Kabanata 134 Pagrereklamo
Nagulantang ang lahat.
Kahit nga ang kakaunting tapon ng mainit na tsaa ay sapat na para magkaroon ng paltos, lalo naman ang buong tasa na itinapon sa isang tao.
Nabaling ang tingin ng lahat kay Nell. Hindi naman siya nasaktan dahil nagawa niyang makaiwas sa tamang pagkakataon. Ganoon din, tumama ang tasa sa pader at naging dahilan ito para kumalat ang bubog.
Napanatag naman ang mga kasambahay.
Kita ang kanilang mga dismayadong pagsulyap sa direksyon ni Jean.
Kahit si Nell ay bahagyang nairita rin.
Nirerespeto niya si Jean dahil siya ang nagpalaki kay Gideon simula pagkabata nito. Ayaw niya sanang makipag-argumento hangga’t maaari.
Subalit, hindi ibig sabihin na pwedeng gawin ni Jean ang kahit anong gusto niya at patuloy lang na maliitin sila.
Isang pirming ekspresyon sa mukha ang namuo kay Nell at saka siya nagtanong sa isang malalim na boses. “Aunt, nasa kwarenta na po kayo, bakit hindi niyo po alam na dapat munang maghintay nang sandali para lumamig ang tsaa bago ito inumin?
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link