahil niyakap kita sa baywang mo tama ba?” Nakita ni Haydn kung paano ang babae sa kanyang braso ay biglang namutla sa mga sinabi niya at hindi niya mapigilang mangiwi ang gilid ng kanyang mga labi. “..Kung gayon tama nga ako, huh?” Binigyan niya ito ng kaunting sandali bagomagbigay ng kakaibang ngiti. “Hoy, babae, sinasabi mo bang hindi ka pa nahawakan ng lalaki kailanman tulad ng ganito?” Napansin ni Haydn ang kanyang mga reaksyon na nakakamangha. Ng makita niya kung gaano kapula ang kanyang mga tenga, bigla niyang naiisip at lalo pa niyang nilagyan ng pwersa ang pagyakap niya sa balikat ni Jane. Swoosh! Tinignan ni Haydn kung gaano kaputla ang kanyang buong mukha sa isang iglap, nakating na parang nakakita ng panibagong kontinente… Para isipin na mayroon pa ding mga babae sa panahon na ito na namumula dahil sa pagyakap ng lalaki sa kanyang baywang! Nakakamangha! Talagang pambihira! Si Haydn ay talagang napuno ng tuwa. Sinadya niyang pisilin ang baywang ni Jane gamit ang brasong nakayakap sa kanya, ngunit ang nararamdaman niya lang ay tela. Nalito siya dito at hindi niya hahayaan ang kanyang galang na makahadalng sa kanyang pagtataka. “Anog ang ginagawa mo?!” Nagpupumiglas si Jane at tinutulak si Haydn palayo. Samantala, si Haydn ay gulat na nakatingin kay Jane. “Ang iyong baywang...” Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ang kanyang hinawakan ba ay talagang baywang ng isang noraml na babae. Si Haydn ay kilala bilang matinik sa mga babae, na mayroong halos isang libong kasintahan na pinagdaanan. Ang kanyang mga nakaraang relasyon ay naglalaman ng maraming international na model at artista, ngunit ang baywang na kanyang hinawakan ay mas mapayat pa sa pinakamapayat na nakaraan niyang kasintahan, Ito’y sobrang payat na kaya na niya itong palibutan gamit ang isang kamay lamang! “Ikaw...” Gusto niyang sabihin, “Iyan ang dahilan bakit makapal ang suot mo kahit na sa mainit na araw”. Subalit, tinignan niya ang kanynag mga tenga at nakita na ang babaeng nasa harapan niya ay malinaw na nagpapanggap sa kabila ng matinding sakit. Ang kanyang tingin ay puno ng pangungutya sa sarili at sa isang iglap, wala na siyang masabi. Madaming taon ang nagdaan, hindi pa din makalimutan ni Haydn ang tingin ni Jane sa sandaling iyon. Kahit na hanggang sa ngayon, hindi niya pa din maintindihan kung paano ang titig na isang tao ay maging ganoon ka mapagmataas at maging sobrong mapagkumbaba sa sabay na sandali, perpektong pinagsasama ng tuluyan ang dalawang magkaibang emosyon. Ano kaya ang nangyari sa babaeng ito para magkaroon ng dalawang magkaiba aura, magkasama sa isang magulong aura? Tinulak ni Jane si Haydn at umalis ng tumatakbo. Hindi siya makatakbo ng mabilis at halos dalawang hakbang pa lang bago siya matumba at malaglag muli. Subalit, itinayo niya ang kanyang sarili na parang walang nangyari, nakasandal sa pader bilang suporta habang inilalayo ang sarili kay Haydn hanggang kaya niya. Ang kanyang isipan ay magulo ngayon… na parang mayroong nakadiskubre ng kanyang pinaka nakakahiyang sikreto. Matapos siyang makalaya sa kulungan, gusto niya ng mapayapa at tahimik na buhay. Gusto niya lang ng sapat para makakain at lugar na matutulugan, para mabuhay ang kanyang sarili at makapagipon ng kaunting pera para makalipat sa Erhai, isang malayong lawa. Doon, magagaawa niyang makakita ng malinaw na tubig at asul na kalangitan na hinding hindi niya makikita sa kulungan. Ayaw na niya ng karagdagang drama sa buhay. Gusto lang ni Haydn na tulungan siya, ngunit kung hahabulin niya ito, ang babae ay siguradong kikilos na parang hinahabol ng isang halimaw, hinatak ang kanyang katawan habang nakakaawang nakakapit sa pader. Walang pagpipilian si Haydn kung hindi bumagal. Sa Room 606 Kumatok si Jane sa pinto at pumasok sa loob. Pagpasok niya ng kwarto, napapansin niya ang nakakakilabot na kapaligiran sa loob. Sa ilalim ng madilim na ilaw, nakita niya ang ilang kliyente na nakaupo sa couch, napapaligiran ng ilang mga model. Mayroong isang puro at inosenteng babae na nakatayo magisa sa harap ng krystal na lamesa sa kwarto. Kilala ni Jane ang babaeng ito. Siya ang pinakabagong tanggap na tagapagsilbi na nagngangalang Susie Thompson. Siya ay kasama ni Jane sa dorm at estudyante sa S University. “Jane...” Biglang tinawag ni Susie ang pangalan niJane, na may iyak sa kanyang mga boses. Nagulat si Jane, ang bawat muscle sa kanyang katawan ay biglang nanigas. Ang pito o walong pares ng mata ay biglang napunta kay Jane, kaya kailangan niyang kumalma, biglang sabi, “Ako ang cleaner. Tinawag nila ako dito para maglinis.” Ng siya ay magsalita, narinis ng lahat ang kanyang nakakatakot na boses. Sumimangot ang lahat sa kwarto sa pagkairita. Si Jane ay nagtatrabaho sa East Emperor ng tatlong buwan na ngayon, kung kaya alam na niya na bawas ang salita at mas madaming gawa. Siya ay isang cleaner, kung kaya kahit na hindi nila gusto ang kanyang boses, walang sinuman ang magpaparusa sa kanya dahil dito. Subalit, sa sitwasyon ni Susie dito na malinaw na hindi maintindihan ni Jane, maaaring maging mas malala pa ang mga pangyayari kung makikialam si Jane. Sa buong sandali, Nakayuko si Jane at umiikot kay Susie, patungo sa malapit na banyo. Ang mga VIP room ay mayroon nakadugtong na banyo, nakalagay sa bawat isa ang mga kailangang gamit panglinis sa espesyal na aparador para hindi nito maapektuhan ang ganda ng banyo. Si Jane ay lumabas sa banyo na may hawak na mop at balde. Nanatiling halos nakayuko siya habang naglilinis, iniiwasan ang nagmamakaawang mga tingin ni Susie. Ang tatlong taon niyang pagkakabilanggo ay nagturo sa kanya na huwag maging bido kung hindi niya naman kaya at laging alamin kung saan ang kanyang lugar. Kung hindi, isang pitik lang ng isang makapangyarihang tao ay mababago na ang kanyang kapalaran na mas malala pa kaysa sa kamatayan. Siya ay hindi si Susie Thompson. Si Susie ay mahirap, ngunit mayroon pa din siyang mga magulang at isa pa siyang estudyante sa S University. Samantala, si Jane ay wala lang kung hindi isang dating bilanggo! Wala lang siya. Hindi na niya kaya pang pahirapan o saktan at siguradong hindi niya kayang makatulong sa kahit na sino. “Maaari ka ng makaalis matapos mong kantahin ang awi na ito,” Sabi ng isa sa mga lalaki kay Susie. Patagong itinaas ni Jane ang kanyang ulo at nakita na kagat ni Susie ang kanyang labi, na parang sobrang napahiya. “Hindi ako...” Niluwagan niya ng kaunti ang hawak niya sa mop at ito ay dumulas papunta sa sapatos ni Susie, na gumulat at nagpakalimot sa sasabihin niya. Napatingin siya kay Jane. Itinaas ni Jane ang kanyang ulo at humingi ng tawad. “Pasensya na, aksidente kong natamaan ang iyong sapatos ng aking mop.” Mukha itong aksidenteng pagbabago sa usapan, ngunit hindi ito nakuha ang atensyon ng ibang mga lalaki sa kwarto. Narinig ni Jane na galit na sinabi ni Susie sa tabi ng kanyang tenga, “Hindi ako model o hostess dito. Hindi ako kakanta! Ako’y tagapagsilbi na magbibigay sa kanila ng inumin!” Si Jane ay puno ng paghihinayang ngayon, sapat na para patayin ang kanyang sarili… May ilang taong pwede niyang tulungan, ngunit mayroong ilan na hindi na niya kaya pang tulungan. Hindi alam ni Jane kung bakit nagdesisyon si Susie ng ganito, ngunit kung si Jane ay nasa kalagayan niya, hinding hindi niya gagalitin ang mga mayayamang tao dahil sa isang kanta. Kahit na sino na kayang makapasok sa VIP room sa East Emperor ay siguradong may mga koneksyon sa matataas na lugar, kung kaya naman paano na lang nila magagawang hayaan ang ganitong klaseng hindi pagsunod mula sa isang hamak na tagapagsilbi? Talagang binastos ni Susie ang mga ito. Wala ng paraan para pagbigyan pa nila ito sa sandaling iyon. Ang mga mayayamang lalaking ito ay nakakita na ng iba’t ibang mga babae. Tutal si Susie ay maganda at inosente, tinanong lang nila kung pwede siyang kumanta ng isang awit para pakawalan na nila siya. Kung naging masunurin lang si Susie, ang mga lalaking ito ay hindi na sana nagdulot ng karagdagang gulo. Mukhang ang subok na pagtulong ni Jane ay walang silbi. Ang natanggap niya lang ay ang atensyon na hindi niya gusto mula sa mga bisita. Inisip ni Jane sa kanyang sarili, “Kailangan ko lang linisi ito kaagad at umalis hanggang kaya ko. Mas tumatagal ako dito, mas lalong magkakagulo. Sinubukan kong tulungan si Susie kanina, ngunit baka nabastos ko ang mga bisita sa kwartong ito bilang resulta at ako’y madadamay sa gulong ito. Kailangan kong makaalis sa kwartong ito sa lalong madaling panahon.” “Ha? Medyo ang yabang, ah?” Sa oras na ito, ito ay isang mayabang na boses na nagsalita. “Hindi ka kakanta? Sige, inumin mo na lang ang bote ng alak sa lamesang ito, tapos makakaalis ka na.” “Hindi ako iinom! Hindi ako isang hostess na dapat uminom kasama niyo!” “Hahaha, hindi ka iinom?” Ang mayabang na boses ay tumawa. “Sa tingin ko wala kang karapatan na tumanggi dito. Lahat ng nagtatrabaho sa East Emperor, kahit na ito ay isang hamak na tagapagsilbi o kahit na ang tagalinis, ay kailangan sumunod sa bawat salita ng kliyente. Tama ba?” Sa sandaling iyon na narinig ni jane ay boses na binanggit ang ‘tagalinis’, nakaramdam siya bigla ng masamang pangitain. Sa sumunod na segundo, ang kanyang premonisyon ay mukhang tama nga. “Hoy, ikaw diyan. Oo, ikaw, tagalinis. Hindi ba’t sumasang ayon ka?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.