Kabanata 430
Nakaramdam ng kalungkutan si Tang Ruochu sa kanyang puso. Hinimas niya ang likod ni Song Anyi at sinabi ng mahinay, “Anyi, hindi mo na kailangan humingi ng tawad sakin. Kahit na hindi ko sinusuportahan ang relasyon niyo, baka hindi rin ako tama. Ayaw ko lang na masaktan ka. Pero… nasaktan ka kamakailan lang. Mas mabuti nang nasa isang relasyon ka kaysa sa magdusa ka. Hindi mahalaga kung ano ang magiging kalalabasan.”
“Chuchu…” mahigpit siyang niyakap ni Song Anyi, tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.
“Chuchu, hindi mo alam. Ikaw ang dahilan kaya’t may tapang ako na harapin ang relasyon na ‘to.”
Nang marinig niya ang pag iyak ni Song Anyi, nabasa na rin ang mga mata ni Tang Ruochu. Suminghot siya at tinapik ang likod ni Anyi habang nakangiti.”
Tumingala siya para tumingin kay Shen Mofei na nasa gilid nila. Ngumiti si Shen Mofei sa kanya at sinabi. “Salamat, hipag.”
Tinaas ni Tang Ruochu ang kanyang mga kilay. “‘Wag mo na akong pasalamatan. Kapag trinato mo ng mali at pinaiyak mo
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link