Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5

Tahimik sa infirmary. Binuksan ni Noelle ang bibig niya para magsalita pero wala siyang nasabi. Mukhang walang silbi ang mga salita ganitong mga oras. Ipinaliwanag na niya ang kanyang sarili ng ilang beses noon, pero hindi naniniwala ang mga kapatid niya sa kanya. Lumunok ng malalim si Frank at binitiwan ang kamay niya. Habang mukhang disappointed, tinignan niya si Noelle at sinabi, “Kung patuloy ka na magiging matigas ang ulo, hindi na kita madedepensahan kapag bumalik na is Donovan. Pag-isipan mo ito.” Sa oras na umalis siya, nakahinga na ng maluwag si Noelle at sumandal sa headboard. May bakas ng panlalait sa sarili sa mga mata ni Noelle habang iniisip niya kung ano ba dapat ang dapat niyang isipin. Dapat ba siyang sumuko at maging maingat sa paligid nila tulad ng nakaraan niyang buhay, para lang mapalayas at mamatay ng miserable matapos ikulong sa mental hospital? Hindi na niya iyon gagawin ulit. “Heto.” Isang cold compress na nakabalot ng gasa ang nagpakita sa harap niya. Kinuha ito ni Noelle at inilagay sa pisngi niya. Tinignan niya ang lalake sa tabi niya at bumulong, “Salamat sa ginawa mo kanina.” “Bakit hindi mo dinepensahan ang sarili mo?” malamig na tanong ni Cedric. Napangiti si Noelle habang nakayuko at sinabi, “Maniwala ka man o hindi, pero hindi na mabilang ang dami ng beses na nagpaliwanag ako at nagpakita ng ebidensiya. Pero, hindi sila naniniwala sa akin.Ang akala nila nagsisinungaling lang ako.” Naging tahimik sa kuwarto. Walang intensyon si Noelle na magpaliwanag pa, dahil ang karamihan sa mga tao na narinig ang kuwento niya ay iniisip na hindi lang siya masunurin. “Mahirap na hindi maniwala sa iyo.” Bumilis ang tibok ng puso ni Noelle. Kinukuwestiyon niya kung naniniwala ba talaga siya sa sinasabi niya. Humakbang palapit si Cedric at hinawakan ang noo niya. “Bumaba na ang lagnat mo.” Habang nakatitig siya, napagtanto ni Noelle kung gaano kalamig at kakumportable ang kamay niya. Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon. Tinignan niya ang braso niya at nagtanong, “Nakuha mo ba ang peklat mo sa aksidente sa sasakyan?” Nanigas si Cedric at agad na binawi ang kamay niya. Matapos ang kaunting katahimikan, inalis niya ang IV bag na walang laman at sumagot, “Oo. Mula sa aksidente.” Inilagay niya ang kamay niya sa lamesa habang nakatalikod kay Noelle. Hindi makita ang ekspresyon niya sa liwanag. “Mayroon din ako sa binti ko,” sambit ni Noelle, itinaas ng kaunti ang palda niya. “Heto. Hindi ba’t kamukha ito ng sa iyo?” Tumalikod si Cedric. Nakita niya ang hita niya, kapansin-pansin ang peklat sa balat niya. Pero masyadong mataas ang pagkakatahak sa palda. Sumulyap siya ng isang beses at umiwas ng tingin. “Huwag mo itaas ang palda mo sa harap ng lalake.” “Pero doktor ka.” Humigpit ang lalamunan ni Cedric. Lalake din naman siya. Wala ba nagturo nito sa kanya? “Magagamot ang peklat mo,” sambit niya. “Bakit hindi mo ipagamot?” Nanlumo si Noelle ng makaramdam siya ng sakit sa puso niya. Ang ikatlo niyang kapatid, si Carl, ay sinabi na nirerepresinta ng peklat ang mga magulang niya. Nangako siya na personal itong aalisin kapag may oras siya. Naniwala siya sa kanya. Pero sa huli, nandidiri niyang tinitignan ang peklat, sinasabi na kinamumuhian niya ito at hinding-hindi gagamutin. Sinisisi siya nito para sa pagkamatay ng mga magulang nila at sinasabi na marka ang peklat ng pagdadala niya ng kamalasan sa kanila. Sinabi niya na dapat niya itong tandaan buong buhay niya. Nasaktan siya ng husto sa mga panahong iyon, naniniwala na responsable siya para sa pagkamatay ng mga magulang niya. Kaya lalo siyang naging masunurin para mapasaya ang mga kapatid niya. Nawala sa sarili si Noelle ng maalala ang nakaraan. Hindi niya iyon masabi ngayon kay Cedric, kaya ang sinabi niya, “Bakit ikaw? Bakit hindi mo ipagamot ang iyo?” “Lalake ako. Hindi na iyon mahalaga. Pero para sa babae, mas mabuti ipagamot.” Pinilit ni Noelle na ngumiti. “Baka sa susunod na lang.” Matapos makita na nakayuko siya, wala ng sinabi si Cedric at naupo sa malapit. Binuksan niya ang TV, at napansin ni Noelle na ipinapakita sa screen ang gaming live stream. Nagulat siya, dahil ang ikaanim niyang kapatid, si Lucas, ay nakikipagkumpitensiya. Hindi dumalo si Lucas sa banquet ni Xenia para sa kumpetisyon, pero natalo siya sa pinakabatang anak ng pamilya Greene sa Beville. Sa nakaraan niyang buhay, naalala pa ni Noelle kung paano nilait ng husto si Lucas ng mga kalaban niya ng matalo siya. Galit na galit siya at kinuha siya nito at mga kapatid niya sa team sa kanyang pagbabalik. Kahit na natalo sila sa qualifiers, nagcomeback sila sa repechage. Hindi nagtagal, nakarating sila sa finals, para lang harapin ang pamilya Greene. Noon, hindi mabilang na dami ng oras na nag-ensayo si Noelle at inaral ang strategy ng pamilya Greene para lang talunin sila. Wala sa lineup si Xenia dahil hindi siya magaling sa laro. Isa lang siyang substitute at hindi makapasok sa main team. Gusto ni Noelle na naglalaro kasama ang mga kapatid niya. Nilalasap niya ang saya ng walang nakikielam sa kanila sa pagiging pamilya nila. Sobrang nababad siya sa kumpetisyon at napabayaan na niya ang paghahanda sa college entrance exam. Pero noong nanalo sila sa isang kritikal na roun at malapit ng maabot ang championship, pinalitan nila si Noelle at si Xenia ang ipinasok nila. Sa huli, nanalo sila sa national championship. Ang mga kapatid niya ay nakatayo sa podium kasama si Xenia, nilalasap ang effort niya. Hawak ni Xenia ang tropeyo na dapat ay kanya, nakangiti ng masaya sa gitna ng grupo. Pakiramdam ni Noelle nadurog ang puso niya habang pinapanood ang laro sa telebisyon. Mukhang hindi na mapupunan ang butas sa puso niya. “Bakit ka umiiyak? Hindi ito isang soap opera para maging emosyonal ka.” Nahimasmasan siya bigla, pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha. Sobrang naoverwhelm siya ng emosyon habang inaalala ang nakaraan. Isang tissue ang nagpakita sa harap niya sa pagitan ng dalawang daliri. Habang nahihiya, kinuha ni Noelle ang tissue at humarap ng nahihiya kay Cedric, “Nilalaro mo ba iyon?” “Dapat unahin mo ang paghahanda sa college entrance exams, hindi ang laro.” Sumandal si Cedric sa upuan, hindi siya pinapansin. Masyado siyang focused sa kumpetisyon. Humarap din si Noelle sa screen at seryosong sinabi, “Matatalo ang Team Luminark.” Team iyon ni Lucas. Napangiti si Cedric ng walang ekspresyon niyang sinabi, “Matalas ang mga mata mo.” Tulad ng inaasahan, natalo ang team Luminark. Nakita ni Noelle kung gaano katindi ang galit sa mukha ni Lucas sa screen. Sa sobrang galit, sinira niya ang kanyang keyboard. Maikli pa din ang pasensiya niya tulad ng dati. Nakaramdam siya ng kaunting saya ng matalo siya. Sa oras na bumalik si Lucas, siguradong aayusin niya ang team niya. Gayunpaman, hindi na siya makikipagkumpitensiya para sa pamilya Liddell. Lalaban siya para sa kanyang sarili at magiging propesyunal na player, kikita ng sapat na pera para makapasok sa kolehiyo at suportahan ang kanyang sarili. Hindi na niya gusto mabuhay sa paraang mawawalan siya bigla ng living expenses at kailangan pilitin para sumunod, hindi rin niya gusto sumuko sa pag-aapply sa prestihiyosong mga unibersidad at mauwi lang sa community college kasama si Xenia. Financial independence lang ang paraan para makatakas si Noelle sa kontrol ng pamilya Liddell. Ang professional gamers ay walang masyadong commercial value ngayon, pero sa susunod na taon, magiging viral ang livestreaming. Puwede sila kumita ng pera sa livestream. Gamit ang karanasan niya sa gaming sa nakaraan niyang buhaym ito ang pinakamadali niyang paraan para kumita ng pera. Tahimik siyang naging determinado. Pagkatapos ng livestream, tinignan siya ni Cedric at inalis ang IV needle. Idiniin niya ang bulak sa likod ng kamay niya at sinabi, “Ang gamot mo ay nasa lamesa. Puwede ka na umalis pagakatapos mo itong inumin.” “Salamat!” sambit ni Noelle, kinuha niya ang gamot at nilisan ang infirmary. Sa oras na umalis siya, may lalake na pumasok at mapaglarong sinabi, “Ced, bihira ko lang makita na para kang bayani. Pero hindi maganda ang reputasyon ng babaeng iyon sa school. Ginigisa nila ang babaeng iyon sa forum. Huwag ka magpapaloko sa kanya.” Sumandal si Cedric sa upuan, nabawasan ang pagiging malayo niya. Mukhang naging relaxed siya ng magtanong, “Bakit nandito ka pa din?” “Napapaisip ako kung bakit pinili mo ang school na ito para magtrabho bilang doktor. Iniskip mo pa ang kumpetisyon ni Magnus. Sobrang distracted siya sa paghahanap sa iyo at halos matalo ng bata ng pamilya Liddell. Sabihin mo kung bakit, at aalis ako agad. Inalis ni Cedric ang mask niya at itinaas ang manggas para ipakita ang pangit na peklat. Nagdilim ang ekspresyon ni Alfred Parham. “Hindi mo pa ba ito nabibitawan? Ang tagal na. Ang aksidente ay walang kinalaman sa iyo! “Sandali, huwag mo sabihin na ang babaeng iyon—” “Tumahimik ka.” Ipinikit ni Cedric ang mga mata niya, at hindi siya binigyan ng pansin.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.