“Sandali, bakit sinasabi mong sila ay mga taong nagmula sa labas? May ebidensya ka ba?” kaagad na may naisip si Ella at sinabi. “Ang lahat ng mga taong ito ay mula sa Nine Armies. Tigilan mo ang kalokohang ‘yan kung wala kang basehan!”
“Haha… Nagpapanggap ka pa rin?” nagsimulang tumawa ang lalaking nakasuot ng puti. “Nakakita kami ng isang grupo ng tao nitong nakaraan at ganito rin ang token nila sa baywang. Sila ay mga miyembro ng Cabello family na palihim naming nabalitaan sa usapan ng mga hangal na ‘yun. Pero. napatay na namin ang mga ‘yun!”
“Kayo…” galit na galit si Helena nang marinig niya ito. Hindi niya inakalang napakaraming miyembro ng kanyang Cabello family ang mapapatay ng mga taong ito. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang puso.
“Anong problema? Nagalit na ang magandang babae? Tsk tsk… mukhang mga miyembro ito ng Cabello family niyo at ang mga kasama mo ngayon ay ang mga kamag-anak mo!” nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaking nakaputi nang makita nito kung gaa