Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12 Ang Magiging Mrs. Leith

Lumingon na rin si Gideon at saka tinignan si Nell. Nakasuot ito ng beige na windbreaker at mukha itong malinis at maaliwalas tingnan, subalit may kaunting bakas ng lungkot ang nasa ilalim ng mga mata nito. Lalo pa niya itong tinitigan pero wala na rin siyang sinabi. Sa halip, tumango siya nang bahagya. “Mm, kaunti lang.” Pinilit ni Nell na ngumiti. Ang galing talagang magsinungaling ng mga lalaki. Sa lakas pa lang ng amoy ng alak, paanong kaunti lang ito? Halata namang naparami ang inom niya! Subalit, wala rin naman siyang karapatan na tanungin ito at nakakahiya naman na mag-alala nang sobra para sa kanya, kaya hindi na lamang siya nagsalita. Lumingon si Matthew at tinanong siya ng may ngiti, “Ms. Jennings, saan ka nakatira?’ Sinabi ni Nell ang kanyang address at agad itong nilagay ni Matthew sa navigation device bago tuluyang nagmaneho. Napakatahimik sa loob ng kotse. Nilagay ni Nell ang kanyang kamay sa kanyang hita at saka tumingin na lamang sa bintana. Dahil siguro ito sa dating ng lalaking kasama niya, napakalakas ng presensya nito, kaya hindi mapigilan ni Nell na mapatahimik sa gilid. Tila ba napapatuwid agad ang kanyang gulugod. Tinignan ni Gideon ang matigas na postura ni Nell at napangiti. “Kalalabas mo lang ba sa bahay ng Jennings?” Nagulantang si Nell at agad na sumagot, “Oh, oo.” “Sa pagkakaalam ko, hindi ka madalas pumunta roon. Bakit naisipan mong magtungo ngayon?” Bilang isang babaeng nakasama ang ganitong bigtime na lalaki sa isang gabi, inaasahan na ni Nell na nakalkal na nito ang kanyang mga sikreto, kaya di na rin siya nagulat sa kanyang sitwasyon. Nag-alangan siya at hindi nagbigay ng direktang sagot. “May mga personal na bagay lang akong inaasikaso…” “Personal na bagay?” Napataas ang kilay ni Giden. Tila ba nakasuot ng maliit na ngiti ang gwapo nitong mukha sa ilalim ng madilim na liwanag. Itinapik niya ang kanyang daliri sa bintana. “Akala ko bilang legal na mag-asawa, may Karapatan akong malaman ang mga personal na bagay na ito.” Sinabi niya ito nang may ngiti. Kung ibang tao ito, iisipin ni Nell na nagbibiro siya. Subalit, alam niyang hindi ito gano’n. Kahit nakataas ang dulo ng labi niya upang pumorma ng ngiti, seryoso ang kanyang mga mata. Tila ba binabantaan niya ito— mas magandang sabihin na niya ang totoo kaysa mag-imbestiga pa si Gideon. Hindi na nanlaban si Nell at pinilit na lamang ang sarili. Wala na siyang magagawa kundi sabihin ang nangyari. Sa kanyang puso, tila ba inaabangan rin naman niya ito. Matapos ang lahat, pangalan niya naman ang nakasulat sa pulang notebook na iyon. Tutulungan naman siguro siya nito matapos malaman na naaapi pala siya! Halimbawa, agad nitong pababalikin ang kotse para tulungan siyang magwala sa Jennings villa! Sa hindi inaasahang pagkakataon— “Sa ibang salita, malungkot ka dahil sa g*gong iyon?” Nell Jennings. “???” ’Ano ba, hindi ba parang mali ang punto mo?’ Ngumiti nang malamya si Nell. “Hindi, hindi ako malungkot! Sinong nagsabing malungkot ako?” May pang-aasar sa labi ni Gideon. Kinagat ni Nell ang kanyang labi, at halata namang napapaamin na totoo nga ito. Napunta ang kanyang tingin sa malayo at saka sinambit sa isang mababang boses, “Hindi lang ako nakuntento! Bukod pa sa nawalan ako ng boyfriend nang biglaan, kailangan ko pang sabayan ang landian nila. Iniisip ko pa lang ito at hindi ko na mapigilang malungkot.” Napaisip bigla si Gideon ang makita ang lumbay sa mga mata nito. “Ngayon, anong gagawin mo?” Hindi naman siya naniniwalang papayag na lang si Nell na matapakan ng isang pares ng mga g*go. Tama nga, kita niya agad ang malokong ngiti nito. “Hmm.. May sarili akong mga ideya. Hindi ko sasabihin sa iyo, baka ipagsabi mo pa.” Napataas ang labi ni Gideon at napatigil na siya sa kanyang mga tanong. “Sige. Hihintayin ko na lang ang mangyayari sa plano mo.” Dumating na rin sila sa tinitirhan ni Nell. Nasa isang malapit itong apartment sa sentro ng lungsod at napapalibutan ito ng mga artipisyal na mga halaman. Itinigil n ani Matthew ang kotse at saka lumabas si Nell sabay kaway sa lalaking nasa back seat. “Mr. Leith, salamat sa paghatid. Paalam.” Napatigil si Gideon at saka inayos ang manggas niya sabay angat ng tingin kay Nell. Malakas niyang tugon, “Kailangan mong baguhin ang paraan ng pagtawag mo sa akin, Mrs. Leith.” Napatigil ang buong pagkatao ni Nell habang namumula. Sa gilid ng kanyang mata, nakita niya ang ngiting mapang-asar ni Matthew mula sa driver’s seat saka niya ito inirapan. Sunod, tumugon siya nang seryoso. “Hindi ba sabi mo may tatlong araw ako? Hindi pa naman tapos ah. Bakit ka nagmamadali?” Nag-isip nang saglit si Gideon saka pumayag na lamang. Isa siyang tao na mapagkakatiwalaan para sa kanyang mga binibitawang salita. Ganoon din, isang araw na ang lumipas at dalawa na lamang ang natitira, hindi naman talaga kailangang magmadali. Pagkatapos, tinignan niya ito nang masigla ang mga mata sabay kaway. “Sige. Paalam sa magiging Mrs. Leith ko.” Nell. “…” Umalis na rin ang itim na Rolls-Royce, at saka tumalikod si Nell at nagtungo sa kanyang apartment. Nang buksan niya ang pinto, nakatanggap siya ng isang tawag kay Hannah, ang kanyang assistant, sinasabi nitong nakatanggap siya ng isang email mula kay President Morton tungkol sa isang emergency meeting na magaganap bukas ng umaga. Kasama rito ang buong top management kaya pinaalalahanan rin siya nitong huwag mahuhuli. Umoo si Nell at saka ibinaba ang tawag bago niya buksan ang kanyang mailbox. Nakita niya ang email ni Jason Morton. Ang pagbebenta ng mga erotikong produktong ay isang sideline lamang para sa kanya. Public relations manager ng entertainment company talaga ang trabaho niya sa ilalim ng Morton Corporation. Ito ang kompanyang unang pinaasikaso ni Thomas Morton kay Jason. Nasa isang napakapangit na sitwasyon ng nito noon, at kaya niya ito ginawa upang subukin ang anak niya. Napakabigat ng ganitong trabaho kay Jason, kaya tinulungan siya ni Nell sa maraming bagay. Ang mga pamamaraan niya ay ikinatuwa nang lubos ni Jason. Ganoon din, nang makabalik siya sa bansa, nawala ang gusto niyang posisyon at siya ang napuna sa PR department ng kompanya. Mula noon, hindi nagkaroon ng problema ang Fenghua Entertainment bilang isang management company. Kahit sa ilalim ng malupit at matinding kompetisyon ng kasalukuyang industriya, iba pa rin ang mga parangal na natamo nito. Sa loob lamang ng dalawang taon, mula sa pagiging maliit na kompanyang halos pasar ana, naging isa itong malaking media company na walang kalaban maliban na lamang sa Anning International. Hindi naman siya isang henyo at hindi niya pa rin nadaanan ang mga ganitong bagay. Ang dahilan kung bakit naging matagumpay siya rito ay dahil sa mahahabang gabing walang tulog at pag-iisip. Sa totoo lang, dahil ito kay Jason. Kay Jason ang kompanyang ito. Subalit, hindi isinapubliko ng lalaki ang relasyon nila. Noon, inisip niya lang na baka ayaw nitong makaapekto ang kanilang relasyon sa trabaho, kaya tahimik siyang nakiisa at hindi na nagsabi ng kahit ano pa. Kaya bukod sa kanyang best friend, si Janet Hancock, walang nakakaalam na nagtatrabaho siya sa Morton Corporation. Ngayong muli niya itong naiisip, ang dahilan pala talaga kung bakit ayaw nitong sabihin na sila ay dahil gusto nitong makahanap agad ng daan palabas sakaling may mangyari. Kung talagang mahal ka ba ng isang lalaki o hindi ay makikita mo talaga sa mga ganitong sitwasyon. Malamig na namang napangiti si Nell. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpadala ng isang mensahe kay Thomas Morton bago niya ito itinabi at nagtungo sa banyo. Pagkatapos niyang maligo, nakatanggap na siya ng isang reply mula rito. “Hinanda ko na ang gusto mo, pumunta ka rito ng 10:00 ng umaga. Agad ang epekto nito matapos mong pumirma.” Agad siyang nag-type ng kanyang sasabihin gamit ang kanyang magagandang daliri. “Sige po. Salamat, Uncle Thomas.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.