Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 20 Birthday Party

Kinabukasan, sa birthday party ni Celine. 8:00 ng gabi sa Dijue Hotel Kahit kasisimula lamang ng party, halos lahat ng mga bisita ay dumating na. Halos lahat ng mga makapangyarihan at sikat na mga tao sa Jincheng ay nagtipon-tipon sa lugar na iyon at sa ilalim ng magagandang mga chandeliers. Masaya ang paligid at lahat ay nakabihis nang marangya. Nakasuot si Celine Jennings ng isang kulay lila na mahabang damit at may mga embroidery pa ito. Tube naman ang disenyo ng kanyang pang itaas. Ang laylayan naman nito ay abot hanggang paa. Sa patong pa ng mga bulak na nakalatag sa sahig, tila ba mala-anghel ang ganda niya sa gabing iyon. Habang hawak ang isang baso sa kanyang kamay, binati niya ang lahat bisita isa-isa. Ang paraan ng kanyang pananalita ay malambing at kalmado, at ang kanyang asal ay talagang isang perpektong babaeng nagmula sa mataas na pamilya. Maraming papuri ang maririnig mula sa palibot. “Napakaganda talaga ni Ms. Jennings. Bagay lang talaga na maging isa siyang A-list celebrity sa entertainment industry.” “Syempre naman. Hindi lang siya maganda, marunong pa siyang pumili ng lalaki! Hindi naman pwedeng kahit sino lang ang makakaakyat sa lebel ng young master ng Morton.” “Ilang taon pa lang simula nang mag-artista siya pero ganyan na kataas ang kanyang posisyon sa pamamagitan lamang ng kanyang kakayahan. Hindi iyan kayang gawin ng lahat.” “Masasabing ang Jennings ay pinagpala sa pagkakaroon ng ganyang anak. Ngayong may ugnayan na sila sa Morton, mas mahihirapan na tayong labanan ang mga Jennings.” Galak na galak si Celine sa mga bulungan at usapang naririnig niya. Matapos ang lahat, ang makilala ng mga tao ay isang bagay na ipagmamalaki ng lahat. Nakangiti ang lahat mula sa pamilya Jennings. Kahit si Sylvia Walker ay tuwang-tuwa. Lumibot ang kanyang tingin at tinanong niya nang marahan si Shaun, “Dumating na ba si Nell?” Bumulong pabalik si Shaun, “Hindi pa.” Napasimangot nang bahagya si Sylvia. Sumambit si Shaun sa isang mababang boses. “Ma, hindi niya naman siguro tayo tatakasan, hindi ba?” “Hindi iyan mangyayari.” May pag-aalala rin sa mukha ni Sally. “Tumutupad si Nelly ng kanyang pangako. Baka naipit lang siya sa trapik o baka may nangyari? Tawagan ba natin siya para makamusta natin?” Napasinghal si Shaun. “Ano namang mangyayari? Sinabihan na natin siya dalawang araw ang nakararaan. Ano namang gawain ang naiwan niya at gagawin pa lang ngayon?” “Bukod pa roon, hindi naman rush hour ngayon, bakit naman siya maiipit sa trapik? Kung tatanungin mo ako, sinasadya niya lang na huwag magpakita para hindi niya mapahiya ang pamilya Jennings!” Pumuwersa ng ngiti si Sally. “Kapag hindi siya nagpakita, hindi naman siya mapapansin ng ibang bisita. Kaya lang si Mrs. Jones…” Parang nanay na rin ni Nell si Mrs. Jones, ito ang ninang Cathy Morrison. Siya rin ang nagnotaryo nang magpirmahan sa kasal si Jason at Nell dati. Masasabing isang matandang pamilya ang Jones sa Jincheng. Kahit hindi na ganoon kalakas ang kanilang pamilya gaya ng dati, hindi naman ito pwedeng maliitin, lalo na sa sektor ng negosyo. Matapos ang lahat, ang apelyido ni Mrs. Jones sa kanyang kadalagahan ay Garrett, at alam ng lahat sa bansa na ang pamilya Garrett mula sa Kyoto ay isang puwersang hindi dapat labanan. Kahit maraming taon na ang lumipas simula nang maikasal si Mrs. Jones sa isang malayong lugar, may koneksyon pa rin ito sa Kyoto, kaya hindi siya pwedeng kalabanin ng pamilya Jennings. Napasimangot si Sylvia at sinabi sa mababang boses, “Tawagan niyo agad at tanungin kung nasaan siya. Huwag niya kamo akong sisihin kapag naging malupit ako sa kanya!” Agad namang natakot si Shaun at agad na pumayag bago tumawag. Sa pagkakataong iyon, kasama ni Mrs. Jones ang kanyang apo, si Blaine Jones. “Hindi pa ba dumarating si Nell? Sinabi mong kusang nilisan ni Nelly ang kasal na ito, kaya nagpunta ako para tumingin, pero parang nagsisinungaling kayo sa akin.” Namutla ang Jennings. Agad na ngumiti si Sylvia at masayang sinabi, “Paano naman iyan mangyayari? Kahit gusto naming magsinungaling, hindi naman naming iyan gagawin sa iyo. Tinawagan niya lang kami at sinabing naipit siya sa trapik, kaya matagal pa bago siya makarating. Ipapaliwanag niya rin ang lahat pagkarating niya.” Tinignan siyang Mabuti ni Mrs. Jones at napasinghal nang malamig. “Siguraduhin mo lang na totoo iyan. Kapag nalaman kong inaapi niyo si Nell, hindi ko kayo papatawarin. Sigurado naman akong ayaw niyong galitin ang pamilya Jones!” Nanigas ang ngiti ni Sylvia sa mukha bago siya tumango. “Oo naman.” Muling suminghal si Mrs. Jones bago tumalikod. Pagkaalis nito, bumalik si Shaun habang hawak ang kanyang cellphone. Nandilim ang mukha ni Sylvia at nagtanong, “Kumusta? Andito na ba siya?” “Oo. Paakyat na siya ngayon.” Napakalma na rin si Sylvia at huminga nang malalim. “Mabuti naman. Naniniwala akong hindi naman gagawa ng kalokohan ang tangang iyon.” Sa pagkakataong iyon, sa kabilang bahagi. Kakaabot lamang ni Matthew Starks ng isang imbitasyon kay Gideon Leith. “Mr. President, ngayon ang birthday party ng pinakabatang anak ng pamilya Jennings, at naimbitahan po kayo. Gusto niyo po bang pumunta?” Dalawang araw na ang nakararaan nang ipadala ito, subalit abala si Gideon sa ibang bagay, ganoon rin si Matthew, kaya nakalimutan nila ito. Ngayong nagsisimula na ito, bigla itong naalala ni Matthew at agad na binigay kay Gideon. Inangat ni Gideon ang kanyang mga mata mula sa mesa at tinignan ang dalawang pangalan sa imbitasyon. “Pupunta ba siya?” Kahit hindi nagtatanong, alam na ni Matthew kung sino ito Agad siyang tumugon, “Opo. Nakita ko ang pangalan ni Ms. Jennings sa listahan.” Napatigil si Gideon habang nag pumipirma ng isang dokumento at saka tumango. “Kumuha ka ng isang regalo. Aalis na rin tayo.” “Naunawaan ko po.” … Nagpatuloy ang kantahan at sayawan sa birthday party. Ganoon din, hindi na mapakali ang Jennings. Wala ng ibang dahilan kundi hindi pa rin nagpapakita si Nell. Ilang beses na nagpadala ng tao si Mrs. Jones para itanong kung nasaan si Nell, at ang sagot nila lagi ay ‘malapit na siya’. Subalit, matapos ang isang oras, paparating pa rin ito. Nauubos na ang pasensya ni Mrs. Jones at halos pagsuspetsahan na niyang nagsisinungaling ang pamilya Jennings sa kanya. Nang kokomprontahin niya na sana ang mga ito, nakarinig siya ng isang malakas na tunog sa entrance. Napatingin silang lahat doon. Hindi nila mapigilang masorpresa nang makita ang pinagmumulan ng komosyon. Jusmiyo! Sino ang babaeng iyan? Napakaganda niya! Nakasuot si Nell ng isang dark blue starry dress ngayon. Ang mahaba nitong palda ay nagbigay diin sa matangkad at maganda niyang katawan, tila rin nakakalat ang mga ningning ng bituin sa kanyang baywang, kitang kita ang nipis at liit nito. Napakaganda ng kanyang mukha kahit kaunti lang naman ang makeup, ang bahagyang kulot at kulay chestnut nitong buhok ay nakabagsak sa kanyang balikat. Marahan itong naglakad. Sa paglalakad nito mula sa pinto, nakatingin siya sa mga bisita habang malamig ang mga mata. Dahil dito, napaiwas ang mga tao. Ang iilan pa nga sa kanila ay nakaramdam ng kaunting lamig nang makatagpo ang tingin nito. Para bang gusto nilang umatras. Subalit, nakakamangha ang mukha nito, para bang lugi sila kung hindi nila ito titignan. Kahit may ilang natatakot, ayaw pa rin nilang i-alis ang kanilang tingin, umaasang matitigan pa ito ng ilang minuto.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.