Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2 Lahat Ayon Sa Kahilingan Ni Ginoong Stewart

Mayroong bahid ng gulat sa mga mata ni Sean… Talaga bang sinusubukan niya panatilihin ang kanyang dignidad hanggang sa mga oras na ito? Kung sabagay siya nga naman si Jane Dunn. Ang babaeng ito ay palaging magara at puno ng pride, kung kaya kahit ang kanyang pagtanggi sa kanyang pagtatapat ay hindi man lang nakaapekto sa kanya. Biglang hinablot ni Sean ang kanyang baba. “Mhhh… Aray!” Ang kamay sa kanyang baba ay parang isang pares ng bakal na pliers, ang pwersa sa kanyang baba ay nagbabantang basagin ito. Sumakit ito ng todo na may mga luhang lumitaw sa mga mata ni Jane. Subalit, hindi niya pinigilan kagit kaunti ang kanyang sarili, naglagay pa ng mas matinding pwersa sa kanyang paghawak sa kanyang baba. “Sino ang magaakala na ang magandang mukha na ito ay nagtatago ng masamang puso?” “Wala akong kahit anong ginawa kay Rosaline!” Kinagat ni Jane ang kanyang labi, ang kanyang mukha ay namutla dahil sa sakit. “Hindi mo ako pwedeng ipakulong ng walang ebidensya.” “Nagkakamali ka. Kaya ko.” Malamig na tumawa si Sean habang sinasabi ang bawat salita ng walang awa. “Kaya, Miss Dunn, lasapin mo ang masayang buhay mo sa kulungan simula ngayon.” Binitiwan ni Sean ang kanyang baba at tumalikod, kumakaway habang umaalis siya—mahinahon at walang pakialam. Nakapaghiganti na siya kay Jane. Lahat ng dugo ay natuyo na sa mukha ni Jane at wala na siyang masabing kahit na ano. Ang kulungan ng mga babae ay hindi kasing tahimik tulad ng itsura nito sa labas. Sa unang gabi niya dito, siya ay hinatak paalis sa kanyang tulog. “Ano… ano ang ginagawa niyo?” Nakatingin si Jane sa kanyang mga kasama sa kulungan na nakatayo sa paligid niya na may masamang balak. “Huwag niyong subukan gumawa ng kalokohan, kung hindi tatawagin ko ang wardenl.” Ang mga babaeng bilanggo sa paligid niya ay hindi nasindak sa kanyang pananakot. Sa halip, sila ay nagpalitan ng tingin at nagtawanan. Ang pinuno sa kanila ay itinuro ang daliri nito papunta sa mukha ni Jane at sinabi, “Anong sabi mo? Tatawagin mo ang warden? Hahaha… Tama ba ang narinig ko? Gusto mong tawagin ang warden?” Ng sabihin niya iyon, sinapak niya ang mukha ni Jane, mabilis at walang awa. “Sige! Tawagin mo ang warden, tulad ng sinabi mo!” Ang sapak na iyon ay nagpahina sa mga binti ni Jane, may malakas na tunog sa kanyang mga tenga. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa pader at ng makabawi sa kanyang balanse bigla siyang nagpakawala ng isang atake, na kinagulat ng lahat sa paligid niya. Pak! Isang nakakapangilabot na tahimik ang sumunod sa isang sampal na iyon. Walang sinuman ang umaasa na ang mahinhin na babaeng iyon ay may lakas ng loob na lumaban. Ang malaking babae ay nagwala sa maliit na sampal ni Jane. Ang kanyang mga mata ay namumula sa galit ng siya’y sumigaw, “Oh, ikaw p*ta ka! Bigyan na yan! Hindi importante kung makabali kayo ng isang paa o kamay. Kung sabagay, Sabi ni Mr. Stewart na hindi natin kailangan magpigil. Bigyan natin ang bobong p*ta na ito ng mainit na pagsalubong. Ang kailangan lang nating gawin ay hindi siya patayin!” Nagulat si Jane. Isang matalas at matinding sakit ang kumalat mula sa kanyang puso papunta sa iba pang parte ng kanyang katawan!... Sean! Sean Stewart!! Sinabihan sila ni Mr. Stewart.. Sean Stewart!!! Lahat ng paa’t kamay ni Jane ay nanginginig, habang ang kanyang puso ay nanigas na parang yelo! Walang duda na walang bantay na pumupunta sa kabila ng lahat ng kaguluhan dito. Hindi nakakapagtaka na ang mga malalaking babaeng bilanggo na nakapaligid sa kanya ay matapang sa paggulpi sa kanya! Itinaas niya ang kanyang ulo para tignan ang mga bilanggo, tapos tumayo siya at tumakbo sa papunta sa pasukan ng kulungan. Nakakapit sa mga bakal na rehas, sumisigaw ng tulong, “Tulong! Kailangan ko ng tulong! Inaatake nila ako! Tulungan niyo ako! Kahit na sino!” Alam niyang walang bantay na lalapit para tumulong, ngunit ang walang kwentang paghingi ng tulong ay ang tanging bagay na magagawa niya! Sumugal siya, pumusta na hindi talaga sinabihan ni Sean ang mga babaeng ito na ‘alagaan siya ng maigi’. Bagaman ang mga pagkakataon ay malapit na sa kawalan… kumapit pa din siya sa pantasyang iyon—ang pangarap na hindi pa siya tuluyang sinukuan ni Sean, na handa pa itong iwan siya ng kaunting pagasa. “Ah…!” May humatak sa kanyang buhok ng malakas at siya ay natumba mula sa pwersa nito, bumagsak una ang mukha sa lapag. Hindi kailanman napahiya ng ganito si Jane dati! Sa sumunod na iglap, hintak ang buhok ni Jane pataas, pinapaulanan ng sapak at sipa. Siya ay bumagsak sa lapag, sumigaw, “Ugh~” Hindi nakuha ni Jane ang “pagasa” mula kay Sean na inaantay niya. Tumigil siya sa pagsigaw, hinahayaan ang mga taong ito na sipain at sapakin siya kung gusto nila, kasabay pa ng kanilang masayang tawanan. Humingi siya ng tulong hindi dahil sa takot ng sakit at panggugulpi, ngunit dahil nagtiwala siya sa kakarampot na pagasa at pantasya na mayroon siyang natitira. Matapos na ang mga babae ay napagod na sa panggugulpi sa kanya, bumalik na sila sa kanilang sariling mga kama at natulog. Si Jane ay nakabaluktot sa lapag sa sakit, ang kanyang mga luha ay tumutulo sa gilid ng kanyang mga mata at kumalat na ang dumi sa kanyang buong mukha. Hindi kailanman siya inapi ng ganito karaming tao dati. Hindi kailanman siya napahiya ng ganito dati. Ang tanging ginawa niya lang ay magkagusto sa isang lalaki na hindi dapat mangyari, kay Sean Stewart! Bakit ba na kinakailangan niyang saluhin ang lahat ng kanyang poot at galit ng dahil sa bagay na nangyari kay Rosaline? Matapos ang nangyari kay Rosaline, sinubukang magpaliwanag ni Jane sa lahat. “Wala akong ginawang kahit na ano kay Rosaline.” Gaano man niya subukan na magpaliwanag , Walang sinuman ang naniniwala ng sa kanya. Nagpaliwanag siya gamit ang lahat ng paran. Hindi siya ang nag imbita kay Rosaline patungo sa Nightlight. Si Rosaline ang siyang gustong pumunta dahil sa nagtataka ito kung ano ba talaga ang isang “bar”? Sa mga mata ng ibang tao, si Jane, ang tagapagmana ng mga Dunn, ay mabangis at baliw, habang si Rosaline Summers ay puro, inosente at tahimik. Walang sinuman ang naniniwala na si Rosaline ang magiimbita na pumunta sa lugar na magulo at madumi tulad ng isang bar ng siya mismo. Sabi ni Jane na ang kanyang kotse ay nasiraan papunta doon, kung kaya naman siya ay huli na ng makarating sa Nightlight. Walang sinuman ang naniwala sa kanya. Sinabi nilang lahat na nagpapalusot lamang siya, na sinadya niya talagang iwanan si Rosaline magisa sa Nightlight para mas madali sa mga tauhang inutusan niya na gahasain si Rosaline ay dungisan ang kanyang magandang pangalan. Subalit, walang kahit na anong rason si Jane para gawin ang lahat ng iyon. Laging sabi ni Rosaline sa kanya, “Jane, hindi ganoon ang tingin ko kay Sean, sa totoo lang.” Kung si Rosaline ay kasintahan ni Sean, lalayuan ni Jane ito. Pero hindi naman gusto ni Rosaline si Sean, hindi ba? Inaakala ng lahat na si Jane ay ang masamang kontrabida, ang kontrabida na siyang gumagawa ng hindi kanais nais na mga bagay. Ang mga tauhang iyon ay malamang alam na masama na ang mga nangyari, kaya nawala sila ng walang bakas. Sino ang nakakaalam kung saan sila nagpunta? Malaki ang bansa at wala namang mga kwento ng mga mamamatay tao na nagtago sa kagubatan sa kabundukan ng isang dekada o higit pa. Hiniling ni Jane na mahuli ang mga taong ito higit pa kaysa sa kanino pa man. Hinayaan niyang tumulo ang luha. Matapos ang insidente kay Rosaline hanggang sa sandali na nakulong siya, si Jane ay matatag na naniniwala sa isang bagay. Siya ay inosente, wala siyang ginawang krimen. Ngayon, gayunpaman, naintindihan niya. Hanggat naniniwala si Sean na may sala siya, kung gayon siya ay ang may sala at nararapat na mamatay. Ang lahat ng nangyari ngayon araw— Itong lahat ay naaayon sa kahilingan ni Mr. Stewart. Ang hindi alam ni Jane ay na ang buhay niya sa kulungan ay magpapatuloy na puno ng “kahilingan ni Mr. Stewart“. Wala na siyang suporta ng pamilya Dunn, record, o kahit na anong kwalipikasyon sa edukasyon, dagdag pa na isa na siyang bilanggo… Si Sean Stewart ay epektibong nalinis ang lahat ng prueba ng eksistensya ni Jane sa mga talaan! Ngayon si Jane Dunn ay wala na kung hindi si Convict No. 926! Pinagisipan ng maigi ito ni Jane, niyakap ang kanyang mga binti sa kanyang dibdib at ginagawang mas maliit ang kanyang sarili. …Si Sean ay tuluyan ng binura ang lahat ng bakas ng kanyang eksistensya! Kinaumagahan “Hoy, gising na. Linisin mo na ang banyo...” Isa sa mga babaeng bilanggo ay tinulak si Jane, ngunit bigla siyang natakot na napasigaw siya, “Oy! Patay na siya!” Ang isa sa malalaking bilanggo ay nagmadaling lumapit sa kanya at naglagay ng daliri sa ilalim ng ilong ni Jane, nagantay ng ilang saglit pa bago siya sa wakas nakaramdam ng mahinang hinga. “Tumahimik ka nga! Buhay pa siya! Tawagin mo na ang mga bantay!” Si Jane ay malakas pa para mabuhay, kaya nakalusot siya sa pangyayaring iyon. Hindi ito talagang magandang bagay. Ang walang katapusang pagpapahiya at walang humpay na pasakit ay sapat na para mabaliw ang kahit na sino, sapat na… para baguhin ang isang tao ng tuluyan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.