Kabanata 5 Siya ay Napili
Naku, napansin niya ba?!
Dali-daling iniyuko ni Yvonne ang kanyang ulo habang nakikipagtalo sa sarili tungkol sa pagtatago. Gayunpaman, mabilis na napalingon si Henry at tila hindi siya napansin.
Phew. Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na lang at hindi siya nito napansin.
"Tingnan niyo, Mr. Lancaster. Ito ang lahat ng mga empleyado ng kumpanyang ito. Inaasahan talaga namin ang iyong pagdating.” Mabilis na lumapit ang isang executive para ma-flatter si Henry.
Malamig na kinilala ni Henry ang pagsipsip ng lalaki at pinangunahan ang isang grupo ng mga executive sa likuran niya sa elevator, na hindi nagpapakita ng interes sa mababaw na kasanayan ng lalaking dikit nang dikit.
Habang nakasara ang pinto ng elevator, narinig ni Yvonne ang lahat sa paligid niya na naguusap sa mahinang boses. Karamihan sa mga tao ay hinahangaan si Henry sa kanyang hitsura at ugali.
Ang mga salitang tulad ng 'makisig', 'gwapo', 'marangal', at 'matangkad' ay tila ginawa para sa kanya.
Hindi mapigilan ni Yvonne na marinig ang tsismis. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang puso na mabilis pa rin ang tibok at gusto na niyang umalis agad, pero nahuli siya ng sobrang nasasabik na si Lynette. “Yvonne, nakita mo yun?! Napakagwapo ng bagong CEO! Bigla ko tuloy gustong magstay sa kumpanyang ito forever! Ay naku, sobrang gwapo niya!"
"W-Well...Siyempre."
Sinubukan ni Yvonne ang lahat para mapakalma ang sarili, pero maging ang mga labi niya ay nanginginig ng bahagya.
Siya sa dinami-dami ng mga tao ang talagang may alam kung gaano kagwapo si Henry Lancaster.
Hindi niya makakalimutan ang una niyang pagsulyap sa lalaki.
Noon, si Yvonne ay isang hindi gaanong mahalagang tao na laging nahuhumaling sa paglapit kay Henry Lancaster.
Nang mabalitaan niya na ang pamilya Lancaster ay pumipili ng angkop na asawa para kay Henry, binuo niya ang kanyang lakas ng loob at nagpunta sa interview. Matapos ibigay ang lahat ng mayroon siya, sa wakas ay naging asawa siya nito ayon sa nais niya.
Pero nagsimula na namang sumakit ang kanyang puso nang maalala niya ang pagtingin sa kanya ni Henry na tulad ng pagtingin niya sa isang estranghero at sinabi rin ni Henry sa kanya na ayaw niya ng anak kanina lang nung nasa kotse sila.
Hindi ba niya gustong magka-anak...o sadyang hindi niya gusto na ng anak kay Yvonne?
Bumuntong hininga si Yvonne, alam na alam niyang walang balak si Henry na isiwalat ang kanilang kasal sa ibang tao. Dahil hindi kailanman nabanggit ito ni Henry sa publiko, hindi rin naglakas-loob si Yvonne na sabihin sa kahit kanino ang tungkol dito.
Marahil, ito na talaga ang kanilang pagsasama...
......
Ang top management ng kumpanya ay mabilis na inayos ang opisina ng CEO at nagsagawa agad ng executive meeting sa parehong araw.
Pinagkuskos ng dating executive ang kanyang mga kamay at tinanong, “Mr. Lancaster, dahil ito po unang araw niyo sa aming kumpanya, gusto mo bang mag-appoint ng isang bagong secretary para mabilis niyong maunawaan kung paano tumatakbo ang mga bagay sa kumpanya?"
Habang sinasabi iyon, ang kanyang makahulugang titig ay napunta sa maraming mukhang bata at magagandang babaeng secretary.
Malinaw na sinusubukan ng lalaki na gumamit ng mga kababaihan para masiyahan ang CEO!
Nakatayo si Yvonne na nanonood sa gilid at natural na naintindihan ang hangarin ng executive.
Wala itong pinagkaiba sa pagpapakilala ng mga kababaihan kay Henry.
Mas lalo siyang nairita na tila walang balak si Henry na tanggihan ang mungkahi ng lalaki!
"Good suggestion, Mr. Hendrickson." Huminto si Henry sa kanyang paglalakad at tumingin sa likod.
Walang masyadong emosyon sa kanyang mukha, pero nagawa pa rin niyang pakiligin ang naghihintay na mga babaeng secretary. Lahat sila ay nahihiyang nakatingin sa kanya, umaasang siya ang mapili.
"Siya."
Itinaas ni Henry ang kanyang baba, na para bang random ang pagpili.
Isang ngiti ang agad na namukadkad sa mukha ng secretary na nakatayo doon habang siya ay humakbang paabante at namumula ang pisngi.
"Oh, may matalas na mga mata kayo, Mr. Lancaster! Si Miss Shea ay maaaring isang bagong empleyado na nagsimula nang magtrabaho dito ngayong taon, pero ang kanyang pagganap sa trabaho ay napakahusay." Sinamantala ni Mr. Hendrickson ang pagkakataon na muling sumipsip.
Sumimangot si Henry sa kanya. "Tinutukoy ko ‘yung taong nakatayo sa tabi niya."
"Sa tabi niya?"
Nagulat si Mr. Hendrickson at nakita niya si Yvonne na nagtatangkang tumakas at ibinaba ang ulo.
Dahil ayaw ni Henry na ibunyag ang kanilang relasyon, natural na igagalang ni Yvonne ang kanyang hangarin. Gayunpaman, hindi niya inaasahan ang lahat ng mga mata ay biglang mahuhulog sa kanya.
"Umm...Mr. Lancaster, si Yvonne Frey ang tinutukoy niyo?" Si Mr. Hendrickson ay nagulat nang hindi makapaniwala.
"Ako?" Napailing si Yvonne sa gulat. Lahat ng tao sa pasilyo ay tumingin sa kanya.
Ang ilan ay nagulat, ang ilan ay tila nag-iisip, at ang ilan ay tumingin pa sa kanya ng may pagkainis!
Kahit si Lynette na nakatayo sa tabi niya ay hindi inaasahan ang bagong CEO na pipiliin ang kanyang kaibigan sa isang sulyap lamang!
"Yvonne!" Mariing hinawakan ni Lynette ang kamay niya saka bumulong, “Pinili ka ni Mr. Lancaster! Narinig mo ba yun? Pinili ka talaga niya! "
"Narinig ko yun." Hinila ni Yvonne ang kamay niya sa sakit. Hindi siya bingi, kaya syempre narinig niya.
"Mr. Lancaster, sigurado ka bang gusto mong maging secretary mo si Yvonne Frey?"
Mariing tinanong ulit ni Mr. Hendrickson ang parehong tanong at may hitsura ng hindi makapaniwala sa kanyang mukha.
Matagal na siyang nagtatrabaho sa kumpanya, kaya halatang kilalang kilala niya si Yvonne Frey. Siya ay isang ‘di katalinuhang babae. Bakit siya ang napinili ni Mr. Lancaster para maging secretary?