Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 110 Sabay na Pagsalubong sa Chinese New Year

Sampung minuto ang lumipas. Tapos na si Gideon sa kanyang tawag. Nakaupo siya sa hapag habang hinihintay ang pagbalik ni Nell. Malalim na huminga si Nell bago siya muling lumabas. “Nagtagal ka ah. Ayos lang ba ang pakiramdam mo?” Umiling si Nell. “Ayos lang naman ako.” Hindi pa nagsisimula ang firework show. Ganoon pa man, romantiko ang setup dahil isang cellist ang tumutugtog ng magandang himig sa loob ng dining hall. Naliliwanagan rin ang paligid sa pamamagitan ng mga ilaw mula sa kandila. Tumitig nang matagal ang lalaki sa mga mata ng babae. “Mrs. Leith, pwede ba kitang isayaw?” Nagulantang si Nell. Nakatayo na ang lalaki. Naglakad ito sa kabilang bahagi ng mesa papunta sa kanya sabay yukod. Para bang naiiyak siya at natatawa nang sabay habang nakatingin sa palad na nasa harap niya. “Gideon, hindi ako nakasuot ng pormal na dress.” “Hindi ko rin naman suot ang suit ko.” Wala namang pakialam si Gideon sa suot nila. Kinuha niya lamang ang kamay nito at tinulungan itong mak

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.