Kabanata 20 Self-Reflection
Ibinigay sa kanya ni Lynette ang tingin patagilid. "Hindi mo itatago kung wala lang! May something fishy ha! Patingin ako!"
"Wag!" Umiling si Yvonne.
Hindi siya pinansin ni Lynette at inagaw ang papel sa desk. "Self reflection?"
Kinuskos ni Yvonne ang leeg niya.
"Anong nangyayari dito? Bakit ka nagsusulat ng self reflection report?"
"Eh kasi..."
Dahil nabuking na rin, walang katuturan para itago ito ni Yvonne kaya sinabi niya kay Lynette ang lahat.
Tiningnan siya ni Lynette na may paghanga at binigyan siya ng thumbs up. “Ayos ka rin eh! Ngayon ka lang nahire bilang isang assistant at nahuli ka sa pagtulog sa trabaho ni Mr. Lancaster! Masuwerte ka na hindi ka niya sinisante kaagad. SIge na nga magsulat ka muna diyan, bababa na ako ngayon."
Nag-aalala na mahuli siya na tumatambay dito, ibinalik ni Lynette ang papel kay Yvonne at mabilis na bumalik sa kanyang opisina.
Napabuntong hininga, hinimas ni Yvonne ang mga kunot sa papel bago kinuha ang kanyang panulat at nagpatuloy sa pagsusulat. Nang matapos siya, sinuri niya ang ulat bago isumite ito kay Henry.
"Mr. Lancaster, tapos na ako sa self reflection report. " Nakatayo si Yvonne sa harap ng mesa ng lalaki at isinumite ang ulat gamit ang parehong mga kamay.
"Iwanan mo sa desk ko." Ni hindi siya tiningnan ni Henry at pinagpatuloy ang pag-apruba ng mga dokumento sa kanyang kamay.
Kinilala ni Yvonne ang kanyang tagubilin at inilagay ang ulat sa kanyang mesa. Humakbang siya pabalik saka tinitigan si Henry mula sa malayo.
Naka-black shirt lang siya na wala ang coat at necktie niya. Ang dalawang mga butones sa kanyang kwelyo ay naiwang hindi nakakabit at ang kanyang manggas ay nakabilot, naiwan ang isang maliit na parte ng kanyang tansong dibdib at malakas na braso nakalantad. Hindi mapigilan ng imahinasyon ni Yvonne na maging mapusok.
Kahit ngayon, nahirapan pa rin siyang maniwala na ang gayong perpekto at seksing lalaki ay talagang asawa niya sa loob ng tatlong taon.
Sa wakas ay naramdaman ni Henry ang nagbabaga na tingin sa kanya ni Yvonne. Inangat niya ang kanyang ulo at sinalubong siya ng nakakalokong ngisi sa mukha nito.
"Bakit ka nakatayo ka rito?" Isang bakas ng pagkasuklam ang sumilaw sa mga mata ni Henry.
Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang ikasal si Yvonne sa pamilyang Lancaster. Gayunpaman, siya ay tampalasan pa rin at hindi lumaki bilang isang indibidwal.
Bumalik sa katinuan si Yvonne nang marinig ang bahagyang walang pasensya na tinig ni Henry, at mabilis na inayos ang ekspresyon ng mukha nito. "Sorry, aalis na ako ngayon."
Tumalikod siya at naglakad papunta sa pintuan.
"Teka!" Tumawag sa kanya ang lalaki mula sa likuran.
Inikot ni Yvonne ang ulo niya sa pagkalito. "Mayroon ka pang ibang kailangan, Mr. Lancaster?"
Ibinaba ni Henry ang kanyang tingin at tahimik na sinabi, “Pumunta tayo sa ospital sa ibang araw. Gagawa tayo ng isang buong physical exam sa iyo."
"Physical exam?" Napakurap siya ng may pagtataka. "Pero nasa ospital lang ako nung..."
"Makinig ka na lang sakin!" Naging maasim ang mukha ni Henry habang lumalakas ang kanyang boses.
Dapat niyang suriin ang kanyang kondisyong pisikal para matiyak na walang mangyayari pagkatapos niyang ibigay ang bone marrow niya.
Alam na nagalit si Henry, ibinaba ni Yvonne ang kanyang ulo at tinanggap ito nang walang ibang salita. "Sige. Naiintindihan ko."
Medyo lumambot ng konti ang ekspresyon ng mukha ni Henry. "May gagawin ako ngayong hapon, kaya umuwi ka mag-isa mamaya."
"Babalik ka ba sa villa ngayong gabi?"
Sumimangot si Henry at hindi siya sinagot.
Sa pag-iisip na marahil ay hindi siya babalik mamayang gabi, sinubukan ni Yvonne nang buong makakaya para maitago ang pagkabigo sa kanyang mukha. "Aalis na ako ngayon."
"Oo," mahinang tugon ni Henry.
Nung hapon, napagkaisahan ng iba pang mga assistant si Yvonne at binigyan siya ng isang mataas na tumpok ng accounting data mula sa nakaraang ilang taon para ayusin.
Kahit na siya ay galit, pinigilan niya ang kanyang damdamin at tinanggap ang trabaho para mas mabilis na maging pamilyar sa mga tungkulin ng isang assistant, at natapos siya ay gabi na.
Sa oras na siya ay bumalik sa villa, alas nuwebe na ng gabi.
Napakatahimik ng villa. Wala rin sa paningin si Sue.
Naalala lamang ni Yvonne na ang kasambahay ay umuwi na nang makita ang paalala ng pagbabakasyon ni Sue na naiwan sa mesa ng kape sa sala.
"Mukhang sobrang busy ko sa trabaho nawala sa isip ko ah." Napakamot siya ng ulo at bumulong sa sarili, saka inikot ang manggas niya at pumunta sa kusina para maghanda ng pagkain.
Medyo huli na, kaya't nagpasya siyang gumawa lamang ng isang mangkok ng noodles dahil wala siya sa kalagayan na gumawa ng anumang kumplikado.
Naaamoy ni Henry ang aroma ng pagkain na nagmumula sa kusina kaagad na siya ay pumasok sa villa, at agad na gumulong ang kanyang tiyan.
Sino ang nagluluto pa kahit gabi na?