Kabanata 1249
Sabagay, sa mata ng mga ito, ang master ng Shrouded Gate ay isang matandang lalaki na mayroong edad na hindi bababa sa isang daang taong gulang. Hindi ito maaaring maging isang magandang babae na kagaya niya. Kaya natural lang na hindi nila pigilan ang kanilang mga sarili sa harapan nito.
Nanlamig ang mga mata ni Luna na nagpakita ng mga bakas ng itim na usok na katulad ng aurang pumapaligid sa katawan ng demon snake. Sapat na ang panglalait ng mga miyembro ng Fleming Manor para mawala nanaman siya sa kaniyang sarili.
Swoosh...
Hindi na nagaksaya pa ng oras si Luna na gumawa ng hakbang. Naglabas ng sumasabog na inner energy ang malambot niyang mga kamay na masyadong naging puro na para bang kaya nitong wasakin ang lahat ng madadaanan nito.
“Gusto mong lumaban? Hindi kami natatakot sa iyo!”
“Maling lugar ang pinili mo para gumawa ng gulo!”
“Damputin ninyo ang isang ito!”
Nagsanib puwersa at sama samang umatake ang mga disipulo ng Fleming Manor.
Boom—
Pagkatapos ng isang segundo
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link