Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 1

“Bakit, Madison? Bakit kailangan mo itong gawin sa akin? “Hindi ba tama ang turing ko sa iyo sa nakalipas na limang taon ng pagsasama natin? Bakit kinailangan mo ikama ang ibang lalake?” galit na tanong ni Cameron Morgan. Isang magandang babae na nakasuot ng itim na pang opisinang damit ang nakaupo sa harapan niya sa villa. Sa lamesa sa kanilang harapan ay mga litrato ng pagiging intimate niya sa ibang lalake habang naglalakad sila patungo sa hotel. “Inistalk mo ba ako, Cameron?” nagsalubong ang mga kilay ni Madison Parker habang nakatitig sa mga litrato sa lamesa. Walang kahit kaunting pagsisisi sa mukha niya, malamig lang ito. “Kung ganoon, maghiwalay na tayo.” “Hiwalay?” May kakaibang tunog na narinig si Cameron sa isip niya. Pakiramdam niya babagsak ang katawan niya. Gusto lang naman niya na magbigay si Madison ng paliwanag st sabihin na mali siya ng iniisip, kahit na kasinungalingan lang ito. Pero ang ibinigay ni Madison sa kanya ay suhestiyon para maghiwalay. “Oo, hiwalay. Heto ang papeles. Makakapirma ka na dito.” Naglabas ng mga papeles si Madison mula sa Hermes bag niya na nagkakahalaga ng daang libong dolyar at inilagay sa harap ni Cameron. Hindi makapaniwalang tinitigan ni Cameron ang mga papeles bago humarap kay Madison. “Gusto mo na ba akong hiwalayan sa simula pa lang?” “Pinilit mo ako. Ayaw ko kapag iniistalk ako ng kahit na sino,” malamig na sagot ni Madison. “So, sa bandang huli kasalanan ko?” “Huwag mo akong tignan ng ganyan, Cameron. Nakaasa ka sa akin sa nakalipas na mga taon. Wala kang karapatan magkaroon ng pakielam kung sino ang makasama ko.” “Walang karapatan? Asawa kita, Madison! Ikaw ang pinakasalan ko sa harap ng altar!” Gusto sumigaw ni Cameron gamit ang buong lakas niya, pero naubos ang lakas niya ng makita ang divorce papers. Sumarado ng mahigpit ang mga kamay ni Cameron, madiin na nakabaon ang mga kuko niya sa kanyang palad. “Ano naman?” walang pakielam na sagot ni Madison. “Kung ayaw mo, hiwalayan mo ako. Pero kung hindi mo matanggap ang ugali ko ngayon at ikinasal na tayo, kailangan mong umalis ng walang kahit na ano.” Nanlaki ang mga mata ni Cameron habang gulat na nakatitig kay Madison. Hindi niya lubos akalain na magsasabi siya ng ganito. Si Madison pa din ba ang mabait na babaeng nakilala niya labinglimang taon na ang nakararaan? Ang babae na nagbigay sa kanya ng pagkain at nagbigay ng lakas ng loob sa kanya noong nasa pinakamababa siyang punto ng kanyang buhay? “Sige, tumigil ka na sa pag-aaksaya ng oras ko. Pirmahan mo na ang divorce papers,” nawala ang iniisip ni Cameron ng marinig ang malamig na boses ni Madison. Humarap si Cameron kay Madison, ang malamig at makasariling babae. Oo, nagbabago ang mga babae kapag tumatanda. Nagbago ang itsura ni Madison, pero ganoon din kalaki ang pagbabago ng ugali niya? Hindi na makita ni Cameron ang kabaitan at pag-asa sa mga mata ni Madison na nakita niya noong mga nakaraang taon. Nadisappoint siya. “Napagtanto ko na nagbago ka na, Madison. Minsan napapaisip ako kung ikaw pa din ang babaeng nakilala ko ilang taon na ang nakararaan.” “Anong sinasabi mo, Cameron? Babalaan kita na huwag na pag-usapan ang mga walang kuwentang bagay kung pinapatagal mo lang ito,” malamig na sagot ni Madison. Anong babae ang tinutukoy niya? Hindi pa niya nakikilala si Cameron bago sila ikasal. Hindi sumagot si Cameron. Nagtanong lang siya para kumpirmahin. “Gusto mo ba talaga ako hiwalayan, Madison?” “Oo,” madiin niyang sagot. “Naiintindihan ko.” Bumuntong hininga si Cameron. Nagdilim ang mga mata niya. Nabigla si Madison sa bigla niyang pagbabago. Mukhang parang ibang tao si Cameron ng panandalian. Pero noong tumingin muli si Madison, bumalik ang dating Cameron – ang Cameron na masunurin, nagluluto at naglilinis ng bahay niya. Puno ng panghahamak ang tono ng pananalita niya. “Dapat alam mo sa simula pa lang na hindi tayo galing sa parehong mundo.” “Oo.” Hindi sumagot si Cameron sa pagkakataon ito. “Isa kang makapangyarihang CEO na nasa top ten ng listahan ng Yrando’s outstanding businessmen. Isa lang akong hamak na dishwasher at personal chef, taong walang kuwenta para sa iyo.” Nagulat si Madison dahil malinaw na nakikita ni Cameron ang estado nila. Ngumiti siya ng mayabang. “Mukhang naiintindihan mo na kung gaano ka kawalang kuwenta at hindi tayo nababagay sa akin.” “Haha, ganoon ba?” ngumiti ng sarcastic si Cameron. “Sa totoo lang, kailangan kita pasalamatan dahil ipinakita mo ang tunay na kulay mo sa akin ngayon.” “Anong ibig mo sabihin?” sumimangot si Madison. “Anong ibig ko sabihin? Limang taon… Limang buong taon… Kailan ko hindi ininit ang ulam para sa iyo kapag gabi ka ng umuwi? Minasahe ko ang mga paa mo kapag pagod ka at gabi-gabi kang inalagaan kapag may period pains ka. “Sinabi mo na gusto mo magsimula ng business kaya ibinigay ko sa iyo ang mga assets ko para suportahan ka. Limang taon… Kahit ang isang aso mamahalin sa hinaba haba ng oras…” “Tama na, Cameron!” nagalit si Madison. Umarte siya na parang pusa na natapakan ang buntot. Namumula ang mukha niya sa galit. “Hindi ko hiniling sa iyo na gawin ang mga iyon! Ginawa mo iyon mag-isa! At nakarating lang ang kumpanya ko ngayon sa kinatatayuan nito dahil sa pagsusumikap ko at effort. Ang mabuhay gamit ang mga natamasa ko sa nakalipas na mga tao ay sapat na bilang kabayaran sa perang ibinigay mo sa akin!” “Ganoon ba?” tinignan ni Cameron si Madison na parang hindi sila magkakilala. “Sa tingin mo ba talaga ang tagumpay mo ngayon ay dahil lamang sa iyo?” “Hindi ba?” sagot ni Madison. Hindi sumagot si Cameron. Mabilis niyang pinirmahan ang divorce papers, hindi na nakakakita ng pag-asa sa relasyong ito. Ibinaba ni Cameron ang panulat at inihagis ang papeles sa harap ni Madison. Malamig niyang sinabi, “Sana hindi mo pagsisihan ang paghihiwalay natin sa hinaharap.” Tumalikod si Cameron. “Anong ugali yan, Cameron? Tumigil ka at ipaliwanag ang sarili mo!” galit na sigaw ni Madison. Pero hindi siya tinignan ni Cameron at dumiretso siya sa paglalakad palabas ng villa. Wala ng dapat pahalagahan sa lugar na ito. … Ding! Tumunog ang phone ni Cameron sa oras na makalabas siya ng gate. Sa sumunod na sandali, dalawang row ng itim na mga Maybach ang nagmaneho papunta sa kanya. Ang bawat sasakyan ay nagkakahalaga ng milyon. Tumigil sila sa harap ni Cameron. Bumukas ang mga pinto at dose-dosenang mga lalakeng nakasuot ng itim na suit at shades ang lumabas. Pumila sila ng diretso sa harap ni Cameron bago yumuko sa harap niya. “Naparito kami para kay Lord Blackheart, Mr. Morgan!” sabay-sabay nilang sinabi.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.