Kabanata 7 Halik
“Ano ang gusto mong gawin pagkatapos mong makalaya, Jane? Ako gusto kong magpunta sa Erhai. Maganda ito sa malinaw at malinis na paraan. Ang pagdaloy ng tubig doon ay nakakatuwa at ang mga isa at hipon sa lugar na iyon ay sariwa. Ang kalangitan ay mas asul, ang tubig ay mas malinaw at kahit na ang sinag ng araw ay mas mainit kaysa dito sa bayan na ito.”
“Gusto kong magtrabaho at kumita ng madaming pera, tapos pupunta ako doon at magsisimula ng isang maliit na paupahan. Ayokong kumita doon. Gusto ko lang na makita ang Erhai araw-araw, makita ang pagtaas at paghupa ng tubig. Hindi pera ang pangunahing layunin ko, hanggat mayroon akong sapat para kumain. Minsan makikita ko ang mga manlalakbay na dumadating at umaalis.”
“Jane, sa tingin ko mamamatay na ako. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko pa nga mismong nakikita ang Erhai.”
Hindi malilimutan ni Jane ang maganda ngunit nakakalungkot na boses na iyon. Yakap niya ang babae, sinusubukang painitin ang katawan ng babaeng dahan-dahang lumalamig gamit ang sarili niyang init.
Habang nakahiga siyang namamatay, ang mga maliwanag na mga mata ng babae ay napupuno ng paghahangad. Nakatingin siya sa kalangitan sa labas ng maliit na bakal na bintana ng kulungan, sinasabi, “Jane, ang totoo niyan, hindi pa ako nakapunta sa Erhai. Nakita ko ang ganda nito sa TV at mga magazine. Alam ko na pagkalaya ko dito, wala akong pera para makapunta ng Erhai at magsimula ng maliit na paupahan. Gusto ko lang na mangarap ng hindi makatotohanang panaginip bago ako mamatay, iyon lang.”
Hanggang ngayon, naaalala pa din niya Jane ang paghahangad sa mga mata ng babae ng mamatay siya.
Ang alaalang ito ay napakasakit na ang mga mata ni Jane ay nabasa na ng luha bago pa niya ito mapansin. Patago niyang pinunasan ang mga luha. Habang siya ay nakaluhod sa lapag, inabot niya ang kanyang kamay sa ibabang laiwang likod niya. Walang laman ito. Kulang siya ng isang organ kaysa sa karamihan ng normal na tao.
Ito ang rason bakit hindi siya makainom ng alak. Kailangan niyang mabuhay.
Mayroon siyang utang na hindi pa nababayaran!
Mayroon pa siyang kasalanan na hindi pa nalilinis!
Hindi!
Hindi pa siya pwedeng mamatay!
Itininaas ni Jane ang kanyang ulo at tumingin kay Sean, umiiling ang kanyang ulo. “Mr. Stewart, hanggat hindi ito paginom, kaya kong gawin kahit na ano.”
Kahit na ano… tama ba?
Ang mala lawin na mata ng lalaki ay nanliit at ang kanyang labi ay umangat ng mabagal. “Kahit na no talaga?” Mayroong babala ng panganib sa kanyang tono.
Itinapon na ba ng tagapagmana ng mga Dunn ang lahat ng kanyang kumpyansa sa sarili at pride?
Gusto niyang makita kung ang Miss Dunn na naaalala niya ay talagang nagbago ng tuluyan.
“Hanggat hindi ito paginom, gagawin ko kahit na ano.”
“Sige kung gayon!” Isang kinang ang lumitaw sa mukha ng lalaki kung saan siya nakaupo. Pinatunog niya ang kanyang daliri at sa senyales na ito, isang tao ang mabagal na lumabas sa madilim na sulok. “Sir.” Ang lalaki ay nakasuot ng itim na damit, na may malinis na maikling gupit at ang kanyang ulo ay nakayuko ng magalang na 45-degree na angulo. Malamang siya ay bodyguard ni Sean.
Naguguluhang tumingin si Jane kay Sean sa ilalim ng madilim na kapaligiran. Ang perpektong gintong mukha ng lalaki ay dahan-dahan ngumiti na parang maganda ngunit nakakatakot na spider lily. Ang kanyang manipis at elegante labi ay kumilos, nagsasabi, “Halikan mo siya.”
Ang tingin ni Jane ay sinundan ang kanyang mga daliri at nanigas ng makita niya na ang walang kibong bodyguard niya ay nakatayo sa likod niya… Sa isang iglap, ang kanyang mga mata ay nanlaki!
“Ano? Hindi mo ito kayang gawin?” Narinig niya ang naiintrigang tawa ni Sean sa kanyang tenga. “Inumin mo ang vodka o magsimula ka na, dito ngayon na.”
Splash! Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang ulo. Si Jane ay nanigas, ng walang bahid ng init na natitira. Itinaas niya ang kanyang ulo, mukhang natataranta sa lalaking nakaupo na parang isang hari sa couch… Ano ang sinabi niya?
Palabas, tama ba? Ah… Gusto niya na kumilos siya na parang bayarang babae, tama ba?
Dahan-dahang tinikom ang kanyang tuyong mga labi. Kung gayon ang kanyang inang halik ay ganito. Bagaman ang tanging nararamdaman niya para kay Sean ngayon ay takot at pangamba, kahit na itinago niya ang lahat ng kanyang mga nararamdaman para sa kanya sa kaloob looban ng kanyang puso, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na makaramdam ng bahid ng mapait na sakit.
Mabagal siya tumingin kay Sean, ang kanyang mga mata ay walang bahid ng panlalamig, galit o pagmamahal. Ang tanging nakikita niya doon ay ang malalim na walang katapusang desperasyon!
Masayang nilasap ni Sean ang desperasyon sa kanyang mga mata. Ang babaeng ito… ay malamang tatanggihan ang kanyang baliw na hiling, tama? Sa pagitan ng paginom ng vodka at publikong pakikipaghalikan sa lalaking hindi niya kilala, kahit na sinong babae ay madaling pipiliin ang una, tama ba?
At saka, siya ang dating Miss Dunn. Ang Mayabang na si Miss Dunn.
“May iba pa bang pagpipilian?” Kung sabagay, ito ay una niyang halik. Walang ibig sabihin ito sa kanya, ngunit ito ay napakahalaga para sa kanya.
Ayaw niyang mawala ang una niyang halik ng ganun na lamang.
Wala ng kahit anong mawawala sa kanya.
Itinaas niya ang kanyang baso at inibos ito. “Wala kang karapatan makipagtawaran sakin.” Ang kanyang labi ay masayang kumurba. Gusto niyang makita kung gaano magpapakababa ang Miss Dunn ng S City!
“Ganoon ba. Naiintindihan ko.” Tumayo ng matikas si Jane. Ang kanyang mga binti ay wala sa maayos na katayuan at matalas na sakit ang naramdaman niya matapos ang lahat ng pagluhod na iyon. Ito ay halos magpabagsak muli sa kanya sa lapag. Itinaas niya ang kanyang kamay at pinalo ang kanyang binti ng malakas ng ilang beses, pinapakalma ang kanyang mga nerves bago paika-ikang lumapit sa bodyguard na nakaitim.
Tutal hinampas niya ang kanyang binti ng ganun, ang mga lalaki sa kwarto ay inaakala na ang kanyang binti ay namanhid lang dahil sa matagal na siyang nakaluhod. Tanging si Susie lang ang alam na ang nagiikang babae ay nakakaranas ng hindi maipaliwanag na sakit ngayon.
Si Susie ay nagsisimula ng manghinayang sa kanyang ginawa. Dinamay niya si Jane sa gulong ito.
“Jane...” Hindi mapigilan ni Susie na hindi magsalita, ngunit ang mayabang na si Ray Sierra ay binigyan siya ng babala gamit ang tingin. Mabilis niya na tinikom ang kanyang bibig, ang kanyang tingin ay puno ng pagsisisi. Ang tanging magagawa niya lang ay ang tignan ang nakakaawang babae habang paika-ika siyang sa kwarto.
Walang ekspresyon si Jane habang papalapit siya sa bodyguard. Tahimik siyang huminga ng malalim at binitawan ang isang mahabang hinga. Matapos ang matagal na paghinto, pinilit niya ang kanyang sarili na kumalma habang tinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang balikat na bodyguard na nakaitim.
Mukha siyang kalmado, ngunit ang taong pinakamalapit sa kanya, ang bodyguard na ang mga balikat ay kanyang hawak, ay malinaw na nararamdaman na si Miss Dunn ay nanginginig.
Kilala niya din si Miss Jane Dunn, ngunit sa ngayon, ang bodyguard ay hindi makapaniwala na ang nagpapakababa at nahihiyang babae ay ang parehong tao na tagapagmana ng mga Dunn, ang babae na may sobra sobrang pride at napakasigla.
Si Jane ay naka tingkayad na, ang kanyang nanginginig na puting labi ay papalapit na sa bodyguard...
Ito ay ang kanyang unang halik, hindi naman siya makakaramdam ng kahit anong sakit sa pagkawala nito. Kung ininom niya ang lahat ng vodka na iyon, ang pagkakataon na mabuhay siya ay halos wala.
Gusto niyang mabuhay, kaya ano pa ang halaga ng unang halik?
Ang ekspresyon ni Sean ay kumplikado. Kung sabagay, pinili niya ang huling pagpipilian.
Ang tao na nasa couch ay nanliit, ngunit ng pabukas pa lang niya ang manipis na labi niya nang bigla niyang narinig ang isang boses mula sa pintuan. “Oy, ikaw pala? Bakit nandito ka pa din?”
Sa sandaling nagsalita ang boses na iyon, ang lahat ay napatingin papunta doon. Bago pa nila malaman ito, isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa may pintuan.
Nabigla si Jane at humarap siya papunta sa pintuan. “Ikaw pala...”
Tumingin si Ray sa matangkad na lalaki na nasa pinto bago tumingin pabalik kay Jane. Ang kanyang nakakaakit na mga mata ay nanliit habang ngumiti siya, nagsasabi, “Oy, Haydn. Alam mo dito?” Kakaiba iyon. Bakit kilala ni Haydn Soros ang isang hamak na cleaner?
Kinamot ni Ray ang kanyang baba. Magiging masaya ito.
Samantala, si Sean ay nakatingin din kay Haydn, isang malalim na anino ang makikita sa kanyang mga mata.
Wala talagang pakialam si Haydn kung ang lahat ay nakatingin sa kanya. Tinignan niya lang si Jane ng kakaiba… Ano ang ginagawa ng babaeng ito? Bakit mukhang sapilitan niyang hahalikan ang personal na bodyguard ni Sean Stewart?
Kumurap siya ng kaswal at ang kanyang labi ay napangiti. “Kakaiba talaga. Umalis lang ako ng saglit, ngunit parang ngayon ay nagiinit na ang mga pangyayari dito.” Inilagay ni Haydn ang isa niyang kamay sa kanyang bulsa at naglakad papalapit papunta kay Jane, nagtatanong, “Ano ang ginagawa mo?”