Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3

Sa sumunod na umaga, tumunog ang phone ni Noelle ng sunod-sunod dahil sa mga notifications. Matapos magising sa ingay, tumayo siya at tinignan ang kanyang phone, madilim ang kanyang ekspresyon. Ang mga notification na ito ay galing sa forum app, at puno ng mga insulto ang inbox niya. Hindi na siya estranghero sa mga insulto, at ang insidente tungkol ng pagtulak niya kay Xenia kagabi ay naupload na sa campus forum. Sobrang sikat si Xenia sa school, at ang karamihan sa mga tao ay nilalait na si Noelle. Kahit na pumipintig ang sakit ng ulo niya, hinarap ni Noelle ang mga haters niya. Ang numero ng mga kumento sa forum ay humigit na sa isang libo, kung saan sa tingin ng page administrator ay nahack ang kanilang forum. Matapos magpost ng sagot, inihagis niya ang kanyang phone sa isang tabi at nahiga. Ngayon at hindi na niya kailangan pasayahin ang mga kapatid niya sa pamilya Liddell at wala na siyang pakielam sa kanyang reputasyon, puwede na siyang mabuhay sa kahit na anong paraan niyang gusto. Hindi nagtagal, may katulong na kumatok sa pinto niya. “Ms. Liddell, oras na para bumangon at pumasok sa school. Malalate ka na.” Dito lang napagtanto ni Noelle na kailangan niyang pumasok sa school. Naghilamos siya ng malamig na tubig para magising. Kung gusto niya lisanin ang pamilya Liddell, kailangan niya grumaduate at makapasok sa unibersidad na malayo dito. Nagbihis siya sa kanyang uniporme at bumaba suot ang kanyang backpack. Sa oras na iyon, nagpakita si Frank at Blake. Napansin ni Frank na namumula ng kaunti si Noelle, agad siyang lumapit at inabot ang noo niya para tignan ang kanyang temperatura. Pero umiwas si Noelle at dumiretso sa dining room. Naupo siya, alam niya na kailangan niya ng almusal para gumaling siya at magkaroon ng lakas para magfocus sa pag-aaral. Balak nga naman niyang pumasok sa Yole University. Tumigil ang kamay ni Frank sa ere. Habang naiilang siyang ibinaba ang kamay niya, suminghal si Blake at sinabi, “Sinabi ko na sa iyo na inggrata siya. Hindi tulad ni Xenia, na laging mahina, malakas siya na parang kalabaw. Nilalagnat siya dahil nahulog siya sa pool kagabi at nagkasakit. “Pero si Noelle? Hindi siya magkakasakit!” Natahimik si Frank. Totoo na maganda lagi ang kalusugan ni Noelle. Lumapit siya sa hapag kainan at sinabi, “May sakit si Xenia, kaya dapat mo siyang alagaan sa school sa susunod na mga araw hanggang gumaling siya. Naiintindihan mo?” Ngayon at mas nagrerebelde si Noelle habang tumatanda siya, naisip niya na hindi na niya ito maiispoil tulad ng dati. Pipilitin niya na matuto siya kung hindi niya alam kung paano magpasalamat. “Noelle, iniligtas ka ng ama ni Xenia, pero muntik mo na siyang mapatay,” sambit ni Blake. “Dapat mo siyang alagaan ng husto para makabawi sa kasalanan mo!” Nakayuko lang si Noelle habang nag-aalmusal. Wala siyang gaanong gana, pero pinilit niya ang kanyang sarili para kumain. Dahil wala ng 100 araw bago ang entrance exam, determinado siya na lisanin ang pamilya Liddel sa oras na tapos na iyon. Dahil naiinis si Blake sa kawalan niya ng pakielam ni Noelle, inagaw niya ang kubyertos niya at galit na sinabi, “Kinakausap kita! Bingi ka ba?” Tumingala si Noelle sa kanya, malamig ang mga mata niya at hindi kumukurap. “Kukuha ka ng tubig para kay Xenia kapag iinom siya ng gamot, ibibili mo siya ng tanghalian sa cafeteria. Kailangan mo bilisan para hindi lumamig ang pagkain,” utos ni Blake. “Kung kailangan niya gamitin ang banyo, kailangan mo siyang samahan. “Iniligtas ng ama niya ang buhay mo, kaya utang mo ito sa kanya. Naiintindihan mo ba?” “Naiintindihan ko,” sagot ni Noelle ng malamig, pero wala siyang intensyon na sumunod. Nilisan niya ang tahanan ng pamilya Liddell ng walang ekspresyon, nakatingala siya sa kalangitan para piliting hindi tumulo ang mga luha niya. Naisip niya na hindi na siya maiinis ulit dahil muli siyang nabubuhay sa dati niyang buhay, pero parang karayom na tumusok sa puso niya ang mga salita ni Blake kanina. Naalala niya ang mag sandaling kung paano nananatili si Frank sa tabi niya kapag may sakit siya noong bata pa siya. Sa mga oras na iyon, nagbibiro pa si Blake para lang uminom siya ng gamot. Pero dahil ipinanganak na mahina si Xenia, ang atensyon ng mga kapatid niya ay laging nasa kanya sa tuwing nagkakasakit siya. Hindi nagtagal, kahit na magkasakit si Noelle, kailangan niya itong indahin ng mag-isa. Habang iniinda ang lungkot, sumakay siya sa sasakyan at ipinikit ang kanyang mga mata. Ipinaalala niya sa kanyang sarili na kailangan na lamang niyang magtiis ng kaunti. Wala naman ng 100 araw ang natitira. Noong dumating siya sa school, dumiretso siya sa senior-year classroom. Sa oras na pumasok siya, naging tahimik ang maingay na kuwarto. Ang chismis tungkol sa paglabas niya ng kanyang galit sa forum ay kumalat sa school, at ang lahat ay napapaisip kung nababaliw na ba siya. “Napapaisip ako kung anong nagtrigger kay Noelle para sukuan na niya ng husto ang kanyang sarili.” “Sa tingin ko hindi na niya mapaganda ang kanyang reputasyon, kaya tumigil na siya sa pagmamaintain ng pekeng pagkatao. Ipinapakita na lang niya ng tunay niyang sarili.” Hindi binigyan ng pansini ni Noelle ang mga bulungan sa tabi niya, kahit na naririnig niya ang mga ito. Ibinaba niya ang kanyang bag sa lamesa at dumiretso sa tulog. Natulog siya sa buong umaga. Noong tanghalian, dumating si Xenia sa classroom. Mayroon pa din siyang IV drip at agad na naawa ang lahat ng mga kaibigan niya ng makita ang kanyang kalagayan. Sumimangot si Noelle, iniba ang posisyon ng tulog niya. Makalipas ang ilang sandali, may humampas ng malakas sa lamesa niya. Tumingala si Noelle, kita ang irita sa mga mata niya. Nakatayo si Xenia sa harap niya, napalilibutan ng mga tauhan, na mukhang galit. Sumingkit ang mga mata ni Noelle sa kanila, napagtanto na ang mga babae sa harap niya ay sina Gwen Hopkins at Betty Yates. Lagi silang nakasunod kay Xenia at nagkakalat ng mga chismis tungkol kay Noelle, gumagawa pa sila ng mga kasinungalingan para lang mabanggit ang mga kapatid niya. “Noelle, anong gusto mo na tanghalian?” sambit ng mahina ni Xenia. “Kukunin ko para sa iyo. Huwag ka na sana magalit sa kain, okay?” “Hindi na kailangan,” malamig na sinabi ni Noelle. “Ang lakas ng loob mo!” sagot ni Gwen. “Inggrata ka talaga. May sakit na si Xenia!” “Oo nga! Noelle, dapat inaalagaan mo si Xenia. Nagkasakit siya dahil sa iyo!” Umubo ng mahina si Xenia at nakielam, “Huwag ninyo iyong sabihin. Kaya ko alagaan ang sarili ko. Lagi naman akong mag-isa. Huwag naninyo siyang punahin, kung hind maiinis siya.” “Xenia, masyado kang mabait. Kaya ka sinasamantala ng mga tao!” Dahil naiinis na, tumayo si Noelle at naghanda na lisanin ang classroom. Noong lumabas siya, agad na lumapit si Xenia sa kanya. Natumba ang IV stand niya, at nagkataon na nahulog siya sa nabasag na salamin. Pagkakataon nga naman talaga. Nagkagulo ang classroom, at agad nakaramdam ng sakit ng ulo si Noelle. May sasabihin sana siya ng magdilim ang paningin niya at himatayin siya. Noong nagising siya, ang amoy ng disinfectant ay maaamoy sa paligid. Napaisip siya kung nasa school infirmary siya. “Ang temperatura mo ay 103°F. Sinasagad mo ang sarili mo masyado. Gusto mo ba masunog ng buhay?” Napansin ni Noelle ang lalake na nakasuot ng puti na coat. Matangkad siya at payat, walang pakielam ang mga mata na makikita sa likod ng mask. Naalala na niya ngayon. Ito ang bagong school doctor, guwapong lalake na laging napupukaw ang atensyon ng karahiman sa mga babaeng estudyante. Pero, matalas ang dila niya. Hindi siya nanatili ng matagal at umalis din agad. Salamat sa IV drip, nakaupo na si Noelle at mas magaan ang pakiramdam. Yumuko siya at nagtanong, “Puwede na ba akong umalis ngayon?” “Hintayin mo na sunduin ka ng pamilya mo,” si Cedric Greene ay nagsalita mula sa upuan niya. “Hindi ko gusto na maging responsable kapag namatay ka bigla.” Tunay nga talaga ang reputasyon niya na matalas ang kanyang dila. “Wala akong pamilya,” paos na sagot ni Noelle. Ang nag-aalala na boses ni Blake ay nag-echo mula sa labas sa oras na natapos siyang magsalita. “Xenia, okay ka lang ba? Paano lumala ang mga pinsala mo?” “Maliit na sugat lang ito, Blake. Huwag mo sisihin si Noelle. Hindi naman niya ito sinasadya. Pabaya ako at natabig ko ang IV stand.” Ginatungan pa ni Gwen sa pagsasabi, “Hindi yan totoo! Gusto ni Xenia na tulungan si Noelle kumuha ng tanghalian, pero tinanggihan niya ang alok ni Xenia. Pagkatapos, pinatid niya si Xenia para maghiganti. Nakita namin itong lahat!” “Eksakto!” dagdag ni Betty. “Kahit na may sakit, nag-aalala pa din si Xenia kay Noelle para ikuha siya ng tanghalian. Sinong mag-aakala na ganito kasama si Noelle?” Kumulo ang dugo ni Blake. Galit niyang sinabi ng pasigaw, “Nasaan si Noelle? Dalhin siya dito mismo! Ang lakas ng loob niya na hayaan si Xenia na kumuha ng tanghalian kaysa siya? “Dapat hinayaan na lang siya ng ama ni Xenia na mamatay sa aksidente para mailgitas ang anak niya mula sa ganitong torture!” Isang mapanglait na ngiti ang napunta sa mukha ni Noelle. Totoo, maniniwala si Blake sa kahit na anong sabihin ni Xenia. Makalipas ang ilang segundo, ang kurtina sa tabi ni Noelle ay sapilitang hinatak. Tumingala siya, namumutla siya at mukhang may sakit. “Noelle, ikaw—” Sa oras na nakita siya ni Blake, pinigilan niya ang kanyang sarili.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.