Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 45

Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa kanyang mga luha. Ngunit, hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalupit si Jeremy. Napakakaaya-aya ng batang iyon. Magagawa niya ba talaga iyon sa bata? Hinila ng buong lakas ni Meredith ang maikling buhok ni Madeline. Tinignan niya ang simple pero magandang mukha ni Madeline at nakaramdam siya ng galit sa kanyang dibdib. "Madeline, kilala mo ba kung sino na ako ngayon? I'm Miss Montgomery, at magiging Mrs. Whitman na ako soon. Who are you para kalabanin ako?" Sinipa niya si Madeline na hinang-hina na para makalaban pa. Malagim siyang ngumisi at nagsabing, "Di ba gusto mong ibalik ko ang anak mo?" Nanginig si Madeline. Naaninag niya ng kanyang malabong paningin si Meredith na may hawak na maliit na boteng kasinglaki ng kamao. Mayroong puting pulbos sa loob nito. "Andito ang anak mo." Ano? Pakiramdam ni Madeline ay natuyo ang lahat ng dugo sa kanyang katawan at pati na ang kanyang kalamnan ay malinis na tinanggal. Buto na lang

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.