Kabanata 18 Samahan Siya sa Isang Pasyal
Matthew Starks?
Bakit naririto siya?
Agad na nanigas si Nell at tumingin sa likod ni Matthew, subalit wala naman siyang nakitang anyo ng isang lalaki.
Hindi kilala ni Hayley at napasimangot na lamang ito sa inis. “Sino ka ba?”
Kahit hindi rin ito kilala ng shop assistant, nakita naman niya agad ang mall manager at agad niyang hinila ang manggas ni Hayley bago bumulong sa kanya.
Napangisi si Matthew at inutusan ang taong nasa likod niya, “Laging may batas ang Leith Corporation na hindi dapat mambully ng kostumer. Kung ang isang maliit na shareholder ng kumpanya ay nangangahas na gawin ito, hindi ba masisira nito ang reputasyon ng Leith Corporation?”
“Manager Riley, pakisulat ang sinabi ni Ms. Morton ngayon at ipahatid ito kay President Morton mamaya. Pakisabing sinuway ng Morton ang kasunduan sa Leith Corporation kaya paalisin na sila. Mula ngayon, hindi na pwedeng makialam ang pamilya Morton sa Times Square!”
Nagulantang si Manager Riley at agad na pumayag.
Namutla naman si Hayley.
“Nagmula ka sa Leith?”
Malamig na ngumiti si Matthew. “Nakahabol ka na rin sa wakas, Ms. Morton.”
“…Kahit pa galing ka sa mga Leith, hindi ka pwedeng magdesisyon na lang!”
“Malalaman mo rin Ms. Morton kung gumagawa lang ba ako ng desisyon sa sarili ko pagbalik mo. Naniniwala akong magkakaroon kayo ng magandang diskusyon ni Chairman Morton ngayong gabi.”
Sunod, hindi na nag-abala pa si Matthew kay Hayley at agad na pumunta kay Nell sabay bulong, “Ms. Jennings, hinihintay ka ng president sa labas…”
Nagbago ang mukha ni Nell at napakagat siya sa kanyang labi.
“Nasa taas pa rin ang kaibigan ko…”
“Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya.”
Tumitig si Nell sa kanya at agad na tumango.
Matapos umalis sa tindahang iyon, naglakad si Nell nang ilang metro sa kaliwa, saka niya nakita ang lalaking iyon.
Nakasuot na naman ito ng isang itim na suit at kagaya ng lagi, gwapo, matangkad at elegante ito. Nakatayo lang siya don na para bang bahagi ng tanawin.
Kumaway ito sa kanya nang makita siya.
Lumakad si Nell papunta sa kanya at napatigil nang ilang hakbang ang layo mula sa lalaki, at saka nagpilit ng isang ngiti.
“President Leith, pagkakataon nga naman! Andito ka rin ba para mamasyal?”
Napangiti si Gideon at inabot si Nell sabay yakap.
Hindi handa si Nell kaya halos matumba siya. Gulat na gulat siya sa yakap nito
“Anong ginagawa mo?”
“Huwag kang gumalaw.”
Tinaas ni Gideon ang kanyang kamay at inalis ang maliit na dumi mula sa buhok nito. Malambing ang kilos nito at talagang natural.
Natulala si Nell at hindi mapigilang mamula.
Umatras siya nang kaunti at inayos ang kanyang buhok, hindi siya makatingin sa mga mata ni Gideon.
“Ah… Salamat, lalo na sa pagpapadala kay Matthew para tulungan ako.”
Ngumiti si Gideon at kaswal na sinabing, “Nagkataon lang na napadaan ako at napagtanto kong may nag-aaway sa loob ng tindahan na iyon, naisip ko ring kaboses mo ito. Sino naman ang mag-aakalang ikaw pala talaga iyon, mukhang nakatadhana talaga tayo ah. Nagkakasalubong pa rin tayo habang namimili.”
Nell. “…”
Napatingin si Nell sa lalaki, nagtataka siya nang bahagya.
“Hindi ba dapat nagtatrabaho ka sa opisina ngayon? Bakit namimili ka?”
Nagsingungaling si Gideon. “Off ko ngayon.”
“Ganoon pala!”
Kahit nalilito si Nell kung bakit off ni Gideon ng Monday, inisip niya na lang na ganito talaga kapag mga boss, may sarili silang oras. Nakumbinsi rin siya.
Tumingin siya sa palibot nito pero wala siyang ibang nakita. “Namamasyal ka ba mag-isa?”
Tumango si Gideon.
“Hindi ba nakakabagot iyon?”
“Medyo, pwede mo ba akong samahan?”
Napatigil si Nell.
Hindi madaling sagutin ang tanong na iyon!
Nagpumilit ng ngiti si Nell at tumanggi. “Kasama ko ang best friend ko.. kaya hindi ka rin magiging komportable!
Nag-isip si Gideon saglit at saka tumango. “Sabagay.”
Bigla itong nalabas ng isang kulay itim at gintong card saka ito nilagay sa kamay ni Nell.
“Kunin mo na lang ito.”
Nagitla si Nell.
Kung hindi siya nagkakamali, ang card na ito ay isang VIP Centurion Card para sa mga malls na nasa ilalim ng Leith Corporation. Bukod pa sa halagang pinansyal nito, isa rin itong simbolo.
Masasabing ang may hawak ng card na ganito ay bahagi ng Leith. Sa hinaharap, kahit saan man sila magpunta, walang manghahamak sa kanila.
Nalaglag ang bibig ni Nell sa gulat at napatitig kay Gideon.
“Binibigay mo ito sa akin? Bakit?”
Napasimangot nang bahagya si Gideon na para bang hindi niya gusto ang tanong.
“Hindi ba nararapat magkaroon ang asawa ni Gideon Leith ng isang simpleng itim na card?”
Nell. “…”
Hindi niya talaga alam kung ano ang sasabihin.
“Hindi pa ako pumapayag…”
“Mayroon na tayong certificate.” Sumingit si Gideon sabay dagdag, “Ang dahilan kung bakit kita binigyan ng tatlong araw ay upang matanggap mo na kasal ka na. Alam kong mahirap rin ito para sa iyo. Subalit, hindi ibig sabihin no’n na pwede mong itanggi ang relasyon natin. Sana maunawaan mo ito.”
Nell. “…”
Sa pagkakataong iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Nell.
Sinagot niya muna ang tawag.
Galing ito kay Janet.
“Hello, Nelly? Narinig kong umalis kang nagmamadali? Anong nangyari?”
Napatingin si Nell kay Gideon.
Mukha naman itong inosente, kaya si Matthew na lang ang paghihinalaan niya. “Wala naman, pabalik na ako ngayon. Huwag kang mag-alala.”
“Oh, hindi na kailangan. Nakatanggap ako ng tawag sa agent ko tungkol sa isang biglaang gig, kailangan kong magmadali. Ayos lang naman basta nasa mabuting kalagayan ka. Magkita ulit tayo sa susunod!”
Wala nang magagawa si Nell kaya pumayag na lamang siya sabay baba ng tawag.
Nakangiti si Gideon.
“Aalis ba ang best friend mo?”
Nakatitig si Nell nang may hinala sa lalaki. “President Leith, talaga bang pinlano mo pa ito?”
Umiling ang lalaki. “Sa tingin mo ba talagang gagawin ko ang lahat ng ito para paalisin ang best friend mo? Para makasama ka? Hindi naman ako isang taong walang katuturan. Hindi ko rin naman alam kung sino ang kaibigan mong ito.”
Napaisip si Nell. Hindi naman siya mali.
‘Sige! Sabihin na lang nating nakatakas siya sa suspetsa ko ngayon.’
Napangisi si Gideon nang makita kumalma ang mukha ni Nell. “Gayon din, Mrs. Leith, pwede ko bang marangal na hingiin ang iyong oras para makasama ka sa isang pamamasyal?”
Dahil sinabi niya ito nang ganito, paano pa ba siya makakatanggi?
Ngumiti na lang si Nell nang mababaw. “Anong gusto mong bilhin?”
“Hm… Tulungan mo akong mamili ng dalawang set ng damit!”
…
Nasa iisang relasyon lang naman si Nell sa buong buhay niya pero hindi niya pa nasamahan ang isang lalaki na bumili ng damit.
Hindi kailan man hiningi ni Jason ang oras niya.
Subalit, masasabi niyang tila ba isang naglalakad na cabinet ng damit si Gideon.
Malawak ang balikat nito at may magandang baywang, payat ang anyo at napakaganda ng katawan. Higit sa lahat, napakagwapo nito!
Bawat babae sa lahat ng pinupuntahan nilang tindahan ay napapatulala at namumula. Para silang mga batang babae na nakararanas ng first love nila.
Nako naman! Saan ba nagmula ang Adonis na ito? Napakagwapo niya! Mama, gusto ko siyang pakasalan!
Hindi makapagsalita si Nell at napapatango na lang sa tuwing nagpapalit si Gideon ng isang set ng damit.
Oh, bagay ito. Maganda rin ito. Hindi na rin masama.
Matapos tumingin nang ilang sandal, napagtanto niyang walang kahit anong damit ang hindi bagay kay Gideon.
Kahit ano pang style o design nito, kapag siya ang may suot, may hindi maipapaliwanag na dating ng kagwapuhan at karangyaan.
Sa madaling salita, kung nagsimulang magtrabaho ang lalaking ito bilang isang model, wala ng magbibigay ng atensyon sa iba pang lalaking model.
Hindi niya mapigilang mapabuntong hininga.
Masyado na nga sa parteng napakayaman niya! Bakit kailangan niya pang maging ganito kagwapo?
Masyado itong gwapo na para bang kasalanang huwag ibenta ang mukha nito!
Nagsimula na naman ang pantasya ni Nell “PR-cum-agent” Jennings, iniisip niya kung gaano sisikat si Gideon Leith sakaling isa itong artista sa pamamahala niya. Siya ang magiging pinakamahalagang asset ng kompanya at pagmumulan ng pera!