Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 7

Ang salitang “pamilya” ay kalokohan na ang dating kay Noelle. Sa nakaraan niyang buhay, naniwala din siya sa konseptong iyon. Ngunit, natutunan niya kung anong tunay na ibig sabihin ng “pamilya” sa kanila ng ipalit nila si Xenia sa kanya bago manalo sa championship. “Hindi ako sasali sa team,” madiin na sagot ni Noelle. “Kailangan ko magfocus sa pag-aaral ko at maghanda para sa exams.” Ngumisi si Lucas. “Nakakatuwa. Hindi ka nag-aalala sa pag-aaral noon ng magmakaawa ka sa akin na turuan ka maglaro at nanatili ka pa na gising hanggang madaling araw para mag-ensayo, desperado na manatili sa team. Anong nagbago?” Sumakit ng kaunti ang puso ni Noelle sa mga salita niya. Nagpursige lang siya sa gaming kasama si Lucas dahil may pagkakapareho sila at bagay para makabonding siya. Pero, hindi na ito mahalaga. “Nakakaapekto sa grades ko ang paglalaro ng games,” paliwanag ni Noelle ng kalmado. “Bumaba ng husto ang test scores ko sa nakaraang buwan, kaya hindi ko na gusto na magpatuloy.” Panandaliang walang masabi si Lucas bago sumagot. “Sige. Ikaw ang bahala! Kapag nagsimula ang tournament, makikita ng lahat na si Xenia ang nagrerepresinta sa pamilya Liddell. Malalaman nila na tuany siyang miyembro ng pamilya.” Wala na siyang pakielam dahil inggrata si Noelle. “Okay lang sa akin,” sagot niya bago nilisan ang hapagkainan. Sa oras na nakabalik siya sa kuwarto, pinakalma niya ang kanyang sarili at nagfocus sa paghahabol sa kanyang pag-aaral. … Sa sumunod na araw pagkatapos ng klase, si Noelle at Xenia ay lumapit sa front gate kung nasaan naghihintay si Aiden Monroe, ang kanilang driver. Nagsalita si Xenia, “Oo nga pala. Kailangan ko pumunta sa training center ngayon. Si Aiden muna ang maghahatid sa akin doon.” Mahigpit ang ekspresyon ni Aiden ng sabihin niya, “Ms. Liddell, tumawag si Mr. Lucas at inutusan ako na dalhin si Mr. Quigley para magtrain. Hindi kami maaaring malate.” “Hahanap ako ng masasakyan ko pauwi,” sagot ni Noelle ng walang pakielam. Habang pasakay si Xenia sa sasakyan, hindi niya naitago ang sabik niya ng tawagin niya si Noelle, “Noelle, kakausapin ko si Lucas tungkol dito mamaya.” Naglakad lang palayo si Noelle ng hindi siya binibigyan ng pansin. Habang pinapanood ang paglalakad ni Noelle palayo, kinagat ni Xenia ang labi niya sa galit. Bumulong siya, “Hintayin mo lang, Noelle. Balang araw, kukunin ko ang lahat mula sa iyo. Iyon ang utang mo sa akin!” Habang nakatayo sa kalsada, napagtanto ni Noelle na hindi niya gusto bumalik sa tahanan ng pamilya Liddell. Naisip niya na mas mabuti na makahanap siya ng study room sa malapit. “Huy, bata. Bakit ka nakatambay pa din dito sa school kahit tapos na ang klase?” Sa oras na iyon, isang malalim na boses ang umistorbo sa iniisip niya. Humarap si Noelle at nakita ang guwapong lalake, natagalan siya bago nakilala ang tao. Si Cedric. Sanay siya na makita siyang suot ang lab coat at mask, at halos hindi siya makilala kapag kaswal ang suot niyang damit. “Ano?” diin ni Cedric ng hindi siya sumagot. “Hindi ko pa gustong umuwi. Naghahanap ako ng lugar para mag-aral,” paliwanag niya. “Sumama ka sa akin,” sambit niya. Nag-alinlangan si Noelle bago sumunod sa kanya sa school infirmary. Tumayo siya sa pinto at nagtanong, “Bakit dito? Wala na akong sakit.” Sumenyas si Cedric sa lamesa. “Mas tahimik dito kaysa sa kahit anong study room. Mas ligtas pa.” Matapos ikunsidera ang dahilan niya, sumangayon si Noelle. “Salamat at pinayagan mo akong manatili dito,” sambit niya, inilabas niya ang kanyang mga libro at nagsimiula na mag-aral. Tinignan siya ni Cedric bago siya tumungo sa examination room. Isinara niya ang pinto sa likod niya. Noong tumingala si Noelle, napagtanto niya na gabi na. Pagkatapos, napansin niya ang nameplate na may litrato ni Cedric sa lamesa. “Cedric Greene pala ang pangalan niya,” naisip niya. “Tapos ka na tignan ang litrato?” nagulat siya sa boses ni Cedric. Namula si Noelle, agad na ibinalik ang nameplate. “Hindi ko tinitignan; nagkataon lang na nakita ko.” “Tapos ka na sa homework mo?” “Sa karamihan. Tatanungin ko ang mga teacher tungkol sa parte na hindi ko maintindihan bukas.” Kinuha ni Cedric ang notebook niya. “Hindi mo masolusyunan ang basic math problem?” Dahil nanghina ang loob ni Noelle, yumuko siya sa sarili niyang libro. “Hindi ako mabuting estudyante noon. Distracted ako ng ibang mga bagay.” “Makinig ka dahil isang beses ko lang ito ipapaliwanag,” sambit ni Cedric ng kumuha siya ng panulat at nagsimula na ituro ang problema sa papel. Nanigas si Noelle, nakatingin siya sa lalake sa harap niya. Kumplikadong emosyon ang naramdaman niya sa kanyang loob. Dahil kay Xenia, wala siyang kaibigan, kahit ang mga teacher ay mukhang hindi siya gusto. Walang boluntaryo na tumulong sa kanya sa schoolwork noon. Tinignan siya ni Cedric at sinabi, “Sa attention span na ganyan, baka buong araw kang nananaginip ng gising sa lahat ng mga kalse mo!” Nahimasmasan si Noelle at agad na humingi ng tawad, “Pasensiya na. Makikinig ako.” Matapos makita ang masunurin niyang sagot, tumigil sandali si Cedric bago matiyagang nagpaliwanag. Mahinhin ang dating ng liwanag ng gabi sa kanila habang nakaupo si Noelle sa desk at nakatayo si Cedric at isang kamay ang nakapatong sa lamesa. Masipag niyang ipaliwanag ang problem solving process. “Masyadong diretso ang pag-iisip mo. Hindi mo ba mapagtugma ang mga impormasyon? Gamitin mo ang parehong paraan tulad ng huling tanong,” puna niya. “Paano mo namiss ang malinaw na misdirection? Ano pa ang silbi ng pagkakaroon ng mga mata kung hindi mo sila ginagamit?” “Napatest mo ba ang IQ mo? Sigurado ka ba na pumasa ka? Ulitin mo ito!” Kalmado ang tono niya, pero matalas ang kanyang mga salita, diretso mismo sa kaibuturan. Mabuti na lang, naihanda na ni Noelle ang sarili niya sa ugali ni Cedric. Maaaring napressure siya kung hindi niya alam kung sino siya. Gayunpaman, naging matiyaga siya sa marahas niyang paraan ng pagtuturo. Habang iniimpake ang natapos na trabaho, sinabi niya, “Salamat, Dr. Greene. Ang galing mo dahil naaalala mo itong lahat.” Pinaikot ni Cedric ang panulat niya, nakatingin sa kanya. “Hindi ba puwede kumuha ng tutor ang mga guardian mo?” “Hindi ko gusto na magkaroon ng kahit na anong utang na loob sa kanila,” mahinang sagot ni Noelle. Alam niya na hindi niya afford ang tutor at ayaw kausapin ang pamilya Liddell para humingi ng tulong. Nanatili ang mga mata ni Cedric sa kanya. Inobserbahan niya ang mga pilikmata niyang nakababa, itinatago ang kanyang emosyon. “Dr. Greene,” sambit niya ng nag-aalinlangan, tumingala siya. “Puwede ba ako magtanong sa iyo ulit sa hinaharap?” Humarap siya sandali sa ibang direksyon, at ang boses niya ay hirap ng kaunti. “Hindi. Busy ako.” Hindi nainis si Noelle sa pagtanggi niya at nagpatuloy sa pagliligpit ng kanyang gamit. Tinapik ni Cedric ang lamesa makalipas ang ilang sandali at idinagdag, “Well, depende sa mood ko.” “Salamat!” ngumiti ng maaliwalas si Noelle bago tumakbo ng hindi na hinihintay ang kanyang sagot. Sumingkit ang mga mata ni Cedric sa papaalis niyang pigura, napangiti siya. At least makakatulong ito sa pagpapalipas ng oras. … Noong dumating si Noelle sa gabing iyon, ang family butler na si Gordon Sloane ng pamilya Liddell ay ipinaalam sa kanya, “Ms. Liddell, ang iba ay nagdinner sa labas.” “Okay,” simpleng sagot niya bago tumungo papasok para enjoyin ang bibihirang payapang dinner ng mag-isa. Tinignan niya ang kanyang phone at nakita ang social media post ni Xenia na ang nakasulat, “Nagdidinner ng masarap kasama ang aking mga kapatid!” Makikita sa litrato ang kanyang mga kapatid na nakangiti. Halos tignan lang ito ni Noelle bago isinara ang app at ipagpatuloy ang pagkain. Sa sumunod na araw sa almusal, si Xenia lang ang tao ng dumating si Noelle. Nagyabang si Xenia, “Ang dami ko natutunansa team practice kahapon.” Tahimik na kumain si Noelle, hindi binigyan pansin ang pagsubok ni Xenia na galitin siya. Pero, nanatiling masiyahin si Xenia, inaassume na ang pagiging kalmado ni Xenia ay pagtatago lamang niya ng galit sa loob. Matapos mabilis na kumain ng almusal, tumungo si Noelle sa pinto. Pero, si Aiden na nakatayo sa malapit ay madiin na sinabi, “Hindi pa handa si Ms. Quigley. Kailangan natin siyang hintayin.” Sumakay si Noelle sa sasakyan at naghintay ng mahigit sa sampung minuto, naiirita na siya. Tinignan niya ang orasan at galit na sinabi, “Kung hindi pa siya dadating agad, malalate na kami!” Paubos na ang pasensiya na sa pamilya Liddell. Noong binuksan niya ang pinto ng sasakyan para umalis, lumabas si Blake mula sa bahay. Galit niyang sinabi, “Mamamatay ka ba kung maghihintay ka ng ilang minuto para kay Xenia? Iniligtas ng ama niya ang buhay mo at hindi ka inabandona, pero hindi mo man lang siya mabigyan ng kaunting oras.” Humigpit ang kapit ni Noelle sa pinto, naging puti ang kamao niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.