Kabanata 443
Sa loob ng kwarto, huminto si Tang Rouchu sa pag-iyak makalipas ang isang sandali. Tinapik niya nang marahan sa likod si Song Anyi at pinagaan ang loob nito nang di nagsasalita.
Kalaunan, unti-unting tumigil si Song Anyi sa pag-iyak at humikbi na lang nang mahina.
Malumanay na sinabi ni Tang Ruochu, "Anyi…"
Di sumagot si Song Anyi.
Nagpatuloy siya, "Anyi, siguradong may kinalaman si Yang Qianqian sa biglaang pag-amin ni Uncle at Auntie. Kailangan nating pawiin ang mga luha natin. Ang problemang kinakaharap natin ay di malulutas ng pag-iyak. Naghihintay pa sa atin si Uncle at Auntie na mapawalang-sala sila."
Makalipas ang sampung segundo, itinaas ni Song Anyi ang kanyang tingin at tumingin nang diretso.
Itinaas niya ang kanyang kamay para pawiin ang kanyang luha at pilit na ngumiti. "Di na ako iiyak."
Ngumiti si Tang Ruochu. "Oo, di ka na iiyak. Kailangan nating harapin ang lahat ng posibleng paghihirap sa hinaharap nang buong-tapang para kaagad na mapalaya si Uncle at Aun
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link