Kabanata 1
Habang pinipitpit ang kanyang mga kuko gamit ang isang tiyani, hindi niya na napigilan ang sarili na sumigaw kasabay ng pagragasa ng sariwang dugo mula sa kanyang bibig, na tila ba isa siyang mabangis na halimaw.
May ilang babae na nakadamit pampreso na nginungudngod ang isang babaeng naka damit din ng pampreso na walang kalaban-laban.
Walang magawa si Ling Yiran kundi titigan na lamang na isa-isang pitpitin ang kanyang mga daliri. At dahil dito, nabalot ang selda ng isang kasuklam suklam ang amoy ng dahil sa malansang dugo na dumadaloy mula sa kanyang mga daliri.
“Ang dating magaling na abogado, ay daig pa ang putik ngayon.” Galit na sabi ni Lin Yiran sa kanyang isip.
Bigla niyang iniangat ang kanyang ulo at nanlilisik na tinignan ang nakangising babae na nasa kanyang harapan. Sinong magaakala na ang isang sikat na artista, na ang buong akala ng lahat ay inosente, pero sa totoo pala’y napaka itim ng budhi.
“Hao Yimeng, bakit?” tanong niya na may nanginginig na boses.
“Pinatay mo ang kapatid ko! Saan mo nakukuha ang kapal ng mukha mong magtanong?” Pasinghal na sagot ni Hao Yimeng. Galit, pagkamuhi ang makikita sa kanyang mga mga mata, at maging ang kanyang mga ngiti ay tila nakakamatay.
“Hindi ako… biktima lang din ako dito!” pautal-utal niyang sagot habang paulit-ulit na umiiling sa pagtanggi, sabayan pa ng mga ga-butil na pawis na walang tigil na tuutulo mula sa kanyang katawan. Ang kanyang maganda at maamong mukha ay sobrang namimilipit sa sakit.
Ngunit imbes na maawa, ang galit na galit na si Hao Yimeng ay muling nagsalita, “Ituloy mo lang.”
At ang babaeng inutusan naman ay walang pagdadalawang isip na sumunod din.
Sa loob lamang ng ilang minuto, tuluyan ng natanggal ang lahat ng mga kuko ni Ling Yiran. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo mula sakanyang mga daliri na hindi nagtagal ay napuno na nito ang sahig ng presinto.
Hinang hina ang katawan ni Ling Yiran sa sobrang sakit, pero sinubuknan niya pa ring tumayo pero bigla siyang natigilan nang makita ang lalaking nakatayo sa tabi ni Hao Yimeng.
Yun ang…. Dati niyang boyfriend! Ang lalaking dating nangakong puprotekta sakanya habang buhay.
Dati, matusok lang siya ng karayom, halos hindi na magkaundagaga ang lalaking ito sa takot na baka anong mangyari sakanya. Samantalang ngayon, harap-harapan pa nitong pinapanuod na isa-isa siyang tinatanggalan ng kuko.
“Zi…Zigi…” Mangiyak-ngiyak siyang nagpatuloy, “Parang awa mo na… parang awa mon a, maniwala ka sa’kin…”
Nakasuit and tie ang lalaki, kagaya ng kadalasan nitong suot, pero ang mga mata nito ay punong-puno ng galit at pagkasuklam.
“Zigi, hindi ka naman siguro naawa sa babaeng ‘yan,no? Siya ang pumatay sa kapatid ko! At gusto ko lang siyang bigyan ng hustisya.”
Niyakap ni Hao Yimeng ang braso ng lalaki, at ang kanina’y galit nag alit at matapang nitong mukha ay biglang napalitan ng lambing nang humarap ito rito.
“Tama lang yan, hindi mo siya dapat kaawaan.” Dahan-dahang hinaplos ni Xiao Zigi ang magandang buhok ni Hao Yimeng at kalmadong sinabi, “Gawin mo ang kahit anong gusto mong gawin.”
Para sa lalaki, balewala lang duguang babaeng nasa harapan niya na para bang isang bagay lamang ito na walang pakiramdam.
Biglang nanlaki ang mga mat ani Ling Yiran
“Tama lang?”
"Ha!"
Ang lalaki ito, na minsa’y tinuring siya na para bang siya na ang mundo nito, ay wala siyang ibang marinig ngayon kundi- tama lang?
Dahil dito, tila bigla siyang nagkaroon ng lakas na maging siya ay hindi niya alam kung saan nanggaling, at bigla niyang itinulak ang babaeng may hawak sakanya at hirap na hirap na tumayo, para subukang lumapit sa lalaki.
“Zigi, wala akong alam tungkol sa car accident… Hindi talaga ako naka droga noong habang nagmamaneho noong isang araw. Yung sasakyan ni Hao Meiyu…. Yung bumangga sa akin…”
“Pah!”
Ang kaliwa niyang kamay, na tinanggalan ng kuko, ay madiin na inapakan, na tagos sa buo ang sakit.
Pero ang lahat ng pisikal na sakit na ito ay walang wala sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso noong oras na ‘yon.
Muli, hirap na hirap niyang sinubukang itaas ang kanyang ulo para tignan si Xiao Zigi, na nakaapak gamit ang leather shoes nito, sakanyang kaliwang kamay. Hindi siya makapaniwala na kaya pala nitong maging sobrang walang puso.
Habang iniinda ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang kamay, huminga siya ng malalim at galit na sinabi, “Minahal mo ba talaga ako?”
“Ang pinaka pinagsisisihan ko sa buong buhay ko ay noong niligawan kita,” walang bakas ng awa at pagmamahal na sagot ni Zigi
“Zigi, lumpuhin mo ang mga kamay niya. Yan ang mga kamay na ginamit niya para imaneho ang sasakyang pumatay sa kapatid ko.” Muling sabi ni Hao Yimeng.
Sa mga sumunod na sandali, narinig niya si Zigi na sumagot ng,”Okay!”
At hindi nagtagal, umalingawngaw ang mga nagtutunugan niyang buto habang iniinda ang sakit na para bang sasagbog ang buo niya niyang katawan…
—
“Aah!” Biglang iminulat ni Ling Yiran ang kanyang mga mata at nahimasmasan na nanaginip lang pala siya ng bangungot na nangyari sakanya sa prisinto, ilang taon na ang nakakalipa.
Tinignan niya ang kanyang mga kamay na puno ng kalyo. Pagkatapos ng tatlong taon niyang pagkakakulong, ang kanyang mga kamay ay hinsi na kasing lambot at ganda kumpara noong bago siya makulong.
Kahit na tumubo na ang mga kuko niya sa kanyang sampong daliri, hanggang ngayon ay injured pa rin ang kanyang mga kamay.
Noong panahon na ‘yun, halos lahat ng mga buto niya sa daliri niya ay nabali. Kahit na hindi ito kinailangang putulin, hindi na bumalik sa dati ang itsura nito at maraming bagay na syang hindi nagagawa ngayon dahil dito.
Sobrang sakit ng mga daliri niya lalo na kapag malamig ang panahon.
Minsan, kapag sobrang sakit, gusto niya nalang putulin ang mga kamay niya para matigil na ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Sa aksidenteng kinasangkutan niya ilang taon na ang nakakalipas, napagbintangan siyang nagmamaneho habang naka inom, na siyang dahilan kung bakit nabangga at napatay niya di umano si Hao Meiyu. Hindi lang si Hao Meiyu ang anak na babae ng pamilyang Hao, kapatid niya ang fiancée ni Yi Jinli, na tinuturing bilang pinaka makapangyarihang tao sa Shen City.
Dahil sa nangayari, itinakwil siya ng kanyang buong pamilya at maging kanyang mga kaibigan. Pinalayas siya sa bahay nila, at bandang huli, nahatulan na makulong ng tatlong taon,
Pagkatapos tumayo, kinuha ni Ling Yiran ang mga gamit na panglinis na nasa tabi niya.
Nakasuot siya ng isang reflectorized vest na ginagamit ng mgasanitation workers. Tinali niya lang ng simpleng pony tail ang kanyang buhok, at dahil sa lamig, pulang pula ang maamo niyang mukha. Mayroon siyang magandang mga mata, matangos na ilong at kulay rosas na mga labi.
Kung titignan ang kanyang mukha, para siyang isang estudyante na kakagraduate lang ng kolehiyo. Ngunit ang kanyang mga mata ay walang kabuhay-buhay, na para banag mga matai to ng matandang napakaraming pinagdaanan sa buhay.
Ngayong araw, panggabi siya sa trabaho. Dahil dito, nakatulog siya sa loob ng Sanitation Service Center kaya muntik na siyang malate.
Noong naglalakad na siya palabas, bigla siyang natigilan nang marinig niya ang isa niyang kaibigan na nanunuod ng balita sa phone nito. “Huy, ikakasal na pala sina Xiao Zigi at Hao Yimeng. Napaka swerte naming babae ni Hao Yimeng! Una, superstar, Pangalawa, anak ng isang mayaman at makapangyarihang pamilya, at ngayon naman ikakasal na siya sa pamilyang Xiao, na ubod ng yaman.”
Dahil sa narinig, biglang tumaas ang balahibo ni Ling Yiran, at dali-dali siyang naglakad palabas ng Sanitation Service Center.
Xiao Zigi, Hao Yimeng… Ang dalawang pangalan na nagbigay sakanya ng sakit na sagad sa buto.
Malamig ngayong gabi kaya kasabay ng pagwawalis ni Ling Yiran ng kalsada, ay iniida niya rin ang kumikirot niyang kamay gawa ng lamig.
“Tiisin mo, magiging okay din ang lahat!” Pagpapalakas loob na sinabi ni Ling Yiran sakanyang sarili. Para sa isnag kagaya niyang janitor lamang, masyadong mahal at hindi prioridad ang bumili ng painkiller.
Ilang minuto lang ang lumipas, may biglang humintong Ferrari harapan niya.
Tatlong lalaki at isang babae ang bumaba mula sa sasakyan; halatang mga lasing. Ang isa sa mga lalaki ay tinignan si Ling Yiran, at walang prenong sinabi, “Oh, iniisip ko kung sino tong babaeng ito, ex-girlfriend lang pala ni Young master Xiao.
Biglang namutla si Ling Yiran. Naalala niya kung sino ang lalaking nasa harapan niya. Ito yung mayamang bata na pinagalitaan niya noon dahil sa kabastusan nito noong sila pa ni Xiao Zigi.
“Hindi ba abogado ka? Bakit nagwawalis ka nalang dito?” Pang asar na tanong ni Sun Tengyang.
Isa sa mga lalaking kasama rin ng grupo ang natatawang sinabi, “Syempre, nakulong siya diba? Meron bang ex-convict na pwede pang maging abogado?”
Dinuraan ng babae si Lin Yiran. “Bah, abogado? Taga linis nalang ngayon!”
“Ikakasal na ang Young Master mo kay Miss Hao. Bakit kaya hindi ka nalang magpabayad sakin? Isang gabi lang. Babayaran kita ng mas malaki pa sa isang buwan mong sahod.”Nambabastos na sabi ni Sun Tengyang na biglang lumapit kay Ling Yiran, na akmang hahawakan siya.
Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo nitong kasama.
Hindi hinayaan ni Ling Yiran na mahawakan siya ni Sun Tengyan kaya dali dlai niya itong tinulak, ngunit bigla nitong hinila ang braso niya at pwersado siyang isinandal sa pader na nasa may sidewalk.
Malalim na ang gabi kaya wala na ibang taong dumadaan. Nang makita ni ni Ling Yiran na tinatanggal ni Sun Tengyang ang sinturon nito, dali-dali niya itong sinapa sa ari.
Nang dahil sa sipa ni Ling Yiran, biglang napabitaw si Sun Tengyang kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makatakas.
“Takbo, takbo!”
Galit na galit si Sun Tengyan, at dahil dito dali-dali nitong minaneho ang Ferrari niya para habulin si Ling Yiran.
Nang maramdaman ito ni Ling Yiran, bigla siyang lumiko sa isnagf eskinita. Pero laking gulat niya dahil kadalasan, maraming tao sa kalsadang yun, pero noong gabing yun, wala ni isang sasakyan o tao manlang siyang Nakita.
Para bang… walang katao -tao
Maging ang apat na magkakaibigang nakasakay sa Ferrari ay nagulat din, kaya biglang sinabi ng babae, “Bakit mukhang saradong kalsadang ‘to ngayon?”
“Sarado? Bakit daw?
“Hindi ko rin alam.”
“Wala akong pakielam. Ang importante, mapatay ko siya ngayon!” Galit nag alit na sabi ni Sun Tengyang habang inaapakan ng madiin ang gas ng kanyang sasakyan na siyang balak niyang ibangga kay Ling Yiran.
Sinubukan ni Ling Yiran na iwasan ang sasakyan, pero huli na ang lahat dahil nasanggi na siya nito kaya siya’y natumba.
Pagkahinto ng Ferrari, dali-daling bumaba ang apat na sakay nito. Nilapitan ni Sun Tengyang si Ling Yiran at pasinghal na sinabi, “Sa tingin mi ba mahal pa kita? Gusto lang kitang pagrausan na parang aso sa kalsada ngayong gabi! Ngayon, wala ng puprotekta sayo.”
Hirap na hirap na sinubukang tumayo ni Ling Yiran, ngunit dahil nanginginig ang kanyang buong katawan sa sakit, muli siyang natumba.
Dahil dito, sinulit ni Sun Tengyang ang pagkakataon at idiniin niya ang kanyang katawan sa katawan ni Ling Yiran.
Noong oras na akala ni Ling Yiran ay hindi na siya makakawala mula sa kababuyan ni Sun Tengyang, biglang silang may narinig na yabag ng mga paa. Dahil tahmik ang paligid, nangibabaw ang tunog na ito.
Nang sumilip si Ling Yiran, may nakita siyang isang matangkad na lalaking nakasuot ng isang lumang Chinese Tunic Suit, at ang mukha nito ay halos matakpan na ng buhok nito.
Habang naglalakad ang lalaki papunta sakanila, desperadong ibinuka ni Ling Yiran ang kanyang bibig para humingi sana ng tulong.
Pero bago pa man siya makapag salita, bigla niyang naisip na iisa lang ang taong tutulong sakanya na lalaban sa tatlong lalaki. One versus three. At kung hihingi siya ng tulong, ipapahamak niya lang ang lalaki walang kamalay-malay.
“Bwisit. Huwag mong sisirain ang plano ko!” Galit na galit na sigaw ni Tengyang sa lalaki.
Kalmadong tumingin ang lalaki kay Sun Tengyang, na siyang nagdulot ng kaba kay Sun Tebngyang. Masyadong matalas ang tingin ng lalaki na oara bang titig palang nito ay mamatay na si Sun Tengyang.