Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 10

Maririnig ang tunog na ibinaba na ang tawag at nagdabog si Madison. Ang lakas ng loob niyang babaan ako ng tawag! Galit pa din si Madison at tinawagan siya muli. Mabilis na sumagot si Cameron, malinaw na naiirita. “Tapos ka na ba?” “Umayos ka, Cameron!” sigaw ni Madison, galit na galit. “Una ninakaw mo ang bracelet ng nanay ko, ngayon sinaktan mo ang kapatid ko, tapos ang lakas ng loob mo na babaan ako ng tawag?” “Ninakaw ko ang bracelet ng nanay mo? Ang bracelet na iyon ay ibinigay sa akin ng nanay ko na para ipasuot sa magiging asawa ko sa hinaharap. Anong mali at binawi ko ito dahil hiwalay na tayo.” “Mahirap ka talaga, binawi ang bracelet matapos ito ibigay!” “Oo, ako ang pinakamahirap sa pinakamahirap,” sagot ni Cameron, hindi na gusto makipagtalo. “So inaamin mo? Sinabi sa akin ng nanay ko na pumunta ka sa bahay ko ng naka Maybach. Sa tingin mo ba talaga magbabago ang isip ko dahil rumenta ka ng Maybach? Managinip ka, Cameron Morgan!” “Ako? Rumenta ng Maybach? Para sa iyo?” natawa si Cameron. “Huwag mong itaas ang sarili mo.” “Bakit mo nirentahan ang sasakyan?” sarcastic na tanong ni Madison. “Ano naman ang pakielam mo doon?” sagot ni Cameron. “Ikaw!” sigaw ni Madison. “Sige, hindi na ako makikipagtalo sa iyo, Cameron. Sabihin mo sa akin kung anong plano mo gawin ngayon at sinaktan mo ang kapatid ko!” “Sinaktan ko siya dahil nararapat iyon sa kanya,” malamig na sagot ni Cameron. “Ikaw—Ang lakas ng loob mo? Siya ang nag-iisang lalake sa pamilya ko!” sigaw ni Madison. “So may pakielam ka sa kapatid mo pero sa akin wala? Dapat ako hampasin ng vase ng hindi nagrereklamo, tama?” malamig na sagot ni Cameron, nagalit dahil sa sinambit na mga salita ni Madison. “Tama ka!” sagot ni Cameron. “Ang brutal naman,” ngumisi si Cameron at nagpatuloy, “Dahil ang titigas ng mga ulo ninyo, huwag mo sabihin na hindi ko kayo binalaan—sabihin mo sa nanay mo na umatras na, kung hindi, hindi lang bali ng braso ang aabutin ninyo.” Ibinaba ni Cameron ang tawag. “Animal ka!” sigaw ni Madison matapos babaan siya muli ng tawag. Noong tinawagan niya si Cameron para sa ikatlong pagkakataon, hindi na tumuloy ang tawag. Nablock na siya ni Cameron. Galit na galit si Madison at halos basagin niya sa sahig ang phone. Hindi lang siya tinakot ni Cameron pero nablock pa siya? Ang lakas ng loob niya? “Maghintay ka lang, Cameron Morgan!” sambit ni Madison. Huminga siya ng malalim bago bumalik sa ward. “Kumusta?” nag-aalalang tanong ni Pia. “Binabaan ako ng lalakeng iyon! Pero sinabi ni na ininsulto ninyo siya at sinubukan siyang hampasin ni Skyler ng vase. Totoo ba iyon?” tanong ni Madison. Naging guilty sandali si Pia pero agad na sinabi, “Huwag ka maniwala sa mga kasinungalingan niya. Wala kaming ginawa! Siya ang pumasok bigla sa bahay. Pinrotektahan lang tayo ni Skyler!” “Heh, sabi ko na nagsisinungaling lang siya. Sa tingin ba talaga niya hindi ko makikita na rumenta lang siya ng Maybach para mabawi ako?” sagot ni Madison. “Renta lang iyon?” nanlaki ang mga mata ni Pia. Tapos bumuntong hininga siya. “Sabi ko na. Hindi kaya maging mayaman ng taong iyon sa loob ng maikling panahon!” “Ma, paano siyang magiging mayaman kung gusto niya bawiin ang lumang bracelet na binigay niya sa akin?” sigaw ni Madison. “P-Puwede ba natin bawiin ang bracelet, Madison?” tanong ni Pia. “Lumang bracelet lang iyon, Ma. Puwede kita ibili ng bago. Heto, may isang milyong dolyar sa card. Ang passcode ay birthday ko. Bumili ka ng mas magandang bracelet at masarap na pagkain para kay Skyler,” sinabi ni Madison matapos iabot ang bank card kay Pia. “Masyado kang mabait, Madison!” nakalimutan agad ni Pia ang bracelet ng malaman na may isang milyong dolyar sa card. Ano pa ba ang mas mahalaga sa pera? “Pamilya nga naman tayo,” sinabi ni Madison. “Ikaw talaga,” sinabi ni Pia, “Okay lang na mawala ang bracelet. Ang inaalala ko ay ikaw.” “Nag-aalala ka sa akin?” nabigla si Madison. “Oo. Nag-aalala ako na baka istorbohin ka pa ni Cameron,” nagkukunwaring sinabi ni Pia. “Bukod pa sa pagbawi ng mga gamit niya, sinabi niya na mananatili pa siya sa tabi hanggang sa pumayag ka na pakasalan mo siya ulit, o kaya bayaran mo siya ng ten million dollars!” “Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon?” nagalit si Madison. “Ano pa ba ang magagawa niya sa puntong ito, Madison? Tinakot niya ako at sinaktan ang kapatid mo. Kaya dapat ikasal na kayo ni Mr. Price. Dito lang susuko si Cameron.” Sambit ni Pia. Ginagamit niya ang pagkakataong ito para masiguro ang kasal nila. Nagkataon na nandoon din si Archie. “Oo, Maddy,” sambit ni Skyler. Kung ikakasal ang kapatid niya sa pamilya Price, makakapagyabang siya sa lahat ng mga kaibigan niya! “Ma, huwag mo yan sabihin sa harap ni Mr. Price…” nahihiyang sinabi ni Madison. “Nag-aalala lang ako para sa iyo anak. Hindi ko gusto na palampasin mo ang katulad ni Mr. Price,” sinabi ni Pia, tumingin siya kay Archie. “Salamat sa pag-aalaga kay Maddy, Mr. Price. Pasensiya na sa nakita mo ngayon, nakakahiya ito.” “Walang problema. Hindi alam ni Cameron kung anong makabubuti sa kanya,” sagot ni Archie. “Anong sa tingin mo kay Maddy, Mr. Price?” tanong ni Pia. “Sa tingin ko mahinhin si Madison at may kakayahan,” puri ni Archie. “Bakit hindi ninyo ikunsidera na ikasal sa lalong madaling panahon, Mr. Price? Sa ganitong paraan, susuko na si Cameron at hindi na aabalahin si Madison,” suhestiyon ni Pia habang nakangiti. Napasinghal si Archie sa loob loob niya. Paanong hindi niya alam ang intensyon ni Pia? Ginagamit lang siya ng matandang ito para magkaroon ng per at kapangyarihan para sa sarili niya. Pero naakit si Archie sa potensyal ni Madison. Marahil may lakas siya kung nadevelop niya ang business niya sa billion-dollar success nito ngayon sa loob ng limagn taon lang, at pati na rin ang mapabilang sa top ten outstanding businessmen sa Yrando. Ang mahalaga ay ang kumpanya niya ay may partnership sa mga major companies ng capital. Ang goal ni Archie—gamitin si Madison at palakasin ang kapangyarihan ng pamilya niya. Sa oras na ikasal sila, natural na magsasama ang mga business nila. Pagkatapos, unti-unti siyang makikipagpartner sa mga kumpanya sa capital. Magiging gamit na basahan na lang si Madison na itatapon niya. Magsasawa naman na siya sa kanya sa mga oras na iyon. Hindi naiipit sa maliit na lungsod ang ambisyon ni Archie. Hindi rin niya balak icommit ang sarili niya sa kasal sa isang minsan ng hiniwalayan. Ang balak niya ay ikasal sa mga tagapagmana ng makapangyarihang mga pamilya sa Leving! Isa lamang stepping stone si Madison para sa mga plano niya. Bakit pa mag-effort ng husto si Archie sa kanya?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.