Kabanata 5 Bawasan Ang Pagkalugi
Mahinang sumandal si Nell sa bintana ng kotse, pinapanood ang tanawin ng gabi na dumaan. Namumula ang mga mata niya.
Ang mga salita ni Jason ay tumutunog pa rin sa kanyang tainga, ngunit natagpuan lamang niya itong katawa-tawa.
Ilang beses siyang binully ni Celine kasama ang kanyang pamilya sa likuran niya? Nanatiling tahimik at mapagparaya si Nell, iniisip na makakakuha siya ng kapayapaan sa ganoong paraan, ngunit sa halip ay naghanap pa rin si Celine ng ibang paraan para saktan siya.
Hindi mahinang tao si Nell, kaya natural na natutunan niyang lumaban kapag hindi na niya matiis ito. Gayunpaman, sa mata ni Jason, iyon ang naging pambu-bully niya kay Celine?
Pinagtabuyan siya palabas ng pamilyang Jennings. Alam ng bawat isa sa Jincheng na hindi siya mahal ng pamilya Jennings, lalo na ang kanyang lola.
Upang hindi mapahiya si Jason, iniwasan niya ang pakikipag-ugnay sa iba at pinagsikapan niyang huwag lumitaw sa publiko, ngunit sa kanyang paningin, gumagawa siya ng mga dahilan at tumatanggi na samahan siya?
Tungkol sa pagbebenta ng mga erotikong produkto ...
Kung hindi dahil sa pangyayaring iyon, kung hindi dahil sa pagkamakasarili ng pamilya Jennings, masisira ba ang kanyang kinabukasan? Aabot ba siya sa estadong ito?
Kasalanan niya itong lahat ngayon?!
Ipinikit ni Nell ang kanyang mga mata, nakaramdam lamang siya ng walang katapusang kalungkutan at kabalintunaan.
Isang boses ng lalaki ang biglang tumunog sa tabi niya. "May pakinabang bang malungkot para sa isang lalaking ganyan?"
Bahagya siyang nabigla at tumingin. Sa kanyang malabong paningin, isang lalaki ang nakaupo doon na may tuwid na likuran. Ang ganda ng mga mata niya.
Noon lamang niya naalala na parang sumakay siya sa kotse ng isang lalaki. Ang taong ito ang tumulong sa kanya sa bar kanina.
Sa isang tagalabas na naroroon, hindi niya kayang ipakita sa kanya ang kanyang nalulumbay na ekspresyon. Pinunasan niya ang luha niya. "Sino ang nagsabing nalulungkot ako dahil sa kanya?"
Tinaasan siya ng kilay ni Gideon. Nakatingin lamang ito sa pula at magagandang mga mata ni Nell.
Paliwanag ni Nell. “Hindi ako nalulungkot para sa kanya. Nalulungkot ako para sa sarili ko. ”
Nalungkot siya sa anim na taon ng kanyang kabataan na nasayang ...
Tumango si Gideon bilang pagsang-ayon.
"Alam mo ba kung anong pinakamahusay na paraan upang makabawi sa isang bad investment?"
"Ano?"
"Dahan-dahan mong bawiin ang mga nalugi mo."
Ang pitong salitang bumuhos mula sa kanyang manipis na labi ay nagpanginig sa puso ni Nell.
Humarap siya sa kanya. Sa ilalim ng madilim na ilaw, kita ang matangkad at tuwid na pustura ng lalaki.. Ang aninong nabuo sa kakarampot na liwanag na lumatag kay Gideon ay nagbigay diin sa mukha ng lalaki. Malamig siya at mukhang dugong-bughaw.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng isang kaakit-akit na lalaki. Medyo gwapo rin naman si Jason.
Pero kung ikukumpara sa lalaking nasa harapan niya, ang pagkakaiba ay masyadong malaki.
Tulad ng kung paano hindi makikipagkumpitensya ang mga bituin sa araw o buwan, ang lalaking nasa harap niya ay labis na nakasisilaw. Para siyang isang agila na pumailanglang sa itaas ng siyam na langit. Ang kanyang aura ay malakas at walang kapantay.
Dagdag mo pa na may mukha itong sapat na para pahiyawin ang lahat ng kababaihan sa mundo..
Natigil ang iniisip niya at bigla niyang gustong magtanong.
Habang napatitig sa gwapo nitong mukha, napalunok siya. "Alam ko."
Pagkatapos ng isang sandali, bigla na siyang nagtanong, "Anong palagay mo sa mga erotikong produkto?"
Kumunot ang mga kilay ni Gideon. “Isa itong normal na industriya gaya ng iba. Wala naman akong partikular na opinyon dito. ”
Ngumiti nang mahina si Nell.
Panglasing ang ngiti nito, at ang mga naluluha niyang mata ay tila ba tubig ng taglagas. Sumagot siya, “Sa tingin ko rin.”
Isang bakas ng malamig na bango ang pumunas sa dulo ng ilong ni Gideon at saka siya napalingon nang bahagya, nakita na lamang niyang pabagsak ang babae sa kanya.
"Kung ganoon, sa palagay mo maganda ako?"
Naninigas ang gulugod ni Gideon.
Walang duda na maganda ang babaeng nasa harapan niya.
Hindi lamang siya maganda, kaakit-akit ang kasimplehan nito. Nakakamangha ang kanyang kagandahan.
Bagaman nakasuot lamang siya ng isang simpleng beige jacket sa isang puting camisole, hindi nito maitago ang malinis at malamig na kagandahang nagmula sa loob.
Biglang may naisip si Gideon. 'Hindi mahalaga kung gaano karaming magagandang tao ang nakita mo, palaging may isang tao roon na mas maganda'.
Napalunok na lamang si Gideon at nanatiling tahimik.
Ilang sandali lamang ang lumipas at napasagot siya nang hindi komportable, "Mmh."
Lumapit pa si Nell. Ang maselan nitong mapulang labi ay halos dumikit sa kanyang tainga, at sinabi nito sa isang malambing na boses, "Sige nga, kung sasabihin kong nais kong makasama ka sa kama,, papayag ka ba?"
"Pfft—!"
Si Matthew, na nagmamaneho, ay hindi mapigilang matawa.
Sa susunod na sandali, naramdaman niya ang isang malamig, mala-kutsilyong tingin sa likuran niya.
Dali-dali siyang tumigil sa pagngiti at pinaangat ang divider sa gitna ng sasakyan na siyang pumapagitan sa front at back seat.
Pagkatapos, bumalik si Gideon at tiningnan ang babaeng nasa tabi niya.
Isang madilim na ilaw ang gumuhit sa mga mata nito.. "Mayroon kang babayaran kung gusto mong mangyari iyan. Sigurado ka bang gusto mo? "
Tumawa si Nell. “Pera? Mayroon ako niyan. "
Inilabas niya ang kanyang pitaka habang nagsasalita at inilabas ang lahat ng mga perang papel niya
"Bilangin mo. Kung hindi ito sapat, ililipat ko lahat ang natitira sa iyo. "
Noon lamang napagtanto ni Gideon na ang sinabi niya ay hindi biro. Seryoso siya.
Pumintig ang ugat sa kanyang noo nang dalawang beses, at kinuskos niya ang kanyang sentido.
"Gagawin mo ba ito sa kahit sinong lalaking katabi mo ngayon?"
Umiling si Nell.
Bigla siyang tumawa at tinapik ang mukha niya.
“Hindi ako ganun ka tanga. Gusto kita dahil ang gwapo mo. Hindi ba sila mababa ang tingin nila sa akin? ‘Yun ang dahilan kung bakit gusto kong makahanap ng isang taong mas mahusay at mas gwapo kaysa sa kanya. Gusto kong magalit sila! "
Hindi inasahan ni Gideon na ito ang magiging tugon niya.
Nagtataka siya kung paano siya dapat mag-react. Malinaw na hindi siya handa na seryosohin ang mga salita nito.
Sa oras na ito, biglang huminto ang kotse.
Lasing na lasing na si Nell at muntik na itong matumba. Kung hindi lang dahil sa mabilis na kamay ni Gideon, hindi sana siya nito masasalo.
Lumubog ang kanyang ekspresyon. "Ano bang nangyayari?"
Agad na sumagot si Matthew sa harapan. "Paumanhin po, Mr. President. Dumating na tayo sa Leith Gardens. "
“Pwede ka nang umalis!"
"Opo!"
Ang tunog ng pagsara ng pinto ng kotse ay nagmula sa harap, at bumalik si Gideon sa babaeng yakap. Hindi niya mapigilan na kumunot ang noo sa lasing at umuusok nitong mga mata, lalo na sa mapula at maganda nitong mukha
“Nandito na tayo. Bumaba ka na! "
Gayunpaman, hindi gumalaw ang babae. Sumandal siya sa pagkakayakap at tumingin kay Gideon.
Malamig ang kanyang mukha, ngunit maganda ang labi ni Nell. Bumuka ang bibig nito at sumara, tila ba tinutukso si Gideon.
Talagang lasing na siya.
Inabot niya at inikot ang mga braso niya sa leeg ni Gideon, at nagtanim ng isang malamig na halik sa kanyang mga labi.
Nanigas ang likod ni Gideon habang nanlalaki ang mga mata. Sa sumunod na segundo, umalis nawala na ang labi ni Nell.
Napatingin si Nell sa kanyang nakapirming estado at humagikhik.
"Napakatamis naman ng labi mo."
Si Gideon. "..."
Habang pinipigilan ni Gideon na itapon palabas ng sasakyan si Nell, sinabi niya sa isang mahinang tinig, "Bitiwan mo ako!"
Hindi gumalaw si Nell. Kumurap siya, nakatingin sa kanyang malamig na ekspresyon, at biglang namula ang mga mata.
“Naiisip mo rin ba na hindi ako mahinahon? Na hindi ako maganda? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw mo? "
Humigpit ang panga ni Gideon. "Hindi iyan."
"Bakit hindi ka pumapayag?"
Biglang tumulo ang luha ni Nell. Tuloy-tuloy ang buhos nito mula sa kanyang mala-diyamanteng mukha.
Tila ba hindi siya makahinga.
Walang tigil na lumuha ang babae hanggang sa mabasa na rin ang damit ni Gideon.