Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 20

Screek! May nakakabinging ingay ng mga brake. Dumaan ang itim na Maserati sa amusement park sa special passageway. Bumukas ang pinto ng kotse at may matangkad na lalaki na lumabas ng mabilis. “Bayaw—!" ang luhaan na Aura ay tumakbo patungo kay Joshua nung lumabas siya at pumunta siya sa mga braso ni nito. “Anong gagawin ko? Nasa loob si Nellie! Kasalanan ko ang lahat!” “Hindi ko dapat hinayaan na dalhin ng katulong na ‘yun si Nellie sa taas! Sinabi ko na sa kanila na delikado sa Ferris Wheel, pero hindi pa rin nakinig sa akin ‘yung katulong. Para matuwa si Nellie, sinundan niya ang hiling niya.” Nalilito si Joshua, hindi niya alam kung totoo ang mga sinasabi ni Aura. “Gaano katagal na silang nasa taas?” “Sampung minuto na.” pinunasan ni Aura ang kanyang mga luha, sa sobrang lungkot niya ay tila naghihingalo siya. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Nellie! Kung nalaman ko lang na mapupunta siya sa panganib, ako na lang sana ang kasama niya kahit na masama ang pakiramdam ko! Kung ako sana ang kasama ni Nellie, hindi sana ako magiging guilty…” “Tama na.” kumunot ang noo ni Joshua at nairita siya sa pag iyak ni Aura. “Hindi pa ba ito inayos ng staff sa amusement park?” “Inaayos na nila simula pa nung nangyari ‘ang aksidente, pero hindi nila alam kung ano ang problema…” tumuro si Aura sa maintenance staff sa ilalim ng Ferris Wheel. “Paano nangyari ‘to…” Tumingala si Joshua at napansin niya ang nag iisang car na walang pinto ay nakatabingi. Lalong humigpit ang mga noo ni Joshua. Sa ganitong matarik na anggulo, ang mga tao sa loob ay hindi makakatagal. Habang iniisip na nasa loob pa rin nito si Nellie, lumubog ang puso ng lalaki sa kanyang tiyan. Kahit na hindi pa matagal ang pagsasama nila, alam niya na mahinang bata lang si Nellie. Paano niya matitiis ang ganitong paghihirap? Napuno ng alala at pagkabalisa ang mga mata ng lalaki. “Lucas.” tinanggal niya ang kanyang jacket at hinagis niya ito sa sahig. “Aakyat ako. Pumunta ka sa control room at tingnan mo ang nangyayari.” Lumaki ang mga mata ni Aura sa gulat. “Joshua, ikaw… Aakyat ka sa taas?” Naghintay ng matagal si Aura, at ngayon ay nasa taas pa rin sila pati aakyat si Joshua? Hindi dapat mangyari ‘to! Nagmadali si Aura at hinawakan niya ang braso ni Joshua. “Joshua, masyadong delikado. Hayaan mo na sa mga propesyonal ang ganitong mga bagay. ‘Wag na tayong sumugal.” Lumingon si Joshua at tumingin siya ng malamig sa mukha ni Aura. “Minsan nang nawala sa akin si Luna.” Nasa South City si Joshua noong noong naaksidente si Luna. Nalampasan niya na ang huling pagkakataon niya. Binigyan siya ng Diyos ng isa pang pagkakataon sa pagtanggap niya kay Nellie, kaya’t bakit siya tatayo lang at walang gagawin? Habang iniisip ito, hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkahawak ni Aura at naglakad siya sa direksyon ng Ferris Wheel. “Joshua!” Tumayo si Aura habang pinapanood ang lalaking palayo, pumadyak siya sa kanyang galit. Pumunta sa ilalim ng Ferris Wheel ang matangkad na lalaki, at pagkatapos ipaliwanag ang kanyang intensyon sa staff, sinuot niya ang kanyang safety harness at nagsimula na siyang umakyat patungo sa pinakamataas na car. Habang pinapanood sa malayo, nakatitig si Aura sa likod ni Joshua habang kinagat niya ang kanyang labi. “Ms. Gibson.” ang bodyguard sa tabi niya ay napagtanto na seryoso na ang mga bagay. “Dapat… na po ba tayong sumuko?” Lumingon ang babae at tumingin siya ng malamig. “Sa tingin mo ba ay pwede tayong sumuko?” Walang palya sa plano niya. Hindi lang niya inaasahan na kakapit ng ganito katagal sina Luna at Nellie! Wala na ang pinto ng Ferris Wheel car, at nakatabingi ito. Ang kahit sinong normal na tao ay mapapagod na tumayo sa ganyang anggulo ng wala pang sampung minuto! Paano nila kinayang kumapit ng ganito katagal? “Hindi natin sila hahayaang bumaba sila...” humigpit ang mga kamay ni Aura sa kanyang gilid. “Hindi natin sila hahayaang bumaba sila!” Tinulak niya na ang lahat ng sisi kay Luna sa harap ni Joshua, at hindi niya hahayaan na mauwi ito sa ganito! Kahit na mismong umakyat si Joshua para iligtas sila, hindi hahayaan ni Aura na bumaba sila dahil lang nag aalala siya kay Joshua! “Sabihin mo sa kanila,” huminga ng malalim ang babae. “Ayusin lang nila kapag nahulog na sila.” Baka bumitaw na sila sa mga susunod na segundo! ... Sa loob ng master control room, nakaupo si Neil sa harap ng computer at inaral niya ang code symbols na tumatakbo sa computer. “Nigel, nakuha mo na ba?” ang tanong niya habang nag aalala. Kahit na kaya niyang pasukin ang maraming simpleng firewalls, umaasa pa rin siya kay Nigel kapag may naharap siyang bagay na masyadong teknikal. “Malapit na.” kalmado lang ang boses ni Nigel sa kabilang linya ng phone. “Na-decipher na ang system, pero wala pa akong karanasan sa control ng amusement park facilities dati. Naghahanap ako ng paraan.” Sa malayong hospital ward sa kabilang dulo ng karagatan, may batang lalaki na nakaupo sa kama ng hospital at nagbabasa ng isang guide book, nakatingin siya kila Luna at Nellie sa sulok ng mga mata niya. Kahit na malabo, nakita niya ang isang matapang na lalaki na umakyat sa metal frame ng Ferris Wheel. Matangkad at matino ang itsura ng lalaki, nakasuot ng black pants at white shirt. Hindi siya mukhang propesyonal, ngunit mabilis ang kilos niya. Sa mga sandaling ito, malapit na siya sa car kung saan nakakulong sila Luna at Nellie. “Neil.” sumimangot ang batang lalaki. “Sino ang lalaking ‘yun?” Tumingin si Neil sa screen ng surveillance camera at malamig siyang suminghal, “Siya ang loko nating tatay.” Tinikom ni Nigel ang manipis niyang mga labi. Siya …ang tatay niya? Natatakot na baka naabala si Nigel, pinaalala ni Neil, “Nigel, ‘wag mo siyang pansinin at dalian mo na, okay?” “Okay.” Bumalik ang pokus ni Nigel, nag type siya ng mga command, at kinontrol niya ang Ferris Wheel. Mabagal na bumalik ang anggulo ng car sa dati. Sa loob ng car, gumaan na ang pakiramdam ni Luna at nakahinga na siya ng maluwag. “Nellie, tingnan mo! Hindi tayo malalaglag.” sabik niyang niyakap ang maliit na katawan ni Nellie. Hindi kumilos ang maliit na bata sa kanyang mga kamay. May masamang kutob na namuo sa kanyang dibdib...

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.