Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Buhay IslaBuhay Isla
Ayoko: Webfic

Kabanata 7

Si Freya ay nakasuot ng masikip at puting lace na pang-itaas na humubog sa kanyang mga kurba. Inihagis niya sa lupa ang lace na pang-itaas. Ngayon, isang piraso na lang ng damit ang naiwan sa kanya, na halos hindi na tumatakip sa dibdib niya. Hindi mapigilan ang panginginig niya. “A-anong ginagawa mo?” Nataranta si Ryan. Tulala niyang tinitigan ang eksenang nasa harapan niya at nakalimutan niyang magkaroon ng reaksyon. Mabilis na hinubad ni Freya ang pang-itaas niyang damit. Ang kanyang pigura ay hindi kasing kurba ng kay Nina, ngunit si Freya ay mas malusog at mas matambok. Meron siyang perpektong pigura. Bukod dito, ang kanyang balat ay mukhang hindi kapani-paniwalang malambot at makinis. Mukha siyang hinog na peach. Nakatingin si Freya kay Ryan na may kumikinang na mga mata. Nang malapit na niyang tanggalin ang kanyang mga pang-ilalim na damit, tuluyang namula si Ryan sa kanyang pagkatulala. Mabilis niyang pinulot ang mga damit sa lupa at inihagis ito sa babae. “Anong sinusubukan mong gawin? Magsalita ka! Kung hindi ka magsasalita, aalis na ako!” sabi niya na may mahinang boses. Ibinalot ni Freya ang damit sa dibdib niya at patakbong lumapit kay Ryan. Kasabay ng kalabog, lumuhod siya sa harap ng lalaki. Maluha-luha siyang umiyak, nanginginig ang boses habang sinasabi, “Pwede ba akong tumabi sa’yo?” Bumaba ang tingin ni Ryan sa kaliwang kamay ni Freya, at pinikit niya ang kanyang mga mata. “May wedding ring ka sa kaliwang kamay mo. May asawa ka, tama? Tapos gusto mong tumabi sa’kin? “Umalis ka na. Kinamumuhian ko ang mga babaeng tulad mo na manloloko. Wala kang pinagkaiba kay Yasmine.” Naiinis na tinulak niya si Freya palayo at nauna sa paglalakad. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naabutan siya ni Freya pagkatapos ng ilang hakbang. Muli, lumuhod siya kay Ryan. Sa pagkakataong ito, sinabi niya ang totoo. Lalong umiyak si Freya. Humihikbi siya habang sinasabi, “Ayokong manloko. G.. Gusto ko lang na kupkupin mo ako. Sinabi ni Nina na pagkatapos niyang makipagtalik sa’yo, handa ka nang bigyan siya ng pagkain at protektahan siya. “H… Handa rin akong makipagtalik sa’yo. Isama mo lang ako hanggang sa dumating ang rescue team. Ayokong mamatay dito. May asawa’t anak ako. Gusto kong makabalik para makita sila. Ayokong mamatay dito nang ganito.” Nang marinig ito, kumalma si Ryan. Lumambot ang ekspresyon niya. “Ayokong kupkupin ka, at hindi ako makikipagtalik sa’yo. Mabubuhay ka naman kasama ang mga babaeng iyon.” Dahil doon, nagpatuloy si Ryan sa paglalakad nang hindi nag-aabala sa paghihintay ng reaksyon ni Freya. Wala na siyang panahon para kumbinsihin si Freya. Palubog na ang araw, at ang pinaka-kagyat na bagay ngayon ay humanap ng sariwang tubig. Pero hindi sumuko si Freya. Pagpasok pa lang ni Ryan sa kakahuyan, naabutan na naman siya ni Freya. Sa pagkakataong ito, mas naging matapang ang babae. Direkta itong huminto sa harap ni Ryan at inabot upang hubarin ang pantalon nito. Nanginginig siya habang hinahawakan ang pantalon ni Ryan at sinabing, “Buong gabing umiiyak ang mga babaeng iyon. Hindi man lang ako makakainom ng tubig kung mananatili ako kasama sila. “Maaari lang ako sumunod sa’yo. Pakiusap, Ryan, isama mo na ako. Magagamit mo ako, lalo na sa kama. Pakiusap...” halos pagmamakaawa ni Freya. Mabilis na nagkaroon ng reaksyon si Ryan sa pagkakataong ito. Agad niyang itinulak si Freya. Gulat ang nakasulat sa buong mukha ng babae. “Letse, sinubukan mo akong hubaran dahil hindi kita pinansin? Malakas din ang loob mo!” “W... Wala talaga akong ibang pagpipilian. Nagpakasal ako kaagad pagka-graduate ko ng college, at naging housewife na ako mula noon. “Ngayon, na naiwan akong mag-isa sa islang ito, hindi ko na kayang mabuhay. Kung may iba pang paraan, hindi ko naman ibebenta ang katawan ko.” Muling tumulo ang mga luha sa mukha ni Freya habang nawawalan ng pag-asa. Nakakunot ang noo ni Ryan habang nakatingin kay Freya. Naawa siya sa babae. “Kay Nina pa lang ay nahihirapan na ako. Hindi kita matutulungan. Bumalik ka na sa kanila.” “Hindi mo ba ako mabibigyan ng pagkakataon? Magaling ako sa gawaing bahay. Kaya kong gawin ang anumang ipapagawa mo,” pagpupumilit ni Freya. Malamig na umiwas ng tingin si Ryan. “Hindi pwede.” “Pero... Teka, Ryan, ‘wag ka nang dumiretso pa. May ahas sa unahan!” Biglang tumili si Freya. Pilit niyang tinulak si Ryan. Napaatras ng ilang hakbang si Ryan at mabilis na tumingin sa direksyon na tinitignan niya. Nakita niya ang isang ahas na mabilis na gumapang sa kinatatayuan niya ngayon lang. Nakakamangha ang bilis ng ahas. Nawala na ang kalahati ng katawan nito sa damuhan, buntot na lang ang naiwan. Matagal na tinitigan ni Ryan ang buntot. Biglang bumungad sa kanya ang isang realisasyon. Isa itong banded krait, na makamandag! Bagama’t ang lason ng banded krait ay hindi kasing lakas ng king cobra, mapanganib pa rin ito. Ang makagat ng isa ay labis na nakakapinsala. Ibinaling niya ang atensyon kay Freya at nakita niyang nakalugmok ito sa kinatatayuan niya kanina. “Ayos ka lang? Nakagat ka ba ng ahas?” tanong agad ni Ryan. “Hindi naman, pero parang oo nga kinagat ako. Hindi ako sigurado,” naluluhang sabi ni Freya. “Tumigil ka sa pag-iyak. Hindi makakatulong ‘yan ngayon. Kung gusto mong mabuhay, kailangan mong tiisin,” mabilis na bilin ni Ryan. Pagkatapos noon, sinimulan niyang suriing mabuti si Freya at hinanap ang anumang senyales ng kagat ng ahas. Ang kamandag ng banded krait ay neurotoxic. Magdudulot ito ng kaunting sakit sa pagkagat ngunit magdudulot ng mataas na peligro ng pagkamatay. Makalipas ang ilang saglit na paghahanap, sa wakas ay may nakitang sugat si Ryan sa bukung-bukong ni Freya. Merong dalawang magkadikit na maliit na marka ng butas. Ito ay malamang na mula sa banded krait. Hindi ‘to maganda. Walang gamot dito para gamutin siya. Napatingin si Freya sa kanyang bukong-bukong, namumutla ang kanyang mukha sa takot. “Mamamatay na ba ako?” Kumunot ang noo ni Ryan at mabilis na nag-isip ng mga solusyon sa kanyang isipan. Sinulyapan niya si Freya at sinabi na may malalim na boses, “Nakagat ka dahil sinubukan mo akong iligtas. Hindi kita hahayaang mamatay.” Hindi niya napansin na may mga ahas na papalapit kanina. Kung hindi dahil sa oras na itinulak siya ni Freya palayo, siya na ang nakagat. Habang nagsasalita ay nakaisip na ng solusyon si Ryan. Ayon sa paraan na nakita niya sa internet, pumunit siya ng piraso ng tela mula sa kanyang damit at itinali ito nang mahigpit sa ibabaw ng sugat upang maiwasan ang karagdagang sirkulasyon ng dugo. Pagkatapos, hinawakan niya ang bukung-bukong ni Freya at sumandal bago nagngangalit ang kanyang mga ngipin. “Anong ginagawa mo?” Napatalon si Freya sa takot at agad na nagpumiglas. “Sisipsipin ko ang kamandag. Maililigtas ka sa pamamagitan lamang nito. Ang hayaan ang lason na manatili sa katawan mo ay hahantong lamang sa kamatayan,” paliwanag ni Ryan. Nakita niyang nagsimula nang mamaga ang sugat sa bukung-bukong ni Freya. Ibig sabihin, nagsimula nang kumalat ang kamandag. Ang kapalaran ni Freya ay nakasalalay sa kung anong mangyayari ngayon! Namutla ang mukha ni Freya nang marinig ito. Pero pinigilan niya ang hiya at inilapit ang paa kay Ryan. “Kung ganoon, salamat. Sige, sipsipin mo na.” Hindi lang malambot ang balat ni Freya, maging ang balat sa paa nito ay makinis at mamula-mula. Walang mabahong amoy. Sa halip, naamoy ni Ryan ang mahinang bango. Napatingin si Ryan sa maselang paa nito at saglit na nawala sa pag-iisip. Pero mabilis niyang nabawi ang atensyon niya. Lumapit siya at sumipsip ng kamandag. “Aaah!” Mariing napapikit si Freya. Nanginginig ang kanyang mga binti, at nagpakawala siya ng mahinang halinghing.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.