Kabanata 2 Nalagpasan ang Master
Habang nakatayo sa likuran ni Sylvia, napaungol sa galit si Shaun Jennings. "P*ta ka! Anong sinabi mo?"
Ngumisi ni Nell. "Ang katotohanan."
Hindi niya talaga inaasahan na ang babaeng kasama ni Jason ay si Celine.
Noong una, naisip lang niya na pinagtaksilan siya ni Jason. Kumilos lang siya nang ganoon dahil sa galit at upang maibsan ang sama ng loob.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi lamang siya niloko ng kasintahan niya, ang babaeng kinakasama nito ay mismong nakababata niyang kapatid.
Anong biro naman ito!
"Ikaw!"
Galit na galit ang matanda nang itinaas niya ang kanyang tungkod upang ibagsak ito kay Nell, ngunit mabilis siyang pinigilan ni Sally Youngs.
“Ma, makipag-usap tayo nang maayos. Wag kang magalit. Maaapektuhan lang ang kalusugan mo."
Pagkatapos, lumingon siya kay Nell. “Nell, hindi mo dapat galitin ang lola. Si Celine ang may kasalanan dito, kaya siya ang bulyawan mo hanggang magsawa ka, ngunit ang iyong lola ay may edad na. Makinig ka sa akin at huwag kang sumagot nang pabalang, okay? ”
Kung may isang napadaaan at nakita nito ang banayad at maalalahanin na pagpapahayag ni Sally nang hindi nalalaman kung sino siya, maiisip nila na tunay siyang mabait.
Napabaluktot ang labi ni Nell sa isang sarkastikong ngiti.
Nang makita ng kanyang ama na si Shaun ang ekspresyon nito, lalo siyang nagalit.
“Masarap ba ang pakiramdam mo sa sarili mo ngayon? Pinasok mo ang iyong kapatid na babae at ang iyong kasintahan sa istasyon ng pulisya, at ganap na pinahiya ang mga Jennings. Naaalala mo pa ba kung ano ang iyong apelyido?
“Ang iyong kapatid ay isang sikat na tao. Paano siya dapat kikilos sa publiko pagkatapos mong gumawa ng gulo ngayon? Matutuloy niya pa ang trabaho niya bilang artista? Ano ang mangyayari sa ugnayan ng Jennings at Morton mula ngayon? Naisip mo pa ba ang tungkol diyan? "
Malamig na tiningnan siya ni Nell. "Iyon lang ba ang naiisip mo?"
Napatahimik si Shaun.
“Sila ang mali, kaya bakit mo ako sinisisi? Ano ang inaasahan mong gawin ko? Pumikit at magpanggap na wala akong nakita? Mas gusto mo ba na hilingin ko na lang na magkaroon sila ng isang mahaba at masayang buhay na magkasama? "
Sa unang pagkakataon, hindi alam ni Shaun ang sasabihin. Pagkatapos, kumuyom ang kanyang panga sa sobrang galit. "Hindi mo man lang kayang alagaan ang lalaki mo, ngunit sinisisi mo ang iba na nanakaw siya? Kung mabuti ka talaga, ipagpapalit ka ba niya para sa kapatid mo? Hindi mo tinitingnan ang sarili mo sa tuwing may nangyayari at sa halip naninisi na lang ng iba. Anong pinagkaiba mo sa wala mong kwentang ina? "
Marahas na umiling si Nell.
Sa mga masakit na salita ng kanyang ama, hindi siya makapaniwalang tumitig dito.
Limang taon na ang nakalilipas, nagkaroon ng relasyon si Shaun at saka nito dinala sina Sally at Celine sa pamilya. Doon lang nalaman ni Nell na mayroon siyang isang kapatid na mas bata sa kanya ng limang taon.
Hindi kinaya ng kanyang ina ang tindi ng balita at nagpakamatay ito habang dire-diretsong nagmamaneho ng sasakyan patungo sa ilog.
Sa takot nilang ilabas ni Nell ang baho ng kanilang pamilya, pinapunta siya ng mga Jennings sa ibang bansa at naghugas kamay sila.
Sa mga panahong iyon, kung hindi dahil sa maliit na mana na iniwan sa kanya ng kanyang ina, namatay siya habang nasa ibang bansa.
Alam naman talaga niyang hindi gusto ng ama at ng lola niya ang kanyang ina, subalit hindi niya inakalang babastusin nila ito nang ganito matapos nitong pumanaw.
Nanlamig ang buong puso at katawan ni Nell. Pagkatapos, tumawa siya na puno ng panunuya.
“Oo, wala akong silbi! Pagkatapos ng lahat, wala akong ina na sanay maging kabit, kaya't hindi ko namana ang kakayahang manlandi ng lalaki ng iba. Talagang nalampasan ni Celine Jennings ang kanyang master. Bukas na ang mga mata ko sa isang bagong mundo. "
Sa gilid, nawalan ng lahat ng kulay ang mukha ni Sally.
Galit na galit na sumigaw ni Shaun. "Ano ang sinabi mo?"
"Alam mo mismo kung ano ang sinabi ko!"
"Ikaw!"
"Tama na yan!"
Biglang sigaw ni Sylvia. May nais pa sanang sabihin si Shaun, ngunit hinawakan ni Sally ang braso niya mula sa tagiliran.
Nang umangat ang kanilang paningin, nakita nila si Thomas Morton na kasama sina Jason Morton at Celine Jennings palabas ng interrogation room sa dulo ng pasilyo.
Hindi maganda ang ekspresyon nilang tatlo.
Kumapit si Celine sa braso ni Jason, pumilipit ang maliit niyang mukha na para bang tiniis niya ang lahat ng uri ng paghihirap. Namumula ang kanyang mga mata na tila ba maselan siya at nakakaawa.
Napalapit agad ang lahat, puno ng pag-aalala. “Celine! Ayos ka lang?"
Umiling si Celine at sinabi sa isang mahinang boses, "Ayos lang ako."
Pagkatapos, tumingin siya at tinitigan ang taong nakatayo sa likuran ng karamihan.
"Ate."
Marahan siyang tumawag habang naglalakad paharap, nakatingin siya Nell nang mahina at tila ba humihingi siya ng patawad.
"Pasensya na. Hindi ko inasahan na pupunta ka… Si Jason at ako… Hindi namin sinasadya, kaya't patawarin mo kami! "
Malamig na tiningnan siya ni Nell, walang ekspresyon ang mukha.
Bumuntong hininga din si Thomas at umusad. "Kasalanan ito ng mga Morton, ngunit hindi natin maibabalik ang nangyari. Kahit anong kabayaran ang gusto mo, sabihin mo lang. Tiyak na gagawin ito ng Morton para sa iyo. "
Ngumisi ni Nell. “Bayad? Sinusubukan mo lang bang tapusin ito gamit ang pera? "
Napilipit ang ekspresyon ni Thomas habang may pahiwatig na alam niyang sila ang may sala.
Sinamaan niya ng tingin si Jason, “Tarantado! Wala kang silbi! Ginawa mo ito, kaya lumayo ka rito at ipaliwanag ang iyong sarili ngayon din! ”
Sumulyap si Jason kay Nell, halatang ayaw niyang kausapin ito, ngunit agad siyang lumakad sa ilalim ng pananakot ng kanyang ama.
“Nell, hindi tayo bagay para sa isa’t isa. I-annul na natin ang engagement! "
Nagulat si Nell.
Tila ba sinaksak nang ilang beses ang kanyang puso. Umaapaw ito sa sakit.
Kahit inaasahan niya ito, hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkabalisa sa sandaling marinig niya ang mga salita. Tila ba may namuong yelo sa kanyang puso.
Napatingin siya sa lalaking nasa harapan niya. Napakunot ang labi niya habang nagsisimulang mamula ang kanyang mga mata.
"Jason Morton, ilang taon na tayo?"
"Anim na taon."
'Anim na taon? Hah!
'Sino ang mag-aakalang sasayangin namin ang anim na taon upang makarating sa ganito?'
Naabutan niya ito kasama ang ibang babae, subalit wala man lang siyang balak na magpaliwanag o kahit man lang humingi ng tawad. Ang sinabi lamang niya ay isang malamig na 'hindi tayo bagay para sa isa’t isa'.
Mukhang may nasira sa kaibuturan ng kanyang puso. Sarkastikong itinaas niya ang kanyang mga labi at sinabi nang walang pag-aatubili, "Sige, payag ako."
Nagulat si Jason, hindi niya inaasahang makakapagdesisyon ito..
Napasimangot ang lalaki at puno ito ng hinala. "Seryoso ka?"
"Pwede nating tapusin ang engagement natin, ngunit gusto kong ibigay saken ng Morton Corporation ang tatlo nitong bagong subsidiaries bilang kapalit!”
"Ano? Nasisiraan ka ba?!"
Napasigaw si Shaun bago pa sumagot sina Thomas at Jason.
Malamig na sinulyapan siya ni Nell. “Hindi pa ganap na magkaugnay ang ating mga pamilya dahil wala pang nagaganap na kasal, pero masyado ka namang mabait sa kanila. Parang may problema yata ang pag-uugali mo? "
"Ikaw!"
"O sige."
Tinaas ni Thomas ang isang kamay at pinatigil si Shaun. Mahinahon siyang tumingin kay Nell.
“Papayag ako sa mga kondisyon mo. Kapag dinala mo sa akin ang kalahati ng kontrata ng kasal, ililipat ko ang mga kompanya sa iyong pangalan. "
"Isa itong kasunduan."
Habang pinapaalis ni Thomas ang abogado, pinandilatan ni Shaun si Nell. Pagkatapos, tinulungan niya at ni Sally si Sylvia Jennings at naglakad na palayo.
Si Nell, Jason, at Celine na lamang ang mga taong natitira sa lugar na iyon.
Ayaw na ni Nell na makisalamuha sa kanila, kaya't tumalikod ito upang umalis habang may malamig na mukha, ngunit biglang tinawag siya ng isang nag-aalalang boses ni Celine.
"Ate!"
Sa susunod na segundo, may humarang sa kanyang daanan.
Napaiyak ang maputlang mukha ni Celine. Hinawakan niya ang braso ni Nell, “Ate, pasensya na. Hindi ko talaga sinasadyang mahulog kay Jason. Sana hindi ka magalit. Kasalanan ko ito. Kung gusto mo akong sigawan o hampasin, gawin mo lang!”