Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2

Nang binanggit ang pinakamatanda niyang anak, kumirot ang puso ni Luna. Ngumiti siya ng mapait. “May nag aalaga sa kanya doon. Baka manatili kami dito ng mas matagal ngayon.” Kailangan niyang asikasuhin ang ilang mga isyu. Sa nakalipas na anim na taon, nag sabwatan sina Joshua at Aura para patayin siya, kahit na tatlong buwan na siyang buntis. Pagkatapos ibalita sa publiko ang pagkamatay niya, walang hiya na gumawa si Aura ng last will ni Luna bilang pruweba na nagpakamatay ito. Ang rason daw ng pagkamatay niya ay dahil pinagtaksilan niya si Joshua at pinagsisihan niya ito. Kalokohan. Namuhay ng masaya ang traydor habang binansagan siya bilang isang manloloko kahit na sa pagkamatay niya. Para sa lahat ng ginawa nila, pagbabayarin sila nito ng dugo! Syempre, kasama rin ang katawan ni Nigel... Huminga ng malalim ang babae at lumingon siya kay Anne. “Anong balita sa job opening na pinatingnan ko sayo?” Medyo awkward ang itsura ni Anne. “May inutusan ako na magtanong tungkol dito, pero sa ngayon, walang posisyon na bukas sa Lynch Group maliban sa…” “Maliban sa cleaner.” Ngumiti si Luna. “Magiging cleaner pala ako.” “Paano mo gagawin ‘yun?” naintindihan ni Anne ang paghihirap na pinagdaanan ni Luna nitong mga nakalipas na taon. Sa nakalipas na anim na taon, nahirapan siyang mabuhay pagkatapos ng aksidente. Hinintay niya munang ipanganak ang tatlong anak niya bago siya nagsimula ng plastic surgery at physiotherapy. Pagkatapos nito ay muli na siyang nagsimula. Sa huli, naging isa siyang kilalang jewelry designer sa Europe, ngunit bigla niyang sinukuan ang kasikatan at karangalan niya at nagretiro siya para bumalik sa Banyan City sa ilalim ng sarili niyang pangalan.... Bigla gusto niya na magtrabaho sa Lynch Group bilang isang cleaner? “Sa totoo lang, maraming mga nababagay na trabaho para sa iyo sa Banyan City maliban sa Lynch Group…” Umiling si Luna. “Gusto ko lang pumasok sa Lynch Group.” ... Ang apartment na nahanap ni Anne para kay Luna ay galing sa kamag anak niya, at buong taon na walang nakatira dito. Hindi ito nalalayo mula sa city center, at malawak din ito na may kasamang tatlong kwarto at isang sala. Pumasok ng apartment sina Luna at ang dalawang anak niya, lumipas ang kalahating araw sa paglilinis at pag aayos nila ng gamit. “Neil, bantayan mo ang kapatid mo. Lalabas ako para bumili ng mga kailangan natin.” “Okay!” Pagkatapos sumara ng pinto, nagmadali ang dalawang bata para buksan ang laptop habang nagplay ang interview ni Joshua sa laptop screen. “Neil, si Daddy ba ‘yan?” niyakap ni Nellie ng teddy bear niya at kinagat niya ang kanyang labi. “Tama ka, sa ating tatlo, ako ang pinaka kamukha niya.” “Oo.” tumingala si Neil para tumingin sa lalaking nasa screen, lumiit ang mga mata niya. “Naalala mo pa ba ang tinuro ko sayo?” “Yup!” tumango si Nellie habang bumuo siya ng mga kamao, at naging seryoso ang cute at bata niyang boses habang sinabi niya, “Gagalingan kong mag acting!” ... Pag alis ni Luna sa neighborhood, tumawag siya ng taxi para pumunta sa pinakamalapit na department store. Paglapit niya sa kahero, narinig niya ang isang pamilyar na boses, “Hindi ko inaasahan na maging interesado ang lahat sa kasal namin ni Joshua.” Nanggaling ang boses na ito mula sa malaking screen sa harap ng store. Sa screen, ipinaliwanag ni Aura, “Nakapokus kami sa mga karera namin ngayon at wala kaming oras para sa wedding ceremony.” Tumawa rin ang host. “Totoo naman. Alam ng lahat na magkasama na kayo ni Mr. Lynch ng higit sa limang taon. Malalim at tapat ang damdamin niyo para sa isa’t isa…” Humigpit ang hawak ni Luna sa shopping cart. Sa nakalipas na anim na taon, sa loob ng last will na ginawa nila, hiniling niya na pakasalan ni Joshua si Aura at alagaan ito ng habang buhay. Ito ang rason kung bakit engaged sila, tapat at bukas sa lahat. Kumirot ang puso ni Luna habang iniisip ito. Kahit na pinagtaksilan siya, walang hiya pa rin silang gumawa ng mga paliwanag habang tinago niya ang tunay na pangalan at pagkakakilanlan niya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, nabunggo niya ang shopping cart sa ibang tao. “Pasensya—” tumingala siya, ngunit bago pa siya matapos magsalita, naipit sa lalamunan niya ang huling salita. Matangkad ang lalaking nasa harap niya, gwapo, marangal, ngunit parang mayabang. Lumipas na ang anim na taon nung huli silang nagkita. Tila mas malamig at mas makisig na siya. Namutla ang mga daliri ni Luna na nakahawak sa shopping cart. Hindi niya inaasahan na makasalubong si Joshua sa oras na makauwi siya. Malamig na tumingin ng tagilid sa kanya si Joshua. “Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” Sa nakalipas na anim na taon, nainfect ang mga sugat sa mukha niya noong nalaglag siya sa dagat dahil sa aksidente, namaga ito at puno ng nana. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang plastic surgery sa mukha niya. Halos perpekto na ang mukha niya, hinulma ng mga kamay ng mga pinakamahusay na plastic surgeon. Isinatabi niya si Joshua at sa unang dalawang taon, araw araw siyang umupo sa harap ng salamin ng maraming oras para siguraduhin na mukha niya nga talaga ang tumitingin pabalik sa kanya “Pasensya na.” huminga ng malalim si Luna at tinago niya ang umaapoy niyang mga emosyon. “Mr. Lynch, masyado kong binigyang pansin ang interview ng nobya niyo at aksidente ko kayong nabunggo.” Tumaas ang kilay ng lalaki. “Kilala mo ako?” “Sikat ka. Bakit naman hindi?” Ngumiti ng maliit si Luna. “Para matupad ang pangako ng ex-wife mo, pumayag ka na alagaan ang kapatid niya panghabang buhay. Sikat ang mga salitang ito sa Banyan City.” Bahagyang dumilim ang mga mata ni Joshua. Mula sa malayo, nakita niya ang likod ng babae, Ang babaeng ito, mula sa hugis niya, sa paraan ng paglalakad niya, at ang ugali niya na suklayin ang buhok gamit ang mga daliri, parehong pareho ito kay Luna! Ito ang dahilan kung bakit nilapitan niya ang babae ng hindi sinasadya. Gusto niya tingnan ang mukha nito, ngunit tila pareho lang ang hugis ng babaeng ito kay Luna. Hindi lang ang mukha at boses niya, ibang iba rin ang ugali nito! Mahinay at masunurin dati si Luna. Hindi siya magsasalita ng ganito. “Joshua!” narinig niya ang boses ni Aura mula sa likod. Matapos ang ilang saglit, tumakbo si Aura at kumapit siya sa kamay ni Joshua. “Anong ginagawa mo?” “Wala.” Tumalikod siya at sumama kay Aura. “Nabili mo na ba ang lahat ng kailangan mo?” “Yup!” Habang nakatayo sa isang lugar, pinanood ni Luna na umalis ang dalawa nang may lamig sa kanyang puso. ... Sa bahay, naghanda si Luna ng masarap na hapunan para sa dalawang anak niya. Kahit na palaging may ngiti sa mukha niya, alam nila Neil at Nellie na may problema siya. Pagkatapos mag hapunan, bumalik si Neil sa kanyang kwarto at hinack siya sa surveillance system ng department store. Lumiit ang mga mata niya habang pinapanood na sinundan ng lalaki ang nanay niya bago nag kasalubong ang dalawa. Nakasalubong niya na rin ang hayop na ‘yun, at dinala niya pa ang kabit niya sa department store! Kaya pala hindi ngumiti si Mommy nang makauwi siya. Kinagat ng bata ang labi niya. Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto at pumasok sa kwarto ng kapatid niya. “Sisimulan na natin ang misyon bukas!” ... Sa kinaumagahan, naghanda ng agahan si Luna. “Neil, Neliie, handa na ang agahan!” “Napuyat po si Nellie kakanood kagabi ng cartoons. ‘Wag niyo muna po siyang abalahin, Mommy,” ang sabi ni Neil habang naglalakad siya palabas ng bedroom. “Ah, oo nga pala, Mommy, hindi po ba’t pupunta kayo sa post office para kunin ang mga gamit natin?” Tumango si Luna. “Pupunta tayo kapag tapos na kayong dalawa kumain.” Anim na taon silang nasa ibang bansa, at marami sa mga gamit nila ay kailangang ipadala. Tumawag ang post office kahapon para sabihin na kunin na nila ang kanilang kagamitan. “Bakit hindi na lang po kayo pumunta ngayon?” ang sabi ni Neil habang kumakain. “Hindi na po kami limang taong gulang.” Nagbuntong hininga si Luna, ngunit kinuha niya ang kanyang coat at umalis na siya. Kahit na anim na taong gulang lamang sila, may mga oras panahon na mas mature sila kaysa kay Luna. Pagkatapos siguraduhin ni Neil na nakaalis na si Luna, pumasok siya sa kanyang kwarto, tiningnan ang surveillance footage sa kanyang laptop, at binulong sa kanyang phone, “Nellie, nandyan ka na ba?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.