Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3 Ang Bagong CEO ng Kumpanya

"Wala akong planong magka-anak." Sa pag-aabang ni Yvonne, dahan-dahang bumuka ang bibig ng lalaking nasa harapan niya, at saka binasag ang lahat ng kanyang pantasya sa malalim at malamig na tinig nito. "Ha?" Si Yvonne ay nalilito nung una, pero mabilis niyang naiintindihan ang sitwasyon. Ang kanyang walang malasakit na tono...ay nakakasakit sa tenga ni Yvonne. "Ah okay, naiintindihan ko." Sinubukan niya ang kanyang makakaya para mag-walang bahala. "Iinom ako ng morning-after pill." "May iba ka pa bang sasabihin sa’kin?" Maingat na tinanong ni Yvonne na may maingat na ngiti sa labi. "Wala na." Tinapik ni Henry ang kanyang mga daliri sa manibela, mukhang sabay na nasiyahan at hindi komportable sa kanyang tugon. Pinakasalan niya lamang si Yvonne Frey dahil hindi siya mapagbalak na babae tulad ng ibang mga kababaihan doon na tila palaging nagsisikap na maanakan niya para magkaroon sila ng dahilan para manatili sa kanyang tabi. Bakit nga ba hindi naisip ni Yvonne iyon? Dahil ba sa wala itong pakialam sa kanya? Sumimangot si Henry, pero biglang napagtanto na ang kanyang opinyon ay masyadong biased. Bakit niya ba dapat isipin ang damdamin ng babaeng ito? Kung hindi lang para sa pagkuha ng mag-mamatch na bone marrow, ni hindi niya naisip ang babaeng ito. Noon pa man, sila ay mga tao na mula sa dalawang magkakaibang mundo. Tinikom ni Henry ang manipis niyang labi at tumingon sa dalisay na mukha ng babaeng nasa tabi niya. Hindi lamang niya magawang magtanong tungkol sa bone marrow niya. Pinigilan niya ang pagkairita sa kanyang puso, pagkatapos ay malamig na nagsalita. "Wala yun. Pwede ka nang pumasok sa trabaho ngayon. " "O sige..." Bago pa man matapos ang pagsasalita ni Yvonne ay umandar na ang kotseng nasa harap niya at mabilis na nawala sa paningin. Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok na ginulo ng hangin habang iniisip ang pagkabigo at unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya. Kung hindi siya napili ng lolo ni Henry, hindi siya ikakasal kay Henry tatlong taon na ang nakakalipas at para maging Mrs. Lancaster. Tapos na ang kasal at nag-sex na sila. Pwede niya nang isipin na nagwagi siya sa buhay kapag maaalala ang karanasan na mayroon siya sa taong pinangarap niya, ‘di ba? Dapat matuto siyang maging kontento sa halip na maging sakim! Mabilis na inayos ni Yvonne ang sarili na may kasamang pagpapalakas ng loob. Gayunpaman, ang oras sa kanyang relo ay ikinagulat nanaman niya! "Ay naku, malelate ako!" Hindi nangahas na magtagal pa, tumakbo siya sa kanyang pinagtatrabahuhan nang mabilis hangga't kaya niya habang dala ang handbag niya - iniwasan niyang mabangga ang ibang mga empleyado sa harap niya. Sa wakas, sa huling minuto, matagumpay siyang nakapag-clock in para sa trabaho! Phew, nagawa niya! "Ha?" Pagtingin sa itaas, napansin ni Yvonne na ang kanyang mga kasamahan ay kakaiba ang pagkilos sa paligid niya. Tila may pinag-uusapan sila at nagbubulung-bulungan. Bumalik siya sa opisina at tahimik na lumapit sa kanyang malapit na kaibigan. “Lyn, anong pinag-uusapan nila? Bakit walang nagtatrabaho?" bulong niya. "Sino namang nasa mood magtrabaho ngayon!" Ang kanyang malapit na kaibigan, si Lynette Yaeger, ay sumandal sa kanya. "Hindi mo ba narinig? ‘Yung mga shareholder nagkaroon ng pagbagsak! ‘Yung isa sa kanila kumuha ng pera ng kumpanya at nagpunta sa ibang bansa ng parehong gabi. Walang nakahabol sa kanya!" "’Yung ibang mga shareholder ay walang choice kundi ibenta ang lahat ng shares nila. May isang bagong CEO na kukuha sa soon. Walang nakakaalam kung pwede pa tayong magpatuloy sa pagtatrabaho dito! Kaya walang nasa mood na magtrabaho sa panahong ‘to." "Naibenta na ‘tong kumpanya?!" Nagulat si Yvonne. Matapos pag-isipan ito, may naramdaman siyang kakaiba. "Wala namang sense ‘yun. Kahit na naibenta ang kumpanya, ‘yung bagong CEO kailangan pa rin ng mga tao na magtatrabaho para sa kanya." Medyo hindi mapalagay si Yvonne sa naisip. Kung sabagay, ito lang ang trabahong mayroon siya. Mayayari siya kung mawalan siya ng trabaho! "Wala rin akong alam eh." Bumuntong hininga si Lynette. "Depende ata sa desisyon ng bagong CEO. Empleyado lang tayo dito. Hindi naman natin siya pwedeng kalabanin." "Ano pa ang ginagawa ninyong dalawa dito?" Nagmamadali namang dumating ang manager ng human resource. "Hindi niyo ba nakita na lahat ay lumabas para batiin ang bagong CEO? Dapat kayong dalawa din andun ngayon!" Noon lamang napagtanto ni Yvonne na sila nalang ang natira sa opisina. "Opo!" Ibinaba niya ang kanyang handbag, pagkatapos ay hinila si Lynette habang nagmamadali silang pumunta sa lobby. Tulad ng kasabihan, ang isang bagong walis ay maraming nililinis. Kung malelate sila, baka isipin ng CEO na ‘di sila mahalaga at masisante pa!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.