Ang sinabi ni Noel ang kaagad humatak sa atensyon ng mga nasa paligid niya. Tiningnan ni Fane si Noel ng may pagtataka sa kanyang mukha. Nagsimulang mamula ang mukha ni Noel nang maramdaman niya ang tingin sa kanya ng mga tao. Umubo siya ng mahina at sinubukan na pakalmahin ang kanyang sarili. “Bakit kayo nakatingin sa akin? Hindi niyo ba alam ang relasyon sa pagitan nila?”
Bakas ang pagkalito sa mga mata ng maraming tao nung sinabi niya ito. Halata naman na wala silang alam sa relasyon na namamagitan sa mga taong ito, at ang narinig lang nila ay ang rango ng mga formal disciples na ito mula sa lalaking may pahabang mukha. Ang sinabi ni Noel ay halata naman na isang palatandaan na ang mga napiling mga kandidatong disipulo ay may komplikadong relasyon sa mga elder.
Tiningnan ni Fane si Noel. “Bakit hindi mo kaya tigilan ang pagbibigay ng pahiwatig at diretsuhin mo na sa punto. Gusto ko na talagang malaman kung saan nakuha ni Gresham ang lakas ng loob para kalabanin ang First Elder.” M