Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 11

Nang marinig nila ang sinabi niya, napatingin sina Ivor at Ged kay Bonnie. “Alam mo iyon?” tanong ni Ivor na nakakunot ang noo. “Uh-huh,” sagot ni Bonnie. Ang matandang propesor sa research institute ay nag-text sa kanya ng petsa kaninang umaga. Tinanong nito kung libre siya sa ika-28 ng buwang ito at nag-alok na baguhin kung hindi. “Oh? Paano mo nalaman?” Pinakitid ni Ivor ang kanyang mga mata. “Kasi...” Kumunot ang noo ni Bonnie. “Hindi ko mailahad ehh. Ang masasabi ko lang, sa 28 gaganapin.” Hinila ni Ged si Ivor sa tabi at bumulong, “Hindi ko talaga siya masikmura, alam mo ‘yon! Oo, maganda siya, aaminin ko, pero puro kalokohan ang mga pinagsasabe niya!” Hinaplos ni Ivor ang kanyang baba at tumingin kay Bonnie. Noon pa man ay magaling siyang magbasa ng mga tao. Pero parang wala siyang maramdaman na pahiwatig na nagsisinungaling ang dalaga, na ikinagulat niya. “Sabi ng tatay ko, ang bawat pangunahing korporasyon sa Pyralis—hindi, ang ibig kong sabihin sa buong Arvandor—ay sabik na makipagsosyo sa research team ni Ms. Bonita para makakuha ng eksklusibong rights sa bagong nanomaterial. Hindi ba interesado rin doon ang kumpanya mo? “Isa ‘yong ganap na bagong nanomaterial! Walang limitasyon kapag sinimulan itong gamitin sa manufacturing at research. Sigurado akong makakatulong rin iyon sa pag-usad ng teknolohiya,” tuwang-tuwang wika ni Ged. “Siyempre interesado kami, ngunit maaaring hindi namin makuha ang rights niyon, kahit na ang pamilyang Knight ang pinakamayaman sa Pyralis. Maraming makapangyarihang bigatin sa Arvandor ang maghahabol doon.” Napatingin sa kanya si Bonnie nang matapos niya ang kanyang pangungusap. “Interesado ka sa pag-secure ng rights sa bagong nanomaterial?” Tanong ni Ivor, “Bakit? May maitutulong ka ba?” Tumango si Bonnie. “Dahil minsan na akong nailigtas ni Sigmund, matutulungan kita kung iyon ang gusto mo.” Hindi na kinaya ni Ged. “Salamat, pero hindi bale na! Sigurado akong ayaw mang-abala ni Ivor.” “Hindi naman. Kailangan ko lang ipaalam sa team,” kaswal na sabi ni Bonnie. Bumangon si Ged at nagtaas ng boses. “Huwag mo nang ipilit, okay? Kung hindi ka lang babae, kanina pa kit—” “Tama na, Ged.” Tumayo na rin si Ivor. “Pero napaka—” “Hindi na ulit natin siya makikita pagkatapos ng isang buwang engagement. Walang saysay ang magalit sa kanya.” Ngunit masama pa rin ang loob ni Ged. Masasabi ni Bonnie na hindi sila naniniwala sa kanya. Wala siyang pakialam, dahil hindi rin siya pinaniwalaan ng kanyang mga magulang. Walang kabuluhan ang pag-aaksaya ng kanyang hininga. “Palagi kong tinutupad ang mga pangako ko. Iaanunsyo ng research institute ang pakikipagsosyo nito sa Knight Group sa 28.” Pagkatapos, tumayo siya at umalis. “Naaawa ako sa’yo, Ivor. Nakapulupot siya sa’yo. Yung tipo ng asawang mahilig magpakitang-gilas, kahit na sa loob lang ng isang buwan, ay magiging kahihiyan mo habangbuhay!” Napatitig si Ged kay Bonnie at umiling. Bumaling ng tingin si Ivor palayo sa dalaga. “Nakausap mo na ba yung kaibigan ng Shepherd?” Uminom si Ged ng tubig para pakalmahin ang sarili. “Oo, gusto ng Shepherd na makipag-showdown sa’yo pagkatapos ng press conference tungkol sa nanomaterial.” “Bakit pagkatapos?” Naguguluhan si Ivor. Naisip ito ni Ged at sinabing, “Sa palagay mo ba ay dadalo si Shepherd sa kaganapang iyon? Interesado kaya siya sa pag-secure ng rights sa nanomaterial?” Naisip ni Ivor na posible iyon. Kung ganoon nga, baka makasalubong nila siya sa press conference. *** Makalipas ang ilang araw, sumugod si Ged sa opisina ni Ivor. “Holy shit, Ivor! May nangyaring hindi kapani-paniwala.” Huminto sa pagtatrabaho si Ivor at tumingin kay Ged. “Tungkol ba ‘yan sa press conference?” “Alam mo?” Huminga ng malalim si Ged at sinabing, “Hindi talaga ako makapaniwala. Sa 28 nga gaganapin!” Narinig ni Ged ang kanyang mga magulang na nag-uusap tungkol sa petsa ng press conference habang siya ay nag-aalmusal kasama sila. At talagang sa ika-28 nga! “Tama si Bonnie!” Tinignan ni Ivor ang kanyang mga daliri at inaalala ang sandaling sinabi sa kanila ni Bonnie ang tungkol sa press conference. Mukhang hindi nga nagsisinungaling ang dalaga. Tama ang kutob niya. “Paano niya naunang nalaman kaysa sa atin?” Nataranta si Ged. “Baka nalaman ng lolo ko at sinabi niya kay Bonnie,” nanghula si Ivor. “Ay, oo!” Galit na sabi ni Ged, “Malamang gano’n nga. Paano pa ba malalaman ng isang high school student ang ganoon? Tiyak na ginamit ni Sigmund ang kanyang mga koneksyon para makakuha ng impormasyon para masabi niya kay Bonnie at tulungan siyang mapabilib ka!” Ganoon din ang inakala ni Ivor. “Inutusan ka ba ni Sigmund na dalhin siya sa press conference? Kung oo, nirerekomenda kong huwag kang pumayag. Bawat makapangyarihan sa bansa ay nandoon. Kung magsisimula na naman siyang magsalita ng kalokohan, nakakahiya talaga para sa’yo!” “Wala namang sinabi ang lolo ko tungkol diyan.” “Mabuti naman.” Nakahinga ng maluwag si Ged. “Kung pipilitin ni Sigmund na samahan mo siya, kailangan mong gumawa ng paraan para iwanan siya.” *** Sa kanyang pag-uwi mula sa paaralan, bumahing si Bonnie. May kakaiba siyang naramdaman na pinagtsitsismisan siya. Biglang lumapit ang magarbong sports car na may kargang madaming pulang rosas sa upuan sa likuran. Huminto ito sa mismong harapan niya. Inabot sa kanya ng driver ang malaking bouquet ng rosas. “Kain tayo sa labas, Bonnie?” Habang nagsasalita siya, hinaplos ni Dwayne ang buhok niya. Sinulyapan ni Bonnie ang mga rosas at dahan-dahang sinabi, “Sinusubukan mo ba akong ligawan?” “Talino! Anong masasabi ko? Mahal ko talaga ang mga matatalinong babae.” “Boyfriend ka ni Sacha. Sigurado ka ba diyan?” “Aba, puwede ko naman siya hiwalayan kung gusto mo.” Mukhang tuwang-tuwa si Dwayne sa sarili niya. Akala niya ay sobrang gwapo at yaman niya kaya isusuko ni Bonnie ang sarili sa kanya. Pero sumimangot lang si Bonnie at malamig na sinabing, “Anong pake ko kung mag-break kayo? Sa tingin mo ba ay bibigay ang bawat babae sa’yo dahil lang sa mayaman ka? Makita ko nga lang mukha mo, ehh, nasusuka na’ko.” Nabigo ang sports car at kayamanan ni Dwayne na mapabilib si Bonnie. Pagkatapos ng lahat, hindi siya kinakapos sa pera. Naisip agad ni Dwayne ang lalaking sumundo sa kanya sa entrance ng paaralan at ang limited-edition na Maybach. “Akala mo ba, hindi ko alam na binayaran mo ang lalaking iyon para sunduin ka noong isang araw, Bonnie? “At hiniram mo siguro yung kotse. Teka, nakipagtalik ka ba sa iba para makuh—” Bago pa siya matapos, biglang napasigaw si Dwayne sa sakit!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.