Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 14 Ang Pinagdaanan ni Arianne Wynn

Kinilabutan ang dean. "Mr. Tremont… siya lang ang ganoon… bukod tangi na siya lang ang may ganoong ugali. Temporary worker ang tutor. Ako na mismo ang magtatanggal sa kanya!" Walang sinabi si Mark Tremont. Makikita lamang ang apoy sa kanyang mga mata mula sa galit na namumuo sa kanyang puso. Biglang sumabad si Tiffany. "Anong temporary worker?" Walang masabi ang dean. "Miss Lane, 'wag kang mangialam. Hindi pwedeng mangialam ang estudyante sa problema ng school!" Sumimangot si Tiffany, sasagot na sana siya nang biglang lumabas ang doktor. "Nasaan ang pamilya ng pasyente?" "Ako." sabay na sinabi ni Tiffany Lane at Mark Tremont. Nabigla si Tiffany sa boses ni Mark Tremont. Sinabi ni Tiffany na ka-pamilya niya si Arianne dahil hindi niya ma-contact ang kuya nito. Nakakapagtaka, bakit sumagot rin si Mark Tremont? Tama lang na kinausap ng doktor si Mark Tremont, mas mapagkakatiwalaan na sa kanya ipaliwanag ang sitwasyon. "Nasa maayos na kalagayan na ang pasyente. May gastritis siya. Bata pa siya pero hindi siya healthy. Pakitingnan ang mga kinakain niya at siguraduhin mong healthy ang pagkain niya. Pwede na siyang umalis pagkatapos ng IV drip." Nag-hum si Mark Tremont at pumunta siya sa emergency ward. Walang malay si Arianne. Nakahiga siya sa higaan at magulo ang mahaba niyang buhok. Naka-inject sa kanyang katawan ang cool fluid na dumadaloy sa manipis na pipe. Makikita ang ugat sa likod ng kanyang mga kamay dahil maputla ang kanyang balat. Hindi alam ni Mark Tremont kung kailan pa nagpabaya si Arianne sa kanyang sarili… Lumapit si Tiffany Lane at malumanay niyang sinabi, "Walang mga magulang si Ari, kasama niya lang ang kuya-kuyahan niya. Walang pakialam ang kuya niya sa kanya. Ang kinakain niya araw-araw ay malamig na tinapay at malamig na tubig. Paanong hindi siya magkakaroon ng gastritis kung yun lang ang kinakain niya?" Hindi napansin ni Tiffany ang mukha ni Mark Tremont na unti-unting dumidilim. Binalot ng maraming emosyon ang kumikislap na mga mata ng lalaking ito. Patuloy na nagsalita si Tiffany, "Nakauwi na ang kuya niya, kaya kailangan niyang umuwi ng maaga araw-araw. Hindi ko man lang siya mayaya para kumain ng maayos na pagkain. Parang baliw 'di ba?" "Parang baliw nga," mapangasar na sinabi ni Mark Tremont, "Ano pa ang alam mo?" Nabuhay si Chatterbox Tiffany. "Highschool palang, magkakilala na kami. Tatlong taon na kaming magkaibigan. Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang bumili ng mga bagong damit tulad ng isang normal na tao. Parang galing siya sa pulubing pamilya! Simula junior high kami, nag part-time na siya. Kakaiba yung mga trabaho na kinuha niya. Nung summer, nagpamigay siyang flyers sa ilalim ng init ng araw, naging dishwasher din siya nung winter… sumasakit ang loob ko kapag iniisip ko yun!" "Okay lang kung hindi concerned ang kuya niya sa kanya, pero ipinagbabawal din ng kuya niya na maging malapit si Arianne sa ibang tao! Mas miserable siya ngayon, lalo na't hindi siya makapagtrabaho ng part-time! Kumukulo ang dugo ko kapag sinasabi ko ang mga ito! Nagbibisikleta pa siya papunta at pauwi ng school! Ang mga kamay niya, na ginagamit niya sana pan-drawing, ay sobrang tigas na!" Dahan-dahang huminga si Mark Tremont. Tila may tumulo mula sa kanyang mga mata. "Salamat at inalagaan mo siya." Nagtaka si Tiffany at medyo hindi siya naging komportable sa reaksyon ni Mark Tremont. "Siya lang ang kaibigan ko. Trabaho ko na alagaan siya. Para sa akin, sana alagaan din naman siya ng kuya niya. Kung hindi niya ito kaya, sana hindi niya pinagbabawalan ang iba na maging mabait kay Arianne. Kung hindi, epal na talaga siya. Sasapakin ko siya ng malakas kapag nakita ko ang lalaking yun!" Nag-alala ang dean na baka may masabing mali si Tiffany nang makita niya na walang pigil ang bibig ng dalaga. "Tara na, nandito naman si Mr. Tremont. Hindi na natin kailangang mag-alala. Kokontakin ni Mr. Tremont ang pamilya ni Miss Wynn, dahil mabuting klaseng tao si Mr. Tremont. 'Wag na nating guluhin pa si Miss Wynn at nagpapahinga pa siya. Ako na ang nagbayad ng medical bills mula sa school." Tahimik lamang si Mark Tremont. Pagkaalis nila, humarap at tiningnan ni Mark Tremont si Arianne Wynn. Makikita ang lungkot sa kanyang mga mata habang hawak niya ang malamig na kamay ni Arianne. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit pinilit mong mabuhay ng ganito sa harap ng ibang tao? Para saan… bakit ang tigas ng ulo mo?" Hindi alam ni Arianne kung gaano katagal siyang nakatulog. Malabo pero narinig niya ang mga sinabi ni Mark Tremont. Pagkabukas ng kanyang mga mata, nakita niya ang galit na mga mata ni Mark Tremont.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.