Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 171 Susunduin Mo Ba Ako

"Magre-resign na ko," mahinang sabi ni Yvonne habang pinapanood ang mga dumadaang mga sasakyan. "Resign?" Nagulat si Sue. "Oo." Tumango si Yvonne. "Hindi na kaya ng katawan ko magtrabaho." Napabuntong hininga si Sue habang tinitingnan ang katawan ni Yvonne na parang bibigay na ano mang oras, "Tama ka. Pumunta muna tayo sa opisina. Gusto mo bang tawagan mo muna si Sir bago ka pumunta?" "Ayaw ko." Sagot ni Yvonne. Hindi na siya pinilit pa ni Sue at marahang binuksan ang pinto ng sasakyan para sakanya. "Madam, mauna na ho kayong sumakay.” "Sige." Sagot ni Yvonne bago sumakay. Hindi nagtagal, nakarating din sila sa opisina. Halos isang buwan din nawala si Yvonne. Nakatayo siya sa main entrance habang pinagmamasdan ang opisina, para bang naninibago na siya sa lugar na ito. "Madam?" Dalawang beses nagwagayway ng kamay si Sue sa harap ni Yvonne na nakatulala. "Anong iniisip mo?" "Wala naman." Iniiwas ni Yvonne ang kanyang tingin at pumasok sa opisina.

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.