Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 76 He’s Fine

Pagtingin ni Yvonne, may grupo ng mga taong nakasuot ng security uniform na may dala-dalang stretcher. Ito ang mga taong tinawagan ni Joe kani-kanina lang. “Madam, sumakay na kayo sa ski car. Mauna na kayong bumalik sa hotel. Kailangan ko lang pong dalhin sa ospital si Mr. Lancaster,” sabi ni Yvonne kay Joe matapos ipasa si Henry sa dalawang taong nandoon. Umiling si Yvonne. “Ayokong bumalik. Gusto kong sumama sa ospital. Gusto kong malaman anong lagay niya.” “Hindi na,” tumanggi si Joe, “Mauna ka na po. Hindi rin maganda ang kalusugan niyo. Kapag may nangyari rin po sa inyo, hindi ko po alam paano ko ipapaliwang kay Mr. Lancaster. ‘Wag ho kayong mag-alala, babalitaan ko ho kayo sa lagay niya.” “Sige…” Pinilit na lang ngumiti ni Yvonne. Alam niyang wala rin siyang maitutulong kahit na sumama siya. Kung sumama siya, mahahati pa ang atensyon ni Joe para lang mabantayan rin siya. Mas mabuti nang maghintay na lang siya ng balita tungkol kay Henry sa hotel. Tinitigan ni Yvonn

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.