Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 1140

Galit siyang tumingin kay Luna. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Anak ko si Joshua! Bakit naman mas mahalaga ang pera kaysa sa kanya! Sasabihin ko sayo, ngayon at walang malay si Joshua, ako ang masusunod.” “Mag ingat ka sa mga sinasabi mo. Kung hindi, papalayasin kita ngayon na at hindi mo na makikita si Joshua ng buong buhay mo!” Sumingkit ang mga mata ni Luna. Inabot niya at hinawakan ang mga kamay ni Joshua. Nanatiling nakahiga si Joshua sa kama habang nakapikit ang mga mata. Hindi niya marinig ang mga pagtatalo nila, hindi niya rin makita na inaapi si Luna ng tatay niya. Nang makita na wala nang sinabi si Luna, malamig na inalis ni Adrian ang kapit sa kanya nila Zach at Yuri. Umupo siya sa sofa sa tabi, nag dekwatro siya na parang isang mataas at makapangyarihang pinuno. “Lucas. Mag ingat ka sa mga sinasabi mo sa susunod. Hindi pa sila kasal. Paano mo siya tatawagin na Ma’am? Tawagin mo siya na Luna!” Tahimik ng ilang sandali si Lucas. Yumuko siya. “Opo, Master Lynch.”

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.