Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 7 Agarang Kasal

Hindi mapigilan ni Nell na mapasigaw sa gulat. “Kasal? Tayo? I-Imposible ‘yan! Lasing ako kagabi. Hindi mabibilang ang dokumentong ito! ” Tiningnan siya ni Gideon nang mahinahon sabay malamig na ngumiti. "Sinabi mong pipirma ka kagabi, pero ngayon ayaw mo nang umamin dahil bihis ka na?" Nell. "..." "Hah!" Tumawa ulit si Gideon ng may bahid ng pangungutya. Hindi makapagsalita si Nell. Sa wakas, may nasambit na rin siya matapos ang mahabang katahimikan. "Kailangan ng pahintulot ng bawat isa sa mga ganyang bagay.. Paano mo naman masasabi na kasalanan ko lang talaga? " Babae si Nell. Kung tumanggi si Gideon, mapipilit niya ba ang sarili niya rito? Subalit, sa susunod na segundo, binuksan ni Giden ang mga butones ng kanyang suot. “Alam kong hindi mo aaminin. Buti na lang at may natirang ebidensya. " Sinundan ni Nell ang galaw niya at tinignan ito. Sa ilalim ng kuwelyo nito, kita ang mga bakas ng halik ni Nell at pati na rin mga kaunting gasgas ng kanyang kuko. Mukhang matindi nga talaga ang nangyari sa kanila kagabi! Gusto na lang niyang takpan ang kanyang mukha at umalis! Dumaan siya sa isang oras ng kasiyahan at nagising sa kanyang libing! Sa taimtim na paalala ng lalaki, sa wakas naalala ni Nell kung gaano siya kasigla kagabi. Agad na namula ang mukha niya na parang dalawang hinog na kamatis. "Pasensya na! Hindi ko talaga sinasadya! Ganito na lang? Sumasang-ayon ako sa anumang halaga ng kabayaran na kailangan mo, ngunit ang kasal na ito… Pwede bang hindi ito matuloy?” Napunta ang tingin ni Gideon sa kanya, tila ba nakatago ang lamig sa mga mata nito. “Bayad? Sige! Matthew. " "Narito, Sir." Humakbang si Matthew habang may hawak na isang iPad. Nag-swipe siya sa screen ng ilang beses at inilagay ang gadget sa harap ni Nell. "Ms. Jennings, ito ang bagong ranking ng Forbes Global Richest Singles na na-i-publish noong nakaraang buwan. Ayon sa pinakahuling balita, may mga tao raw na handang magbayad ng 30 billion yuan para sa isang isang gabi na makasama ang President. Pwede mong tignan ito. " Napabuka ang bibig ni Nell sa gulat. Sumulyap siya sa iPad. Ang larawan ng lalaki ay marangal at malamig, ngunit ang matalim niyang mga mata ay tila tumatagos sa kanya mula sa loob mismo ng screen. Hindi niya maiwasang mapalunok. "Ibig mong sabihin ... Kung nais kon siyang bayaran, kailangan kong mag-alok ng 30 billion?" "Opo." Naramdaman ni Nell na tila ba niloloko siya ng mga ito. Naghihinala siyang tumingin sa lalaki, ngunit habang nagtatagal, mas nararamdaman niyang pamilyar ito. Biglang nanlaki ang mga mata niya. Pagkatapos, muli niyang tinignan ang iPad at ang marriage certificate. Gideon… Leith ... Gideon Leith???!!! P*tang i*a! P*tang i*a talaga! Tila ba sasabog na ang ulo ni Nell. Halos mapatalon siya sa kanyang kinauupuan. Naisip lang niya na pamilyar ang pangalan, ngunit siya pala talaga ito? Ang tagapagmana ng pamilya Leith, ang president ng Leith Corporation, at isang sikat na taong hindi nawawala sa Forbes’ Richest List. Sinasabing walang kapantay ang kayamanan niya, at misteryoso rin ang kanyang pinagmulan o background. Ilang taon na ang nakalilipas, itinatag niya ang Anning International, na siyang mabilis na lumago at sinakop ang kalahati entertainment industry sa loob lamang ng dalawang taon. Isa itong himala. Natahimik nang sandali si Nell. Kanina, iniisip niyang napakamahal ng 30 billion yuan, ngunit alam niya na ngayon kung sino ang taong ito, at aaminin niyang karapat-dapat lang naman ang ganitong halaga. Maingat siyang nagsalita. "Um ... Maaari ba nating pag-usapan kung may ibang paraan pa para makapagbayad ako?" Itinaas ng lalaking nasa tapat niya ang kanyang mga kilay. May lamig sa mga mata nito. "Hm?" "30 billion ... Hindi ko talaga kayang bayaran ito." "Kung gano’n, wala nang pang dapat pag-usapan." Halatang naiinis na siya. Sa isang sulyap, kaagad na itinabi ni Matthew ang mga dokumento sa mesa at magalang na umatras. Binuka ni Nell ang kanyang bibig at magsasalita na sana, ngunit agad niyang isinara ang kanyang bibig sa matalim na titig ni Gideon. Malamig niyang sabi. "Bibigyan kita ng tatlong araw para humanap ng paraan. Pagkatapos nito, magpapadala ako ng susundo sa iyo. Ito na ang magiging tahanan mo sa hinaharap." Gustong umiyak ni Nell. Alam niyang wala ng silbi ang paglaban, kaya sinubukan niya lamang na pakiusapan ito. "Pwede bang dagdagan mo ito ng ilang araw?" Sumulyap sa kanya si Gideon at tumawa ng mapanuya. "Hindi." Nell. "..." ... Nang umalis siya sa Leith Gardens, hinihintay na siya ni Matthew Starks sa pinto. Isang silver-grey na Maserati ang nakaparada sa bakuran. Binuksan ni Matthew ang pinto at magalang na sinabi, “Ms. Jennings, ihahatid na po kita sa bahay niyo. ” Ngumiti nang mahina sa kanya si Nell. "Ayos lang. Magta-taxi na lang ako. ” "Utos po ito ng President." Nanigas ang ngiti ni Nell sa kanyang mukha at agad na nanamlay ang magaganda niyang mga mata.Sa wakas, pumasok na siya sa sasakyan. Nakatira si Nell sa isang portable apartment sa sentro ng lungsod. Maliit ang bahay niya, isa lang ang kwarto para tulugan at maliit lang rin ang sala nito. Bagaman masikip, matatagpuan ito sa isang madiskarteng lokasyon kung saan maginhawa ang trapiko. Sapat na ito para sa isang taong nakatira mag-isa. Pagkabalik sa kanyang tinitirhan, sinubsob niya ang sarili sa sopa at sinubukan tanggalin ang laman ng isip niya. Ang daming nangyari sa kanya mula kagabi hanggang ngayon. Hindi na siya nakapag-isip kung ano ba talaga ang dapat gawin. Ngayong makakapagpahinga na siya, nagsimula siyang makaramdam ng ilang mga pahiwatig ng pagkapagod. Binuksan niya ang computer sa mababang mesa ng sala at hinanap ang pangalang 'Gideon Leith' sa Baidu. Napakaraming lumitaw na impormasyon at lalo pa nitong napalamig ang kanyang puso. Kahit alam niyang pambihira ang pagkakakilanlan ng lalaking ito, nagbigay lamang ng sakit ng ulo ang impormasyong nakikita niya sa website. Nakumpirma niya mismo sa kanyang mga mata na hindi si Gideon Leith ang taong dapat mong simulan ng gulo! Bukod pa sa estado niya, ang kapangyarihan at yaman na mayroon siya ay sapat na para manakot ng mga tao. Gusto siyang pakasalan ng ganitong lalaki? Parang kalokohan na isipin ang bagay na iyon. Pero kung iiisipin nga naman, wala naman siyang dapat na ikatakot. Sa ngayon, wala namang mawawala sa kanya. Dagdag pa rito, mayroon pa siyang tatlong araw. Posibleng pagsisisihan ito ni Gideon sa tatlong araw! Sa kahit ano namang problema, laging may isang solusyon. Kailangan lang naman niyang humakbang paisa-isa para malaman kung ano ito. Nang mapagtanto ito, hindi na niya masyadong inisip ang tungkol kay Gideon Leith.  Sabado ngayon kaya wala siyang trabaho. Nagpalit na lamang siya ng damit at lumabas para magpunta sa kanyang tindahan. Malapit lang naman ito, limang minuto ang layo kung lalakarin kaya hindi na niya kailangan pang magmaneho. Maliit lang naman ito. Nirentahan niya ang lugar dalawang taon ang nakararaan at saka pinuno ito ng mga erotikong produkto. Dahil kailangan niyang magtrabaho, wala siyang oras upang alagaan ang maliit niyang negosyo, kaya't kumuha siya ng isang assistant. Minsanan lamang siya pumunta rito at tuwing may libreng oras lang siya. Kaso nga lang, dalawang araw nang hindi nakakapasok ang assistant niya, kaya kailangan niyang pumunta para asikasuhin ito. Kahit laging minamaliit ni Jason ang industriyang ito, naniniwala siya na posible na makilala ang sarili sa anumang negosyo o propesyon. Hindi siya nagnanakaw o nanakawan, at hindi niya kailanman nilabag ang batas. Lahat ng kanyang pera ay nakukuha sa pamamagitan ng kanyang sariling kakayahan, kaya bakit mas mababa ito sa iba? Bukod pa riyan, bagaman ang maabalang asikasuhin ang ganitong industriya minsan, wala namang duda na kumikita siya rito. Sa nagdaang ilang taon, nagawa niyang bumili ng kanyang sariling apartment at nakaipon rin siya ng disenteng halaga ng pera mula sa pagbebenta ng mga produktong ito. Ngayong wala ng ibang mahalaga sa kanya, pera na lamang ang gusto niyang pagtuunan ng pansin. Dahil naghiwalay na sila ni Jason, maaaring hindi na siya makapagtrabaho sa ilalim ng Morton Corporation. Kakailanganin niyang mag-isip ng ibang paraan palabas. Habang iniisip ito, nag-aalangan muna si Nell bago kinuha ang kanyang cellphone upang tumawag.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.