Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3 Gising

Kaagad na lumabas sa kotse ang driver at binuhat ang katawan ng hinimatay na babae at dinala ito sa loob ng sasakyan. Napansin din ng dirver na may dala-dalang lagayan ng abo ang babae. Kawawa naman siya… Aalisin sana ng driver ang palayok na may abo sa kamay ng babae pero ‘di ito bumibitaw. Nagaalangan ang driver at nanginginig na tumingin sa pasahero niyang lalaki. “Pre…President Fudd, ito pong…” Masama lamang ang tingin ng lalaki sa bagay na hawak ng babae. Kalmado rin itongsumagot, “Magmaneho ka na lang.” Mabilis namang bumalik sa likod ng manibela ang dirver at binuhay ang makina ng kotse. Lalong lumakas ang ulan at lalo ring nagdilim ang langit. Madilim sa loob ng sasakyan. Yumukoo si Heaton Fudd at tinitigan ang babaeng nakahandusay sa tabi niya. Basang-basa ang mahaba at itim na buhok ng babae na siya ring dumidikit sa maputla at maliit niyang mukha habang may kaunting dugo naman na tumutulo mula sa isang sugat sa namumutla niyang braso. Mukha siyang mahina at labis na nasaktan. Hindi siya mukhang nagpapanggap lamang na naaksidente. Madulas ang daan at mahamog ang paligid dahil sa malakas na pag-ulan. Nang biglang lumiko sa isang kurbada ang driver ay napunta sa binti ng lalaking pasahero ang dalagang naaksidente. Nagtagpong bahagya ang mga kilay ni Heaton Fudd at lalo siyang yumuko. Lalong naging mapanlamig ang mukha niya. “Mr. Lius, kailangan ba kitang pabalikin sa driving school para ulitin ang test?” Bakas ang takot sa mukha ng driver nang sumilip ito sa rearview mirror. Nahihiya siya at sinubukan na lang idaan sa kabadong pagtawa. “President Fudd, pasensya na po kayo. Sobrang lakas lang po talaga ng ulan ngayon.” Inurong palayo ni Heaton Fudd and babae gamit ang malalaki niyang mga kamay. Nakapikit pa rin ang babae. Walang senyales ng paggising. Nanliit ang mga mata ni Heaton nang tignan niya ang maputla ngunit malambot na mga labi ng babae. … Nagising si Verian Mont sa isang ospital. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya at nakita niya ang isang babae sa harap niya. “Rianie! Gising ka na! Halos mamatay ako sa takot!” Guin Yellen? Kaklase niya noong college at best friend niya rin. Nanunuyo ang labi ni Verian at nanghihina nang magsalita, “Guinnie? Ba…bakit ka andito?” Napahawak sa dibdib si Verian at napansing wala na ang abo ng Papa niya. Bumangon siya kahit nahihirapan at nanginginig ang boses. “Guinnie, nakita mo ba ang urn ni Papa?!” Tinulungan siyani Guin na bumangon, “Andito lang. ‘Di nawala. ‘Wag ka munang bumangon at mahina pa daw ang katawan mo sabi ng doktor.” Inabot ni Guin Yellen sa kanya ang urn. Niyakap ito ni Verian nang napakahigpit na para bang ito ang pinakamahalaga niyang mag-mamay-ari. Galit na galit si Guin at pinagsabihan ang mag-inang Sheen nang malaman ang nangyari kay Verian. Niyakap niya ng kaibigan niya at sinabing, “’Di pa kita makikita kung ‘di lang ako bumisita dito sa ospital para makita ‘yung baby ng tito ko. Nasa katabing VIP baby room lang ang pamilya ng tito ko. Tawagin mo lang ako ‘pag may kailangan ka. Kung ‘di man ako masyadong makakatulong, sigurado akong si tito ang makakatulong sa’yo. Magpahinga ka muna. Babalik ako para tignan ka mamaya.” Tinapik ni Guin ang likod ni Verian at hinayaan lang itong yakapin ang lalagyan ng abo. Pinabalik niya sa pagkakahiga si Verian. “Rianie, magpahinga ka ha. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka!” Malabo ang nasa isip ni Verian. Lumilitaw sa isip niya ang pagtalon ng tatay niya mula sa isang building tuwing pumipikit siya. Tahimik na tumulo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. … Bumalik si Guin sa baby room. Nakaramdam siya ng tensyon sa kwarto pagkapasok niya. Habang nakakapit sa saklay, tinitigan ni John Fudd nang may ‘di mawaring pakiramdam ang bagong panganak na baby na nasa incubator. “Kalokohan ito, Heaton Fudd! ‘Di ako makapaniwalang gagawa ka ng ganitong klaseng bagay!” Inangat ng matandang lalaki ang saklay niya at malakas na hinampas ito sa binti ni Heaton. Hininaan niya ang boses niya at pagalit na nagtanong, “Nasaan ang ina ng bata?” Tumikom ang bibig ni Heaton. Habang kalmado at mahinahon ang mukha ay sumagot siya, “Namatay siya pagkapanganak sa bata.” Walang masabi si John Fudd. “…” Kumukulo na ang dugo ng matandang lalaki. “Ginagalit mo ba talaga ako?!” Lumapit sa incubator si Guin. Kinapitan niya ang braso ng matandang lalaki at bumulong nang mahina, “Grandpa, tignan mo naman gaano ka-cute ang pinsan ko. ‘Wag ka nang magalit. ‘Di ba ikaw nga po itong pinipilit si Uncle na magpakasal na at bigyan kayo ng apo? Ngayong may anak na si Uncle, bakit naman po kayo galit na galit?” “Ang gusto ko kasi ay maikasal muna siya bago magkaanak at hindi lang basta-bastang mag-uwi ng bata! Ni hindi niya man lang nga sinabi sakin tapos biglang naipanganak na ang anak niyang babae! Ama pa ba ang tingin niya sa akin?” Sa oras na ito, pumasok ang isang nurse at magalang na nagbigay ng paalala, “President Fudd, pakihinaan po sana ang boses niyo dahil naaapektuhan po ang baby.” Bumuka ang bibig ni John Fudd at akmang sasagot. Tinignan niya ang napaka-cute na baby sa loob ng incubator at ‘di maiwasang mapa-buntong hininga na lamang. Dala-dala ang saklay, umalis na siya sa baby room. Ngumiti si Guin kay Heaton. “Uncle, napakabilis niyo rin ah. Nagkaroon kayo bigla ng baby girl bago kayo nagka-girlfriend. Congratulations!” “Bata ka pa lang. ‘Wag ka nang sumali sa usapan ng matatanda.” Pinagmasdan ni Heaton ang baby na natutulog nang mahimbing at sinabi niyang, “Bantayan mo ang pinsan mo, lalabas lang ako saglit.” Lumabas si Heaton sa baby room matapos mag-iwan ng istriktong utos. Bumalik ang driver matapos makapagbayad ng medical bills. “President Fudd, bayad na po ang bills para sa babae.” “Nasaan siya?” Itinuro ni Mr. Lius ang ward. “Sa katabing kwarto lang po, diyan po…” Ngunit wala nang tao sa kama. Nalilitong napakamot sa ulo ang lalaki at nagtanong, “Ha, nasaan siya?” Pumasok ang isang nurse para linisin ang kwarto. Napakunot ang noo ni Heaton at nagtanong ulit, “Nasaan ‘yung babaeng andito kanina?” “Kilala niyo po ba siya? Umalis na siya.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.