Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 20 Ayaw Ko

Nanginig ang kamay ni Arianne na nakahawak sa kutsara. Tiningnan niya ang bowl at nakita niya na kalahati na lang ang soup. Nagdalawang isip muna siya bago niya sinabi, "Mary, bigyan mo pa ako ng soup..." Alam ni Mary kung anong ginagawa ni Arianne kaya malumanay siyang sumagot, "Ah, bakit ka ba takot kay sir? Hindi ka naman niya kakainin." Pagkatapos niyang kumain, naglakad si Arianne paakyat ng hagdan matapos linisin ni Mary ang lamesa. Nakabukas ng kaunti ang pintuan ng master's bedroom, kumatok pa rin siya bago pumasok. Binabasa ni Mark Tremont ang mga dokumento sa harap ng French Window habang may sigarilyo sa gitna ng kanyang mga daliri. Makikita ang kalahating wine glass na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi niya. Agad niyang pinatay ang sigarilyo na hawak niya dahil umubo si Arianne. "Pasok ka." Lumapit siya kay Arianne. "May kailangan ka ba?" Binaba ni Mark Tremont ang mga dokumento sa kanyang mga kamay. Sa isang saglit, hinila at niyakap niya si Arianne Wynn. "May business trip ako sa ibang bansa bukas. Sumama ka sa akin." Naapektuhan ng pangyayaring ito ang isip ni Arianne. Hindi siya makapag isip ng maayos na't nakaupo pa siya sa mga binti ni Mark Tremont. Kumuha ng lakas si Arianne mula sa sinabi ni Mark Tremont na gusto niyang ilabas siya ng bansa. Hindi niya napigilan ang sarili niya, "Business trip yun… mas… mas maganda kung hindi mo ako kasama, 'di ba?" Sa loob ng sampung taon, makikita lang si Arianne sa school o sa bahay. Madalang siyang makipag-interact sa ibang tao o sa publiko. May kaunting social anxiety siya. Nababalisa siya kapag pumupunta siya sa mga hindi pamilyar na lugar at kapag nakikipag usap siya sa mga taong hindi niya kilala. Hindi niya makita na magiging maganda ang sitwasyon kapag sumama siya kay Mark Tremont. "Ayaw mong sumama?" Binulong ni Mark Tremont sa tenga ni Arianne. Lalong naging intimate ang sitwasyon kaya namroblema si Arianne. Ayaw ni Arianne na sumama ang loob ni Mark Tremont, pero ayaw niya talagang sumama. Biglang sumagot si Arianne, "Ayaw ko, eh. Hihintayin na lang kitang makauwi." Kuntento na si Mark Tremont sa sinabi niya. Hinawakan niya ang baba ni Arianne at hinalikan niya ito sa labi. Unti-unting naakit si Mark Tremont sa matamis na lasa ng labi ni Arianne. Gusto pa sana niyang magpatuloy pero biglang lumayo si Arianne. "Ayaw mo? O… ayaw mo ako?" Lumalim ang boses ni Mark Tremont, kaya kinilabutan si Arianne sa kanya. Napakagat si Arianne dahil naisip niya ang itsura ni Mark Tremont kalag nagalit. "Hindi…" Biglang nag-ring ang phone ni Mark Tremont na nasa higaan. Parang nakalaya si Arianne, kaya tumayo siya para kunin at iabot sa lalaki ang phone. Napakunot si Mark Tremont habang tinitingnan niya ang incoming call, pero mabilis niya binaba ang tawag. Naintindihan ni Arianne ang nangyayari. Nakangiti siyang tumalikod para umalis at naramdaman niyang gumaan ang kanyang loob dahil dito. Siguro may ibang tao nang gusto si Mark Tremont, baka ang taong iyon ay gusto nang magpakasal at magpamilya. Siguro kung totoo iyon, pakakawalan niya na si Arianne? Umaasa ang dalaga na mangyari iyon. Pagkabalik ni Arianne sa kwarto, binuksan niya ang kanyang phone. Makulay ang kanyang homescreen dahil malapit na ang pasko sa kanila, pero wala itong epekto sa puso ni Arianne. Nakuha ang atensyon ni Arianne ng text message ni Tiffany na lumabas sa notification bar. Huminto ang hininga sa lalamunan ni Arianne nang mabasa niya ang text. Bumalik na si Will Sivan... Kakaiba ang naramdaman ni Arianne, kahit na alam niyang pupunta lang dito si Will Sivan para bisitahin ang pamilya at mga kaibigan niya at babalik rin agad siya sa ibang bansa. Walang bahid ng dumi ang lalaking ito. Ang mga bituin sa langit ay nasa mga mata niya at espesyal sa puso ni Arianne si Will Sivan. Dalawang magkaibang lalaki si Will Sivan at Mark Tremont. Tinawagan ni Arianne si Tiffany. "Tiff, kailan… kailan aalis ng bansa si Will?" Maririnig ang mapangasar na boses ni Tiffany, "Musta? Bakit? Gusto mo na agad siyang umalis? Hindi ko alam, pero may gathering bukas, eh. Siya nga pala yung host, pwede kang pumunta? Oo nga pala, may gusto akong ipakilala sayo, yung boyfriend ko. Sabihin mo sa akin kung makakapunta ka." "Pupunta ako," kusang lumabas sa bibig ni Arianne. Inisip ni Arianne si Mark Tremont bago niya sabihin iyon. Naisip niya na aalis na kinabukasan si Mark Tremont. Pwede siyang tumakas kapag wala na ang lalaking ito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.