Kabanata 1081
Pagkatapos magtanong ni Madeline, naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso.
'Dugo yun ng tao.'
'Pero di ba dapat pula ang dugo ng tao? Bakit ganun ang kulay nun?'
Habang nag-iisip ng malalim si Madeline, sumagot sa kabilang linya ng phone ang forensic physician, "Ganito kasi, ayon sa imbestigasyon namin, mukhang nagmutate ang sample ng dugo na 'to. Sa imbestigasyon namin, may nakita rin kaming hindi matukoy na kemikal sa sample na kailangan pa naming imbestigahang maigi para malaman namin kung ano ito.
"Pero walang duda na dugo yun ng tao." Kampante ang tono ng forensic physician nang ulitin niya ang huli niyang sinabi.
Humigpit ang hawak ni Madeline sa kanyang phone. Pagkatapos ay nagsalita siya, "Salamat."
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi ng forensic physician.
'Dugo yun ng tao.
'At ito ay dugo ng tao na nagmutate.'
Sigurado si Madeline na si Jeremy ang huling may hawak ng note na iyon, ngunit hindi siya s
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link