Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Buhay IslaBuhay Isla
Ayoko: Webfic

Kabanata 9

Napakadelikado na mapadpad sa isang disyertong isla nang mag-isa sa gabi. Maraming ahas at insekto sa islang ito, marami sa mga ito ay makamandag. Ang isang kagat mula sa kanila ay maaaring nakamamatay. Bukod sa mga hayop, may mas matinding alalahanin. Ito ay walang iba kundi ang pagkain. Mahirap maghanap ng pagkain sa gabi. Maaaring mapagod ang isa at tuluyang mahimatay. Tumingala si Ryan sa langit at napansin niyang papalubog na ang araw. Kapag ang araw ay ganap na nawala sa abot-tanaw, mauuwi din siya sa panganib. Dapat na ba siyang umalis? Habang nag-aalinlangan si Ryan, isang daing ang umalingagaw mula sa bangin sa ibaba. “Aray! Nabali ba ang binti ko?” Ang tunog ay gumising kay Ryan mula sa kanyang pag-iisip. Maingat niyang pinag-isipan. Habang si Sherry ay maaaring hindi ang pinakamahusay na tao, hindi naman ito malisyosa. Kung tutuusin, siya ay isang walang muwang na dalaga na may pagkahilig sa simpatiya at malabong pakiramdam ng tama at mali. Bukod doon, wala siyang ginawang masama sa lalaki. Kung iiwan niyang mag-isa si Sherry dito, tiyak na mamamatay ito. At saka, noong unang dumating si Ryan sa isla, si Sherry ang tumulong sa kanyang hilahin siya mula sadagat. Sa pag-iisip nito, ibinasura ni Ryan ang ideya na lumayo at iwan si Sherry mag-isa. Sa sandaling iyon, nagkamalay din si Sherry mula sa ibaba sa bangin. “Ryan, andyan ka pa ba? Ryan? Hindi ka naman umalis diba? “Gago ka. Naglakas-loob ka talagang iwan ako? Takot na takot ako. Mamamatay na ba ako? Ayokong mamatay.” Nang magsimulang umiyak si Sherry, nagsalita si Ryan, “Bakit ka umiiyak? Andito pa rin ako.” “Hindi ka umalis?” Malumanay na sabi ni Ryan, “Hindi lang ako nandito, pero narinig ko rin na tinatawag mo akong gago.” “Uh...” medyo nakaramdam ng hiya si Sherry. Mabilis siyang sumigaw, “Buti naman at hindi ka umalis. Bilisan mo at iligtas mo ako. Ayoko nang tumagal sa lugar na ito!” Sa mabilis na pagdilim ng langit, hindi nag-aksaya ng oras si Ryan. Agad siyang naghanap ng paraan para iligtas si Sherry. Noong una, gusto ni Ryan na humiga sa siwang at gamitin ang kanyang mga kamay para hilahin si Sherry pataas. Ngunit mabilis niyang napagtanto na ang pamamaraang ito ay hindi gagana. Masyadong madulas ang siwang dahil sa talon. Madali siyang mahuhulog. Bukod dito, nasugatan ang binti ni Sherry nang mahulog ito. Hindi na nga ito makatayo nang maayos, paano pa kaya kung aabutin ang kamay ni Ryan. Pagkatapos ng ilang pagtatangka, matamlay na bumagsak si Sherry sa lupa. Bakas sa boses niya ang kawalan ng pag-asa habang nagsasalita. “Anong gagawin natin? Dito na ba ako mamamatay?” “Umupo ka at tipirin mo ang lakas mo. Uminom ka ng tubig. Titingnan ko kung may ibang paraan.” Pagkasabi nun, tumakbo si Ryan sa malapit na kakahuyan. Umakyat siya sa isang puno ng kahoy at ginamit ang kanyang paa para putulin ang pinakamahabang sanga na makikita niya. Pagkatapos, kinaladkad niya ito pabalik sa talon bago ibinaba ang isang dulo ng sanga. “Sherry, humawak ka sa sanga at kumapit ka nang mahigpit. Hihilahin kita pataas.” Ibinaba niya ang sanga, at maya-maya, may tugon mula sa ibaba. Hinawakan ni Sherry ang sanga at sumigaw. Tumayo si Ryan sa itaas ng bangin at nagsimulang humila pataas. Ang pamamaraang ito ay tila medyo epektibo. Pinagmasdan ni Ryan habang dahan-dahang hinila pataas si Sherry, at bahagyang lumaki ang kanyang kumpiyansa. Gayunpaman, nang nagiging maayos na ang mga bagay-bagay, ang sanga ay biglang gumawa ng nababaling tunog. Napabalikwas agad ng kaunti si Sherry! Gulat na bulalas ni Sherry na may nanginginig ang boses, “Anong nangyayari, Ryan? Masisira ba ang sanga?” Pinagmasdan ni Ryan ang sitwasyon at napansin niyang nabali nga ang sanga. Buti na lang at malapit sa banda niya ang bali. Kaya naman, lumakad siya ng ilang hakbang at patuloy na hinila si Sherry pataas. Hihilahin na sana si Sherry, ang sanga ay muling gumawa ng kaluskos! Likas na tumugon si Ryan at humakbang pasulong. Biglang nadulas ang mga paa niya. Sa sumunod na sandali, umiikot na ang lahat. “Bwiset!” “Aray!” Isang kalabog ang umalingawngaw. Nang muling imulat ni Ryan ang kanyang mga mata, napagtanto niyang nahulog din siya sa bangin. Isang matinding sakit ang bumalot sa kanyang puwitan. Habang hinahaplos ito, tumayo siya. Tumingin siya sa paligid at napagtanto niyang nahulog siya sa bangin kasama ang sanga. Lumingon si Ryan at sinalubong ang tingin ni Sherry. “Nahulog ka din...” sabi ni Sherry na may nanginginig na boses. “Oo.” Nakaramdam ng pananakit ng ulo, hinimas ni Ryan ang kanyang noo. Napalunok si Sherry. “Kung hindi ako nagkakamali, maliban na lang kung may makakahanap sa atin, hindi na tayo makakaalis dito.” “Oo nga ehh. May sinabihan ka ba tungkol sa tubig dito?” “Wala.” Pareho silang nanigas. Saglit na namayani ang nakakatakot na katahimikan sa bangin. Mamamatay ba sila dito ng ganito? Habang papalubog na ang araw at dumilim na ang bangin ay biglang kumalam ang tiyan ni Sherry. “Nagugutom na ako...” Napayakap si Sherry sa balikat niya at biglang napaiyak. “Ryan, kasalanan mo ang lahat.” “Kung hindi ka lang biglang sumulpot sa likod at ginulat ako, hindi sana ako nahulog. Kasalanan mo ang lahat! Kasalanan mo ang lahat! Dahil sa’yo kaya ako nasangkot sa gulong ‘to!” Kumakalam na rin ang tiyan ni Ryan. Tumingala siya sa bangin at napansin niyang sobrang patag ang mga dingding. Walang mga protrusions para maakyatan niya. Lalo siyang nakaramdam ng pagkadismaya. Nang marinig ang pag-iyak at pagrereklamo ni Sherry, hindi napigilan ni Ryan na mapamura. “Talaga? Hindi naman kita tinakot. Ilang salita lang ang sinabi ko, nagulat ka na. Sigurado ka bang hindi dahil nakokonsensya ka? “Kung hindi mo inilihim ang pinagmumulan ng sariwang tubig at sa halip ay sinabi mo sa lahat ang tungkol dito, hindi ka mabibigla sa ilang salita lang. At saka, kung sinabi mo sa kanila, kahit papaano ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na mailigtas. “Hindi ba’t kasalanan mo ang lahat ng ito? Huwag mo akong sisihin sa sarili mong pagkakamali.” Prangka si Ryan. Sinapul niya sa ulo ang pako at direktang nilantad si Sherry. Nang marinig ito, tumigil sa pag-iyak si Sherry. Agad siyang natahimik. Ngayong tumahimik na ang mga bagay-bagay, nabawi ni Ryan ang kanyang pagiging kalmado. Dahil hindi sila makalabas sa ngayon, kailangan nilang tiisin ang kanilang mga tiyan at panatilihing mainit ang kanilang sarili. Sa kabila ng pagiging nasa tropikal na isla, mabilis na bababa ang temperatura kapag lumubog na ang araw. Merong makabuluhang pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng araw at gabi. Kaakibat ng mataas na halumigmig sa bangin, naging mas malamig pa tuloy ito sa pakiramdam. Sa kabutihang palad, ang pagpapanatiling mainit sa kanilang mga sarili ay hindi isang isyu. Nung bumagsak si Ryan kanina, kasabay niyang bumagsak ang sanga. Hangga’t magagawa nilang gatungan ang sanga at magsimula ng siga, maaari silang manatiling mainit. Higit sa lahat, kapag nakita na ng kanilang mga kasama ang sunog, maililigtas sila! Pinutol ni Ryan ang sanga sa maliliit na piraso. Naglabas siya ng lighter at matagumpay na nagsiga ng apoy. Habang nagliliyab ang apoy, sumiklab ang makapal na usok. Napuno nito ang bangin at naging sanhi ng pag-ubo nilang dalawa. Mabilis na nanguha si Ryan ng ilang dahon at pinaypayan ang apoy. Pagkaraan ng ilang sandali, ang itim na usok ay umangat nang maayos palabas ng bangin. “Ayos, ngayon, basta’t may makakita ng usok, lalapit sila para iligtas tayo,” sabi ni Sherry habang nakasiksik malapit sa apoy para sa init. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. Mabagal na lumipas ang oras, kaluskos lamang ng apoy ang bumabasag sa katahimikan sa bangin. Ang nakapangingilabot na katahimikan ay naging sanhi ng pagkabalisa nilang dalawa.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.