Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3

“Nagugutom ka ba? Paghahandaan kita ng makakain,” alok ni Ling Yiran. Mula noong makita niya ito kanina sa labas, hindi niya pa ito nakitang kumain. Kaya Nagluto ng noodles at itlog si Ling Yiran para may may mahigop itong sabaw. “Ito oh, kumain ka muna, pero dahan-dahan lang kasi medyo mainit,” aniya. Yumuko ang lalaki at tahimik na hinigop ang ginawang sabaw ni Ling Yiran habang si Ling Yiran naman ay pinagmamasdan lang ang lalaki. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang lungkot na nararamdaman niya sa tuwing uuwi siya sakanyang apartment ay hindi niya naramdaman ngayon. Hindi kaya dahil may kasama siya ngayon? Nang matapos ng kumain ang lalaki, hinugasan ni Ling Yiran ang mga plato. “Hindi ako makatulog ng hindi makatulog. Sana okay lang sayo.” Tanong ni Ling Yiran. Mula noongang makalaya siya sa kulungan, nakaugalian na niyang matulog ng nakabukas ang mga ilaw. “Okay lang,” Humiga si Ling Yiran kama niya, habang si “Jinli” naman ay humiga sa banig na inihanda niya para rito. Pumikit siya at sinubukang matulog. Hindi niya sigurado kung kalian ito nagsimula pero palagi siyang natatakot matulog. Dahil…sa tuwing natutulog siya, palagi niyang napapanaginipan ang madilim niyang kahapon sa presinto. Binubugbog, pinapahiya, and inaabuso… at hanggang ngayon, ramdam na ramdam niya pa rin ang mga nabali niyang buto sa kanyang mga daliri at ang mga kukong sapilitng tinanggal sakanya… Ang buong akala niya talaga noon ay mamatay na siya sa kulungan. Pero himala dahil nakatulog siya hanggang umaga noong gabing iyon ng hindi dinadalaw ng kanyang mga bangungot. Tinitigan ni Ling Yiran ang lalaking na nakahiga sa sahig. Dahil ba ito sakanya? Dahil ba ito sa wakas hindi na siya mag-isa at may iba siyang kasama ngayon? Hindi niya rin alam… Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa tabi ng lalaki at dahan-dahang hinawakan nag pisngio nito. Kakaibang kapanatagan ang naramdaman niya. Totoo nga siya, at hindi isang imahinasyon. Totoo ngang may dinala siyang lalaki sa kanyang apartment kagabi. Nang mahimasmasan siya, nagulat siyang gising na pala ito at ang mapupungay nitong mga mata ay nakatitig sakanya. “Sorry.” Nahihiya niyang sabi habang bigla namang namula ang kanyang mukha. “A…Ano kasi…A… Kung wala ka ng ibang mapupuntahan, pwede kang tumira dito.” Hindi niya rin sigurado kung bakit niya ito sinabi, pero sobrang napanatag siya nang dahil dito. Pulang pula ang mukha ni Ling Yiran, samantalang nanlaki naman ang mga mat ani *Jinli* sa gulat. “Kung ayaw mo, magpanggap ka nalang na wala akong sinabi.” Dagdag ni Ling Yiran, sabay kagat ng kanyang labi. “Gusto mo ba?” Kalamdong tanong ni *Jinli* Kung ibang lalaki siguro ang nagtanong nito sakanya, Malaki ang posibilidad na mailing siya. Pero dahil galing ito sa lalaking nasa harapan niya, ang nagging dating nito ay parang simpleng tanong lang na “gusto mob a” o “hindi mo gusto”. Walang halong malisya, at maging ang mga mata nito ay kalamado lang. “Oo,” walang pagaalangang sagot ni Ling Yiran. Dahan-dahang ngumiti si *Jinli* habang nakatitig kay Ling Yiran. “Mabuti naman” Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Ling Yiran na ngumiti ang lalaki. Kahit na sadlit at bahagyang ngiti lang ito…sobrang nagandahan siya. — Bago pumasok sa trabaho si Ling Yiran, nagiwan siya ng 20 yuan para makabili si *Jinli* ng pagkain nito. Pagkalabas ng lalaki sa apartment ni Ling Yiran, may mga "naghihintay na sakanya at pagkalapit niya, magaling siyang binati ng mga ito, “Young Master Yi.” “Tara na,” Mahinang sagot ni Yi Jinli. Sumakay siya sa itim na Bentley na nahinto sa harapan niya at tinignan ang 20 yuan na nasa kanyang kamay. Matagal na rin noong huling beses na may nagbigay sakanya ng pera, at 20 yuan din yun. “Young Master Yi, yung babaeng kasama mo kagabi, isa po siyang contract worker ng Sanitation Service Center. Isang buwan palang po siyang nangungupahan dito, at dalawang buwan palamg po ang nakakaraan nang makalabas mula sa kulungan.” Bilang personal secretary ni Yi Jinli, agad itong nagreport ng mga detalyang nasagap niya pagkasakay na pagkasakay nila ng sasakyan. “Kulungan?” “Opo. Ang pangalan niya po ay Ling Yiran. Siya ang ex-girlfriend ni Xiao Zigi na galing sa pamilyang Xiao. Nakulong siya sa kasong nagmamaneho ng lasing na siyang pumatay kay Miss Hao Meiyu, tatlong taon na ang nakakalipas. Tatlong taon siyang nakulong at dahil dito, natanggalan siya ng kanyang lisensya sa pagiging abogado,” Pagpapatuloy ni Gao Congmin habang pinagmamasdang maigi ang reaksyon ng kanyang amo. “Ling Yiran..” Pabulong na sambit ni Yi Jinli na sinundan ng isang pilyong ngiti at nagpatuloy, “Well, masaya pala ‘to.” Noon, matunog ng ikakasal sila ni Hao Meiyu. Para sakanya, wala naman itong problema dahil usap usapan namang maganda ang reputasyon nito. Pero sino bang mag-aakalang masasangkot si Hao Meiyu sa isang car accident na siya pang nagging dahilan ng pagkamatay nito. Kung malalaman kaya ni Lin Yiran ang tungkol sa dati nilang relasyon ni Hao Meiyu, ano kayang magiging reaksyon nito? Ito ang babaeng kauna-unahang walang pag-aalang humawak sa kamay niya, dinala siya sa bahay nito, at lakas loob pero nahihiyang umamin sakanya na gusto siya nito. “Congmin, sa palagay mo? Anong klaseng babae ang magugustuhan ako?” Biglang tanong ni Yi Jinli. “Po?” Walang ideya si Gao Congmin kung anong isasagot niya kaya ilang sandal rin bago siya muling nagpatuloy, “Sa palagay ko po, depende po iyon sa kung anong klaseng babae ang gusto niyo, Young Master Yi.” “Dalhin mo mamaya sa lamesa ko lahat ng impormasyon tungkol kay Ling Yiran,”pabulong na sagot ni Yi Jinli. “Sige po,” Sagot ni Gao Congmin. “Ah… Young Master Yi… Bakit po pala bigla kayong nagging interesado kay Ling Yiran?” — Pagkatapos ng trabaho ni Ling Yiran, nakatanggap siya ng tawag galing sakanyang tatay na kinukumbinsi siyang umuwi. Ayon dito, kailangan niya raw umuwi para mag alay ng insenso sakanyang namayapang nanay bilang respeto na nakalabas na siya ng kulungan. Nagaalangan si Ling Yiran dahil mula noong makulong siya, walang ibang pinaramdam ang kanyang pamilya sakanya kundi muhi na para bang pinutol ng mga ito ang ugnayan nila bilang pamilya. Sa loob ng tatlong taon, hindi siya dinalaw ng mga ito ni isang beses na para bang wala talagang siyang pamilya. Talong taong gulang palang siya nang mamatay ang nanay niya. Pagkalipas ng tatlong buwan, muling ikinasal ang tatay niya sakanyang stepmother kaya nagkaroon siya ng kapatid na babae na si Ling Luoyin. Bata palang siya, alam niya na may paborito ang tatay at stepmother niya, kaya ginawa niya ang lahat para maging matinong bata sa patingin ng mga ito. Nag-aral siya ng maigi para magkaroon ng magagandang grado. Hindi niya kinailangan ng kahit anong tulong pagdating sa pagaaral,at dahil dito, parating ipinagmamayabang ng tatay niya na may matalino itong anak. Noong maging sila ni Xiao Zigi, yun na siguro ang pinaka magandang ala-ala na mayroon siya sa bahay nila. Pinangangalandakan ng tatay niya na isa siyang karangalan, maging ang kanyang stepmother ay sobrang inasikaso rin siya kahit pa alam niyang nagpapanggap lang ito. Ganun din ang kanyang stepsister, hindi ito nakikipag talo sakanya at lagi silang magkasundo. Alam naman niya na dahil ito kay Xiao Zigi, ang young master ng Xiao Group. Pero siyempre, sabik din siya sa pagmamahal at pagaaruga ng pamilya. Pero pagkatapos ng aksidente, namulat siya na ilusyon lang pala ang lahat. Noong panahon na ‘yun, sinabihan siya ni Fang Cuie na hindi ganun kadaling makapasok si Ling Luoyin sa entertainment industry dahil marami itong dapat pagdaanan bgao ito makuha ng magagandang role. “Yiran, alam mo naman na hindi tayo ganun kayaman, pero nagkataon lang na kaialngan talaga ng kapatid mo ng pera ngayon. Paano kaya kung… pautangin mo muna siya ngayon, at kapag sumikat na siya balang araw, babayaran ka naming kapag kumikita na siya ng malaking pera?” Pagpupumilit ni Fang Cuie. “Wala akong pera,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran. Biglang natigilan si Gang Cuie dahil hindi niya inaasahan ang nging sagot ni Ling Yiran, pero ngumiti pa rin ito at nagpatuloy, “Wala ka ngang pera, pero si Xiao Zigi meron. Naging kayo dati diba, pero pagkatapos ng aksidente, nakipaghiwalay siya sayo. Malay mo makipagbalikan siya sayo.” “Aunt Xiao, hindi ba kayo rin ng tatay ko at ni Luoyin, ay nagpanggap na parang hindi ako kakilala noon at bigla nalang kayong naglaho na parang bula?” Tanong ni Ling Yiran “Ano ngayon? Pumunta ka ba dito para sumbatan ako? Kung hindi ka sana pumatay ng tao noon, malamang nakuha ng bida ang kapatid mo at malamang sa malamang sikat na siyang artista dapat ngayon!” Galit nag alit na sabat ng tatay niya. Ngumisi si Ling Yiran. Noong panahong makukuha sana si Ling Luoyin ang role ng bida, isa ang Xiao Group sa investor ng TV series na kabibilangan san anito, at si Xiao Zigi ang nagsabi na ang kapatid niya ang gawing bida. Pero simula noong naghiwalay sila ni Xiao Zigi, ang role na nagaantay kay Ling Yuoyin ay naglaho rin na parang usok. “Ate, galit ka ba dahil hindi kami gumawa ng paraan para makalabas sa kulungan?” Mahinang sabat ni Ling Luoyin. “Noong panahon na ‘yun, binangga mo ang pamilya ng mga Hao at si Yi Jinli! Kahit ang mga Xiao ay takot na takot sa posibleng mangyari sakanila kaya nakipaghiwalay agad sayo si Xiao Zigi. Eh ano sa tingin mo ang pwedeng magawa ng pamilya mo? Isipin mo nga kung ipinaglaban ka naming at tinulungan ka naming magsampa ng kaso, pati kami babanggain ang pamilya ng mga Hao at si Yi Jinli. Paano naman kakayanin ng isang ordinayong pamilya kagaya natin ang magiging hatol nila?” “Tama ka.” Nakangiting sagot ni Ling Yiran at tumingin ng diretso sa mga mat ani Ling Luoyin. “Pero dahil hindi niyo kayang samahan ako noong panahaong pinaka kailangan ko kayo, bakit ko kayo tutulungang maging mayaman?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.