"Intermediate stage ng true god status at ang mga tao mula sa branch families ay pwedeng maging elders ng main family?" Sobrang nasabik si Lancelot nang marinig niya ang balita. Maituturing na mataas ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban sa loob ng maraming branch family at nakarating na siya sa intermediate stage ng true god status.
Malinaw na nakuha niya ang lahat ng kailangang para rito.
Bibigyan siya ng magandang sahod kapag naging elder siya ng main family. Hindi lang sa hindi na siya mag-aalala sa branch family, magkakaroon rin siya ng sapat na martial enhancement material para sanayin ang kanyang sarili. Mapapataas niya ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban nang payapa at magagamit niya ang pinakamagandang martial materials.
Ang pinakamahalagang punto ay wala mula pa sa mga branch family ang nakapasok sa main family at naging elder ng main family.
Ang pasya na ito ni Nash ay malinaw na sumira sa mga patakaran noon.
Hindi ito maganda para sa mga miyembro ng main fam