Kabanata 3 Ang Paglaya
Tatlong taon ang lumipas
Ang mga pintuan ng S City Women’s Prison ay nagbukas at isang babae ang naglakad palabas dito ng mabagal.
Siya ay sobrang namayat. Bagaman nakasuot ng parehong puting damit ng siya ay pumasok sa kulungan tatlong taon ang nakaraan, ito ay nagmukhang sako na sinuot niya sa kanyang mga balikat.
Mabagal siyang naglakad, dahan-dahang naglalakad patungo sa counter na lagpas sa isang daang metro ang layo. May hawak siyang itim na plastic bag na naglalaman ng thirty-one bucks at fifty cents, pati na ang kanyang ID.
Taginit ngayon panahon at may malinaw na heat wave sa ibabaw ng batong kalsada na kanyang dinadaanan. Ito ay halos thirty-three o thirty-four degrees celsius sa labas ng araw na iyon, ngunit ang babae ay sobrang natuyuan na hindi na siya pinagpapawisan habang naglalakad siya sa ilalim ng mainit na araw.
Mayroong itim at asul na pasa sa paligid ng kanyang maputlang balat. Mayroong pang sugat na three centimeters ang haba sa kanyang mukha, mas eksakto pa sa noo malapit sa guhit ng kanyang noo. Ito ay talagang nakakairitang tignan.
Dumating na ang bus at sumakay ang babae dito. Dahan-dahan siyang kinuha ng isang dollar coin palabas sa itim na plastic bag at inilagay ito sa coin box ng bus. Hindi ganoon kadami ang mga tao sa bus at ang driver ay hindi siya gaanong tinignan bago inalis ang kanyang nandidiring tingin… Kahit na sinong sumakay sa bus dito ay bilanggo mula sa kulungan at walang kriminal ang mabait.
Ang babae ay hindi napansin ang tingin ng driver. Naglakad siya patungo sa pinakalikod ng bus at pinili ang dulong upuan, sinusubukang hindi mapansin kung posible.
Nagpatuloy na umandar ang bus at habang nagpapatuloy, nakatingin siya sa labas ng bintana… Madami na ang nagbago sa tatlong taon.
Umangat ng kaunti ang kanyang labi… Siyempre, madami ang nagbago sa loob ng tatlong taon. Totoo ito para sa labas na mundo, ngunit lalo na ito para sa kanya.
Ang bus ay pumunta sa mas maunlad na parte ng bayan at siya ay biglang nanginig… Saan na siya dapat magpunta ngayon na nakalaya na siya sa kulungan?
Sa kanyang pagmumuni, napagtanto niya ang katotohanan—wala na siyang ibang pupuntahan.
Binuksan niya ang itim na plastic bag. Ang tanging mayroon na lang siya ay thirty buck and a half. Maingat niyang binilang ito ng tatlong beses… Ano na ang dapat niyang gawin ngayon?
Hindi malayo mula sa kalsada, mayroon “hiring” sign na pumukaw ng kanyang atensyon.
“Sir, bababa na ako. Maaari mo bang buksan ang pintuan para sakin.” Ang tatlong taon na nabilanggo siya ay nagalis sa lahat ng kanyang pride at siya ay laging mahiyain ang kanyang pananalita.
Ang driver ay nagreklamo na parang baliw habang binubuksan ang pintuan ng bus. Nagpasalamat siya at bumaba sa bus.
Matapos noon naglakad siya papunta sa malaking recruitment sign at tinitigan ito ng sandali. Napunta ang kanyang tingin sa salitang “cleaner” pati na ang “libreng tulugan at pagkain”.
Wala siyang bahay, record, o kahit na anong kwalipikasyon, ngunit mayroon siyang record sa bilangguan… Malamang hindi nila siya tatanggapin kahit para sa posisyon ng isang cleaner. Subalit… Ang babae ay mahigpit na hawak ang thirty bucks and a half ang meron na lang siya at desidido ng tuluyan, naglakad papunta sa nightclub na nagngangalang East Emperor International Entertainment Center. Nanginig si Jane ng pumasok siya. Ang malamig na air-con ay nagpanginig sa kanya sa lamig.
…
“Pangalan,” walang pasensyang sinabi ng interviewer.
“Jane Dunn,” Sabi niya sa kanyang magaspang na boses ng mabagal. Ang magarbong itsurang babae na nagtatala sa mga detalye ni Jane ay sobrang nagulat sa kanyang narinig na ito ay nanginig at muntik na malaglag ang kanyang panulat. Tanong ng interviewer, “Bakit ang gaspang ng boses mo?”
Ang tatlong taon na pagkakabilanggo ay nagsanay kay Jane na yumuko ang kanyang ulo, kung kaya naman kahit na sinabi na ang kanyang boses ay hindi kanais nais sa harapan niya, tumugon lang siya ng mabagal at mahinahon, na parang walang kahit anong makakaapekto sa kanya. “Nakalanghap ako ng masyadong madaming usok.”
Ang magarbong babae ay medyo nagulat, nilipat ang kanyang mapagmatyag na tingin sa mukha ni Jane. “Nasa sunog ka ba?”
“Oo, ganoon na nga.” Kalmadong binaba ni Jane ang kanyang mata dahil doon… Kaysa sa isang sunog, ito ay parang sadyang pagsunog.
Ang magarbong babae ay napansin na walang intensyon si Jane na magpaliwang pa at na si Jane ay hindi nakakapukaw na tao. Hinayaan niyang lumagpas ang usapan, ngunit sumimangot siya ng kaunti at huminto. “Hindi pwede ang ganito. Ang East Emperor ay hindi ang iyong regular na entertainment facility at mayroon din kaming mga matataas na klase ng kliyente.” Tinignan niya ng maigi muli si Jane, hindi tinatago ang kanyang pandidiri. Malinaw na mababa ang tingin niya kay Jane, nakasuot ng parang sakong damit. Si Jane ay suot ang damit na iyon ng matagal na panahon na, dahil ang puting tela ay naninilaw na.
Ang East Emperor ay hindi lugar na ang normal na tao ay maaaring makapasok, kung kaya naman ang regular na mga tauhan ay dapat mayroong mga disenteng itsura at maalindog na katawan. Paano na lang ang tulad ni Jane maglalakas loob na pumasok para sa isang job interview.
Ang magarbong babae ay tumayo at kinumpas ang kanyang kamay, malinaw na tinatanggihan si Jane. “Hindi, ang isang tulad mo ay hindi pwede. Hindi ka man lang pwede maging tagapagsilbi.” Pagtapos noon, tumalikod siya para umalis.
“Nandito ako para maging cleaner.”
Ang magaspang na boses ay nagsalita sa maliit na opisina, matagumpay na pinigilan ang babae sa kanyang paglalakad. Huminto siya at tumalikod, tumaas ang kilay habang tinitignan si Jane simula ulo hanggang paa muli. Kahina-hinala, sinabi niya, “Hindi kailanman ako nakakita ng babae sa twenties na handang ibaba ang kanyang ulo at kuhanin ang mahirap na trabaho ng isang cleaner.”
Kahit na ang pinakabatang cleaner na mayroon sila ay nasa kanyang forties. Ang babaeng ito na may sugat sa kanyang noo at napakapayat na katawan, ngunit siya lamang ay nasa kanyang twenties. Madami silang edad dalawangpu pataas doon— lahat sila ay mga model at hostesses! Ah pati na din pala mga tagapagsilbi, siyempre.
Wala lang talaga silang kahit na sinong dalawampung taong cleaner.
Inakala ng babae na ang mahinhing babae ay bilang magkwekwento ng nakakaiyak nitong kwento, sasabihin kung gaano kahirap ang kanyang buhay at gaano kahirap na mabuhay dito. Kung ang babae ay talagang sinubukang ibenta ang lahat ng kalokohang iyon, siguradong paaalisin niya ito kaagad.
Mahirap ang buhay, huh? Hoy, madaming ganyang mga kwento dito sa East Emperor na makakabuo na sila ng mga libro na kayang magpuno sa isang library kung isusulat nila ito as papel. Sino ang may pakialam sa buhay ng taong kanilang nakilala pa lang?
Sa kanyang pagkagulat, ang babae na may sobrang gaspang na boses ay mabagal na sinabi, “Ikatutuwa ko kung maibebenta ko ang aking katawan kung pwede. Bago pa ako dumating dito, tinignan ko ang aking sarili at napagtanto ko na hindi ako kwalipikado para doon, kung kaya naman labor lang ang maibebenta ko. Gagawin ko kung ano ang aking makakaya.” ...Siya ay si No. 926. Matapos siyang mapunta at makalabas mula sa lugar na iyon, anong dignidad pa ba ang natitira na sinasabi niya? Mayroong kinang ng pagpapatawa sa mga mata ni Jane.
Ang magarbong babae ay medyo nabigla at tinignan niya ulit si Jane mula taas hanggang baba ulit. Siya ay naglakad pabalik sa kanyang opisina at kinuha ang panulat, handa ng sulatan ang form. “Jane Dunn, tama ba? Dunn na may dalawang n?”
“Tama.”
“Nagulat ako.” Ang babae ay pinagmasdan muli si Jane. “Ito’t malabing na pangalan. Ang iyong mga magulang ay talagang mahal ka.”
Ang mga mata ni Jane ay patay na parang naimbak na tubig… Mahal ba talaga nila siya?
Oo, minahal nila siya. Kung hindi siya naging kasing sama para patayin si Rosaline Summers at magdala ng sakuna sa pamilya, kung gayon oo, malamang mahal nila siya. Sobra pa kung gayon.
“Wala akong kahit na sinong pamilya,” Kalmadong sinabi ni Jane.
Ang magarbong babae ay sumimangot at tumingin kay Jane, ngunit hindi na siya nagpatuloy tungkol dito. Tumayo siya at sinabi, “Sige, gumawa ka ng kopya ng iyong ID.”
Ang babae ay tumayo mula sa kanyang upuan at naglakad papunta sa pintuan habang nakasuot ng fifteen-centimeter na heels bago siya biglang huminto at tumalikod, binabalaan si Jane, “Jane, alam mo ba kung bakit hinayaan kita at tinanggap kita?”
Hindi siya umaasa ng sagot, kung kaya nagpatuloy siya, “Ito ay dahil sa isang bagay na sinabi mong tama. Kung maibebenta mo ang iyong katawan, gagawin mo iyon, ngunit kung hindi pwede, gagawin mo kung ano ang kaya mo.””
“Madaming tao doble ang edad mo na hindi nakakaintindi dito. Sila ay sobrang nakatuon at hindi humihinto para makabenta lamang, iniisip na nakikipagpaligsahan sila sa tuktok na sa totoo lang ay nasa isipan lamang nila. Hindi talaga nila alam kung nasaan ba talaga sila.”
“Handa kang tignan ang iyong sarili ng matapat at intindihin kung ano ang kaya mo. Naniniwala ako na ang taong nakakaalam ng kaya nila ay alam din kung ano ang hindi nila kayang gawin.”
Sa puntong iyon, ang magarbong babae ay nanliit ang mga mata. “Ang East Emperor ay hindi isang regular na entertainment center, Jane.”
Mabagal na tumugon si Jane tulad ng dati. “Alam ko. Mayroon akong hindi kanais nais na boses, kaya hindi ako magsasalita kung hindi kailangan.” Kasama na ang mga bagay na tinutukoy niya kanina.
Ang magarbong babae ay tumango, kuntento sa sagot niya. Madalas, hindi kailanman siya nagbibigay ng payo sa mga baguhan tulad ng ganito. Kung sila ay naglakas loob na pumunta sa East Emperor, sila ay kailangang handa ng tuluyan.
Para isipin na gumawa siya ng eksepsyon para sa cleaner na ito.
Kahit na ang babae ay may sapat na taas na posisyon sa East Emperor, hindi niya pa din pwedeng galitin ang kahit na sinong mayaman at makapangyarihang tao sa bayang ito… Kahit na sinong sumali sa East Emperor ay kailangan malaman ang mga ‘rules’.
Kasama na dito ang kung ano ang pwede at hindi nila pwedeng sabihin, pati kung ano at hindi pwedeng gawin.
“Um, Miss Manager... ” Nautal si Jane. “Wala akong lugar na tutulugan.”
Sinabi ng magarbong babae, “Tawagin mo na lang akong Alora simula ngayon.” Inilabas niya ang kanyang phone at may tinawagan. “Ken, pumunta ka dito. Tumanggap ako ng bagong cleaner, dalhin mo siya sa dorm.” Matapos nito binaba niya ito at sinabi kay Jane,
“Pumasok ka bukas.”
Matapos iyon, iniwan niya si Jane magisa dito.
Tinignan ni Jane ang appointment form sa kanyang kamay at huminga ng maluwag… Kahit papaano, hindi niya kailangan na matulog sa kalye ngayon gabi.