“Dali!”
Hindi na nagisip pa ang dalawang Sentinel nang magpadala sila ng mga signal. Ginustong gamitin ni Andrius ang pagkakataong ito para tumakas kasama ni Aria pero nahuli siya ng isang hakbang para magawa ito.
Swoosh!
Napaligiran ng dalawa si Andrius sa harapan at likuran nito. Tumayo ang dalawa sa layong hindi bababa sa sampung metro na siyang pinanatili nila. Malinaw na gusto ng mga itong pigilan sa pagtakas si Andrius kaysa labanan ito nang direkta ngayong nakita na niya ang tindi ng mga pagatake nito.
“Patawarin mo ako…” Humingi ng pasensya si Aria nang makita niya ang sitwasyon ni Andrius.
“Hindi ito ang tamang oras para riyan. Kailangan nating makatakas sa dalawang ito at makalayo sa siyudad.” Tinitigan ni Andrius ang dalawa habang sumasagot siya nang hindi tumitingin kay Aria.
Pagkatapos nito, sumugod siya kay Wormtail gamit ang kaniyang Linebreaker Overlord. “Magiingat ka at baka masaktan kita.”
“Gusto mo na nga talagang mamatay!”
Galit na sumigaw si Wormtail nang i