Kabanata 14
“Isa ka lang walang kuwenta na umaasa sa kapatid ko. Bakit ka umaasta na cool ka?” minura niya ni Skyler habang nakatingin sa likod ni Cameron na naglalakad palapit sa Venizon Cruise.
Hindi niya mahintay na mapahiya si Cameron sa pagsakay ng walang imbitasyon!
Habang hinihintay na mapahiya siya, umaasa din si Pia na makita ang kanyang kahihiyan. Mapapalayas si Cameron ng mga sundalo dahil wala siyang imbitasyon!
Paano makakapagyabang ang walang kuwentang ito sa harapan niya?
Pinanood nilang dalawa si Cameron na dumating sa entrance.
Sa harap niya ay apat na sundalo na may mga baril at strikto ang mukha.
“Heh, tignan natin ang palabas!”
Nagyayabang na nakangiti si Skyler.
Nakangisi si Pia.
Ang akala nila palalayasin si Cameron.
Bigla, sumaludo ng magalang ang apat kay Cameron ng maingat.
Pagkatapos, pumasok ng walang problema si Cameron.
Anong nangyari? Natanga ang dalawa.
“Ma… tama ba ako ng nakita?” hindi makapaniwalang tumingin si Skyler kay Pia.
“Skyler, hindi ka nagkakamali…” natulala din si Pia.
“Ma, anong nangyayari?” nagpanic ng kaunti si Skyler.
“Hindi ko rin alam…” pati si Pia nagpanic.
Pero nakaisip bigla ng dahilan si Pia.
“Skyler, sa tingin mo ba sinuhulan ni Cameron ang mga sundalo?”
“Ganoon na nga, Ma!”
Naniniwala si Skyler dito. Kung hindi, paano makakasakay si Cameron sa Venizon Cruise?
“Tara na, Skyler. Ipaalam natin kay Madison na nandito ang lalakeng iyon bago pa niya guluhin ang kasal niya!”
Matapos iyon, sumakay si Pia asa cruise ship kasama si Skyler.
…
Samantala, nakatanggap si Cameron ng tawag mula kay Blackheart matapos sumakay sa barko.
“Sir, dumating ka na po ba?”
“Oo.”
“Kung ganoon susunduin na po kita ngayon!”
“Huwag na. Maglalakad-lakad muna ako sa barko. Hahanapin kita mamaya.”
“Okay po, sir. Maghihintay po ako.”
Ibinaba ang tawag.
Naglakad si Cameron sa cruise ship, floor by floor.
Ang lahat ng mga lugar dito, pati mga puntahan ay pamilyar sa kanya. Pakiramdam niya bumalik siya sa nakaraang sampung taon.
Hindi nagtagal, duamting si Cameron sa sixth floor ng cruise ship.
Noong dinaanan niya ang banquet hall, narinig niya ang maganang boses ng emcee mula sa loob.
“Ngayon, sa elegante at magarang lugar na ito, panoorin natin ang oras na ikakasal ang dalawang ito!
“Ngayon, iniimbitahan namin ang groom, na si Archie Price, at ang bride, na si Madison Parker…
“Sunod naman, angm ga bridesmaid na iaabot ng wedding rings sa bride at groom…
“Palakpakan!”
Buhay na buhay ang pakiramdam sa paligid.
Sa labas ng banquet hall, narinig ni Cameron ang pangalan ni Dakota. Hindi niya mapigilan na mapatingin sa loob.
Nakita niya si Dakota sa entablado suot ang damit ng bridesmaid, nakalugay ang buhok. Mukha siyang elegante at makarisma.
Ngumiti si Cameron at naghanda na umalis.
Hindi siya interesado sa kasal na ito.
Noong aalis na siya,itinaas ni Madison ang kanyang ulo matapos isuot ang diamond ring.
Nakita ni Madison si Cameron sa pinto ng nakangiti.
Ang kala niya tama si Pia na nandito siya para guluhin ang kanyang kasal!
Nagalit si Madison at sumigaw sa pinto, “Cameron, ikaw na lalake ka! Ang lakas ng loob mo na pumunta dito!”
Naging tahimik bigla ang buong wedding venue.
Tumingin ang lahat sa pinto habang naguguluhan.
Napatingin din si Dakota.
Maaari kayang siya ito? Iisang tao lang ba si Cameron at si Mr. Morgan?
Matapos makita ang titig ni Dakota, pumasok si Cameron.
Sa huli, hindi niya ito naitago sa kanya.
“Cameron, sa tingin mo ba magugulo mo ang kasal ko sa pagsuhol sa mga sundali at pagpasok dito sa Venizon Cruise? Hayaan mong sabihin ko sa iyo, nananaginip ka ng gising!” patuloy na sinabi ni Madison.
Tinitigan ng masama ni Madison si Cameron ng malinaw na nandidiri. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa pagtingin lang sa kanya!
“Sinuhulan ko ang mga sundalo para sirain ang kasal mo?” tinignan ni Cameron si Madison ng kakaiba ang ngiti. “Sinabi ito sa iyo ng nanay mo, tama?”
“Tama!” taas noong sinabi ni Madison
“Ang self-righteous masyado ng pamilya mo.” Nakangising sinabi ni Cameron.
“Anong sinabi mo?” mukhang naiinis si Madison.
“Madison, sinasabi ko sa iyo ngayon din, hindi ako interesado sa kasal mo,” binigyan diin ni Cameron ang bawat salita.
“Anong ginagawa mo sa labas ng banquet hall?” tanong ni Madison.
“Nagkataon lang na dumaan ako,” sagot ni Cameron.
“Nagkataon na dumaan lang?” ngumiti si Madison. “Sa tingin mo maniniwala ako?”
“Wala akong magagawa kung hindi ka naniniwala.” Sinabi ni Cameron, “Oo nga pala, kung gusto ko siarina ng kasal mo, hindi yan sana magaganap dito.”
“Cameron, walang hiya ka!” natawa ni Madison sa mga sinabi ni Cameron.
“Haha!” hindi rin napigilan ng mga bisita na tumawa.
Nagtanong ang isa sa kanila, “Ms. Parker, sino ang lalakeng ito?”
“Siya?” tinignan ni Madison si Cameron. Ngumiti ng masama si Madison. “Isa lang siyang aso na dating dinidilaan ang paa ko.
“Kumapit siya sa akin para mabuhay gamit ang mga resources ko. Nabigatan ako sa kanya at pinalayas. Ngayon at maganda na ang buhay ko, naparito siya para guluhin ang kasal ko!”
Nagkataon na ang parasite na dating asawa ng bride ay naparito para gumawa ng gulo.
Agad na ngumiti ng mapanghamak ang mga tao.
Hindi maganda ang mood ni Dakota.
“Madison, kailangan mo ba maging ganito?” sumimangot si Cameron kay Madison.
“Anong problema?” puno ng panghahamak ang mga mata ni Madison.
“Kailangan mo ba akong siraan ng ganito?” malalim ang tono ni Cameron.
Hindi mag-aaksaya ng oras si Cameron kung nangyari ito noon.
Pero ngayon, sa harap niya ay si Dakota. Hindi niya gusto na mali ang isipin niya tungkol sa kanya.
“Siraan ka? Nararapat ba iyon?”
Mapanghamak na ngumiti si Madison habang nakatingin kay Cameron.
“Oo nga pala, hindi ba’t gusto mo na gingulo ako? Sinundan mo pa ako sa Venizon Cruise. Well, huwag ka magreklamo na hindi kita binigyan ng pagkakataon.
“Ngayon, puwede ka umasta na parang aso. Kung maganda ang gagawin mo, papayagan kita dumalo sa kasal ko. Isipin mo na lang na perpektong ending ito para sa parasite mo na buhay.”
Pagkatapos, malambing na tinignan ni Madison si Archie. “Okay lang ba iyon, dear?”
“Kasal natin ngayon, gawin mo ang gusto mo.” Nakangiti ng sarcastic si Archie.
Anong magagawa ng lalakeng ito sa kanya?
“Cameron, narinig mo ba iyon? Sulitin mo ang pagkakataon na ito.” Humarap muli si Madison kay Cameron. Ang mapanghamak niyang tono ay tila ba nagbibigay sa kanya ng pabuya.
“Sigurado ka ba na gusto mo ito gawin?” naging malamig ang mga mata ni Cameron.
Mukhang hindi napansin ni Madison ang lamig sa mga mata ni Cameron.
Mayabang niyang sinabi, “Binigyan kita ng pagkakataon. Nasa saiyo na kung tatanggapin mo ito o hindi.”
“Sige, huwag mo akong sisisihin dahil hindi kita binigyan ng pagkakataon,” malamig ang mga mata ni Cameron.
Matapos iyon, inilabas ni Cameron ang phone niya at tinawagan si Blackheart.
Sa phone, sinabi lang niya na, “Kanselahin ang kasal sa sixth floor ng banquet hall.”
Pagkatapos, tinignan niya si Madison at binigyan siya ng ultimatum. “Opisyal kong sinasabi sa inyo na kanselado na ang kasal sa Venizon Cruise. Magimpake na kayo at umalis.”