Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 7

Sumagot si Bruce, “Masusunod, sir.” Gusto ni Yohan na madakip si Clara mamaya at dalhin ito sa kanya. “Sir, saan ninyo siya gusto kong dalhin?” tanong ni Bruce. Natahimik sandali si Yohan. “Dalhin mo siya sa presidential suite sa itaas na palapag ng Sunville Hotel. Gamitin mo ang nakatagong ruta. Huwag mong hayaang may makakita sa’yo.” Nang matanggap ang mga utos ni Yohan, agad na napukaw ang pagkamausisa ni Bruce. Gusto ni Yohan na harangan niya ang sasakyan ni Clara sa kalsada bago ito dalhin sa hotel. Ang nakakaduda ay hindi sila dapat makita ng iba. Ano kayang balak ni Yohan sa babaeng iyon? Kahit gaano nauusisa si Bruce, hindi siya naglakas-loob na magtanong kay Yohan. Samantala, napansin ni William na hindi pinaalalahanan ni Yohan si Bruce na huwag saktan si Clara. Napaatras siya nang bahagya bago hinila ang manggas ni Bruce. Bumagal din si Bruce. Bulong ni William, “Bruce, kapag hinarangan mo ang sasakyan ng babaeng iyon mamaya, maging mabait ka sa kanya. Huwag mo siyang sasaktan.” Tinitigan ni Bruce si William, halatang nalilito. “Walang mangyayaring masama basta makinig ka sa akin.” Hindi lang masabi ni William kay Bruce na si Clara ang asawa ni Yohan. Seryoso, ibang klase talaga si Yohan! Napangasawa na niya si Clara, ngunit hindi siya nagbitaw ng salita sa sarili niyang mga bodyguard! Inutusan pa niya si Bruce na harangan ang sasakyan ni Clara, naku naman! Hindi ba siya nag-aalala na baka mag-away sina Bruce at Clara? Paano kung aksidenteng masaktan ni Bruce si Clara? Pagkasabi ng paalala, mabilis na naabutan ni William si Yohan. Tinitigan ni Bruce ang mga pigura sa harap niya. Binulong niya sa sarili niya, “Kakaiba ang kinikilos nila. Agh... Hindi ko maiwasang mag-isip kung anong nangyayari. Pero wala man lang nagpapaliwanag sa’kin.” Sa kabilang banda, walang kaalam-alam si Clara na talagang nag-utos ang kanyang asawa na harangan ang kanyang sasakyan. Pagkatapos niyang mananghalian kasama si Evelyn, pumunta sila sa malapit na tiangge para tumingin sa paligid. Binili ni Evelyn ang mga bagay na hiniling ni Lilia bago ibigay kay Clara. “Ipaubaya ko na ang mga ito sa’yo, Clara. Salamat sa tulong mo.” “Maliit na bagay. Walang problema. Malapit nang matapos ang lunch break mo, tama? Ihahatid na kita pabalik sa kumpanya.” Hindi naman tinanggihan ni Evelyn ang alok. Hinatid siya ni Clara pabalik sa kumpanya. Matapos matiyak na pumasok si Evelyn sa lobby, sa wakas ay pinaikot niya ang kotse at nagmaneho palayo. Makalipas ang sampung minuto, tinatahak ni Clara ang isang kalsada nang marinig niyang bumusina nang malakas ang sasakyan sa likuran niya. Kaya naman, lumipat siya sa kanang lane. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumusina pa rin ang sasakyan sa kanya. Isang kotse ang mabilis na lumampas sa kanyang sasakyan at lumipat sa kanyang lane. Unti-unti itong bumagal pagkatapos. Agad na kumunot ang noo ni Clara. Balak ba siyang puntiryahin ng isang scammer? Kaya naman, bumagal na rin siya. May isa pang sasakyan ang dumaan sa tabi niya. Ibinaba ng lalaking nakaupo sa harapan ang bintana nito at sinimulang sigawan siya. “Ihinto mo ang sasakyan! Hoy, ikaw! Ihinto mo ang sasakyan!” Ano ba ang nangyayari? Sinulyapan ni Clara ang lalaki bago niya namalayan na lalong bumagal ang sasakyan sa unahan niya. Dahil hindi siya makalipat sa ibang lane, napilitan siyang ilapat ang preno at huminto sa gilid ng kalsada. Sa sandaling ginawa niya iyon, ganoon din ang ginawa ng ibang mga sasakyan. Hinintay ni Clara na lumapit ang lalaki at kumatok sa bintana niya. Saka lamang niya binaba ang kalahati nito. “Ano ba?” tanong niya. “Pasensya na sa abala, miss, pero gusto kang makita ni Mr. Morris. Sumama ka sa’kin.” Ang lalaki ay si Bruce, na inatasan na ihinto ang sasakyan ni Clara. “Mr. Morris?” Napatingin si Clara sa sasakyan ni Bruce. Wala siyang nakitang tao sa backseat. Aba, wala man lang mga multo na nakaupo doon. “Si Yohan ba?” patuloy niyang tanong. Naalala niyang “Mr. Morris” ang tawag sa kanya ng drayber ni Yohan kaninang umaga. “Oo, miss.” Dahil alam ni Clara ang pangalan ni Yohan, malamang ay magkakilala sila. Kung ganoon, bakit nagpumilit si Yohan na makipagkita sa kanya nang patago? “Nasaan siya? Bigyan mo ako ng address. Magmamaneho ako papunta doon. Hindi ninyo na ako kailangang buntutan na parang mga magnanakaw.” Dahil gusto siyang makita ng kanyang asawa, pwede naman siya nito padalhan ng mensahe. Siguradong makikipagkita naman siya doon. Ay, teka. Nakalimutan niyang hindi pala sila nagpalitan ng mga numero. Oo nga pala, paano nalaman ng asawa niyang iyon ang lokasyon niya kahit wala silang kontak? Bukod dito, nag-ayos pa ito ng ilang sasakyan para pigilan siya! Akala niya muntikan na siyang manakawan sa sikat ng araw! “Pwede ko bang tanungin ang apelyido mo?” magalang na tanong ni Bruce. “Fowler,” maikling sagot ni Clara. “Ms. Fowler, sumama ka sa amin.” Napaawang ang mga labi ni Clara. “Sige. Ituro ninyo ang daan.” Sa pagmamasid sa masunurin at kalmadong pag-uugali ni Clara, lalo pang naging interesado si Bruce sa tunay na katangian ng relasyon nina Yohan at Clara. Limang taon na siyang naglilingkod kay Yohan. Bagama’t palaging wala ito, marami pa rin siyang alam tungkol sa kanyang amo, dahil siya ang personal na bodyguard nito. Ang bagay ay, wala siyang ideya kung paano nakilala ni Yohan si Clara. Sa katunayan, hindi niya matandaan ang pakikipakita ni Yohan kay Clara noong nakaraan. Tama, gusto lang ni Yohan na samahan siya ni William kaninang umaga, kaya hindi niya isinama ang mga bodyguard. Dahil si William ang nagpapaalala kay Bruce na maging magalang kay Clara, ibig bang sabihin... may nangyaring kainte-interesado ngayong umaga? Umabot na sa rurok ang pang-uusisa ni Bruce. Gayunpaman, hindi siya naglakas-loob na magtanong. Si Yohan ay pasaway dahil sa pagtatago ng malaking balita mula sa mga bodyguard. Gayundin, malinaw na alam ni William kung anong nangyari, ngunit hindi siya nagsabi ng isang salita sa sinuman. Makalipas ang 20 minuto, sinundan ni Clara si Yohan sa pasukan ng presidential suite na matatagpuan sa itaas na palapag ng Sunville Hotel. Nakita niya ang tatlong matangkad at matipunong lalaki na nakaitim na nagbabantay sa pinto. Lahat sila ay pare-parehong may nagyeyelong ekspresyon. Nang makita nila sina Bruce at Clara, isa sa mga lalaki ang kumatok sa pinto. Ilang sandali pa, binuksan niya ang pinto at humakbang ng dalawang beses papasok sa suite. “Mr. Morris, andito na si Bruce,” magalang niyang ulat. Si Clara ay may matalas na pandinig, kaya’t nahuhuli niya ang mga pahapyaw ng ulat. Doon niya nalaman ang pangalan ni Bruce. Hindi nagtagal, pumasok ang lalaki sa kwarto. Sinenyasan niya si Bruce na dalhin si Clara sa suite. Sinundan ni Clara si Bruce sa suite. Nilibot niya ang paningin sa paligid ng marangyang suite bago itinuon ang tingin sa bago niyang asawa, na nakaupo sa sopa. “Mr. Morris, nandito si Ms. Fowler.” Tumango si Yohan bilang tugon bago iwinagayway ang kanyang kamay. Hindi alam ni Clara kung ano ang ibig sabihin ng kilos, ngunit nakita niya si Bruce na agad na umalis sa suite. Saka niya napagtanto na ginagamit ang kilos sa tuwing may gustong paalisin si Yohan. Nang maisara ni Bruce ang pinto sa likod niya, naglakad si Clara sa upuan sa tapat ni Yohan bago umupo. Tumitig siya sa lalaki habang nagtanong, “Bakit mo ako pinatawag dito?” Hindi siya sinagot ni Yohan, hindi rin siya nilingon. Sa halip, itinaas niya ang kaliwang pulso para tingnan ang oras sa kanyang relo. Wala siyang maraming oras para kay Clara, kaya kailangan niyang magmadali. Matapos tingnan ang oras, inangat ni Yohan ang kanyang ulo upang makita si Clara na nakangiti sa kanya. Nagtaas pa ito ng kamay para kumaway sa kanya bilang paraan ng pagbati. Napaigting si Yohan sa tanawing iyon. Mariin niyang pinagdikit ang mga labi niya. Dapat ba niyang ibalik ang pagbati ng kanyang asawa? Walang ideya si Yohan na hindi siya ang kinakawayan ni Clara. Kumakaway ito sa matandang lalaki na biglang sumulpot. Upang maging mas tumpak, ito ay isang espiritu. Nagulat rin si Clara nang makita ang espiritu. Hindi niya inaasahan na magtatago ang espiritu ng matanda sa loob ng relo ni Yohan. Nang makita ang magiliw na ngiti ng matanda ay napakaginhawa ng pakiramdam ni Clara. Ngumiti pa ang matanda at kumaway sa kanya. Kaya naman kumaway siya pabalik bilang kagandahang-loob.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.