Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 7

Bumalik si Wanda sa classroom bago ang klase. Napansin ni Carlisle na nagpalit ito ng damit.Kinailangang umuwi ni Wanda para magpalit ng damit. “Carlisle, salamat.” Yumuko si Wanda at pinasalamatan si Carlisle habang namumula ang pisngi sa hiya. Ang cute niyang tingnan. “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, tulungan mo lang akong mag-aral!” Hindi mapigilang ngumiti ni Carlisle. Tinikom ni Wanda ang mga labi at mahinang sinabi, “Basta handa kang mag-aral, tutulungan kita!” Naantig ang puso ni Carlisle. Wala masyadong rumerespeto sa kaniya sa klase nila. Galing sa isang mayamang pamilya si Wanda, at mataas ang mga grades nito. Pero, hindi ito galit sa kaniya. Handa pa siya nitong tulungang mag-aral. Sa sandaling ito, kumabog ang puso ni Carlisle. Posible bang pinili ni Wanda na pumasok sa Riverland University dahil sa kaniya?” Agad naman itong binawi ni Carlisle. Walang kahanga-hanga sa kaniya bukod sa itsura niya. Maraming tao sa klase nila na mas higit sa kaniya. Paanong magkakagusto ang isang taong galing sa isang mayamang pamilya tulad ni Wanda sa isang mahirap na tulad niya? Sa self-study session nila, mapagpasensyang tinuruan ni Wanda si Carlisle at nag-aral naman siya nang mabuti. Dahil man sa kaniyang reincarnation o hindi, napagtanto ni Carlisle na kakaiba ang talas ng isipan niya. Ang mga bagay na hindi niya maintinidhan noon ay nagiging malinaw kapag pinaliwanag na ni Wanda. Inabutan ni Wanda si Carlisle ng isang math test paper at sinabing, “Tapusin mo ‘tong paper na ‘to!’” “Okay!” Kinuha ni Carlisle ang mineral water sa mesa at uminom. Nanlaki ang mga mata ni Wanda at sinabing, “Carlisle….” “Anong problema?” “Akin ‘yan.” Namula si Wanda. Nainom niya na ang kalahati ng mineral water na binili ni Carlisle nang bilhan siya nito ng sanitary pads. “Kaya pala ang tamis….” Dinilaan ni Carlisle ang mga labi niya at tila ba ninamnam ang lasa nito. Mas lalong namula ang mukha ni Wanda at bumilis ang tibok ng puso. Uminom si Carlisle sa boteng ininuman din niya. Hindi ba’t indirect kiss na yun? Namula ang mukha niya at yumuko na lang sa kaniyang desk. Ngumisi si Carlisle at nagsimulang sagutan ang test paper. Mabilis pa lang mahiya si Wanda. Pagkatapos ng school day, inabot ni Carlisle ang natapos na test paper kay Wanda. Pagkatapos itong basahin sandali, gulat na tiningnan ni Wanda si Carlisle at nagtanong, “Nandaya ka ba?” Kahit na mabilis lang niya itong tiningnan, nakita niya ng aabot ng seventy points ang score ng test paper ni Carlisle. Nakakagulat ito lalo na at hindi pa pumapasa si Carlisle sa mga math test noon. “Uh, ikaw ang nagbigay ng test paper sa akin. Nasa iyo dapat ang sagot, hindi ba?” Nakangising sagot ni Carlisle. “Pero ang bilis mong natuto?” “Dahil ang galing mong magturo!” “Ganoon ba?” Kumurao si Wanda dahil halos hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Carlisle. “Oo, ganoon na nga!” Paulit-ulit na tumango si Carlisle. Inoobserbahan ni Sarah ang eksena ng pagtatawanan at pag-uusap nina Carlisle at Wanda. Kumuyom ang mga kamao niya sa galit. Alam niya kung anong ginagawa ni Carlisle. Sinasadya nitong lumapit sa ibang babae para makuha ang atensyon niya. Sa tingin ba nito ay magseselos siya? Habang may kagat na ballpen, biglang tinulak ni Quentin ang test paper niya sa desk ni Sarah at nagtanong, “Sarah, alam mo ba kung paano ito i-solve—?” “Lumayo ka sa akin,” Mabilis na sagot ni Sarah. “Oh.” Mabilis na binawi ni Quentin ang test paper at hindi na muling tiningnan si Sarah. Pagkatapos ng school, nakatanggap ng tawag si Wanda mula sa tatay niya habang nililigpit ni Carlisle ang mga libro niya. “Wanda, kailangan ko munang pumunta sa abroad. Walang oras ang driver na sunduin ka ngayon. So, kailangan mong umuwi nang mag-isa!” “Oh, ganoon po ba,” Malungkot na sagot ni Wanda. “Bakit bigla kang nalungkot?” Tanong ni Carlisle habang sinusuot ang backpack niya. “Mag-a-abroad na naman ang dad ko,” Bumuntong-hininga si Wanda. “Ang galing ng paggamit mo ng ‘ na naman’! Hindi katulad ng dad ko na hindi pa kailanman nakakapunta sa abroad!” Ngumiti si Carlisle. Kinurap ni Wanda ang maluha-luha niyang mata at sinabing, “Kailangan ng dad ko yung kotse. Kaya, walang magsusundo sa akin ngayon. Ayos lang ba sa iyo na ihatid ako pauwi?” Tinaas ni Carlisle ang isang kilay at sumagot, “Walang problema!” “Pero medyo malayo ang bahay ko!” ‘Walang problema, magaling ako mag-bike!” Sinuot nina Carlisle at Wanda ang mga backpack nila at lumabas ng classroom, nag-uusap at nagtatawanan pa. “Badtrip, Carlisle, inuuna mo ang pag-ibig kaysa pagkakaibigan! Nagsabi kang hihintayin mo ako,” Sabi ni Sean habang nagwawalis sa loob ng classroom. Sinundan ni Wanda si Carlisle sa parking lot. Maraming hilera ng bisikleta ang nakaparada doon.Mountain bike ang bike ni Carlisle na binili ng tatay niya matapos ang tatlong buwan na pagtigil sa paninigarilyo. Bawal mag-bike sa loob ng campus. Kaya, tinulak ni Carlisle ang bike papunta sa school gate habang naglalakad si Wanda sa tabi niya. Mukha silang isang mag-nobyo at nobya. “Sarah, sa tingin mo ba ay nagkakagusto na si Carlisle sa iba?” Sa hindi kalayuan, pinanood ni Sienna ang pag-alis nina Carlisle at Wanda at nagsimulang pagdududahan ang relasyon nila. “Paano ‘yun nangyari? Kilala bilang mabait na bata si Wanda. Imposibleng may karelasyon siya! At saka, bukod sa pagiging mayaman, maikukumpara ba siya sa akin?” Kampanteng saad ni Sarah. Kahit sinabi niya yun, hindi niya rin mapigilan na magduda nang kaunti. Simula kahapon, nagbago nang tuluyan ang trato sa kaniya ni Carlisle. Ngayong araw, nagdalawang isip pa ito na bilhan siya ng isang bote ng mineral water. Dahil dito ay nagtaka siya kung hinihintay niya ba si Carlisle na humingi ng tawad sa kaniya o hinihintay siya nito na humingi ng tawad. Pero wala naman siyang ginawang mali! Nakatira si Wanda sa city center, mga limang kilometro ang layo mula sa school. Mabilis na nag-pedal si Carlisle, halos matanggal na ang kadena ng bike niya. Pero inabot pa rin ng apatnapung minuto bago sila nakarating sa neighborhood nila Wanda. Summer ngayon, at basang-basa ng pawis ang damit ni Carlisle. “Carlisle, salamat.” Namula si Wanda at nagpasalamat. Ngumisi si Carlisle. “Walang problema. Babalik na ako!” Tinikom ni Wanda ang mga labi at nagtanong, “Gusto mo bang pumunta sa bahay ko para magpahinga muna sandali?” “Umm… Hindi na, salamat. Kailangan ko nang umuwi. Baka mag-alala ang mga magulang ko!” Magalang na tinanggihan ni Carlisle ang alok ni Wanda at mabilis na nag-pedal palayo. Pinanood ni Wanda ang pag-alis ni Carlisle, hindi niya maalis ang kaniyang tingin sa kaniya. … Madilim na nang makauwi si Carlisle, naninigarilyo si Gordon sa balkonahe at mukhang nag-aalala ang ekspresyon. Samantala, nakaupo sa lumang sofa sa sala si Hilda at gumagawa ng handicrafts. “Mom, Dad, nakauwi na ako!” “Bakit late ka na? Nakipag-date ka nanaman ba sa dalagang yun?” Biro ni Hilda sabay lapag ng kaniyang ginagawa. Pumasok si Gordon na may istriktong ekspresyon. “Anong dalaga? Nakikipag-date na ang batang ‘to?” “Nagtagal lang ako sa school para mag-review. Kung ano-ano na iniisip niyo!” Doon napansin ni Carlisle ang nag-aalalang ekspresyon ng ama. Kahit na tinatago niya ito, si Carlisle na naranasan na ang realidad ng buhay ay nararamdaman ito. Sa puntong ito, mukhang nawalan ng trabaho ang kaniyang ama. May sakit na uremia ang kaniyang lola. Kaya naman, kailangan nitong uminom ng gamot araw-araw. Paminsan-minsan ay kailangan din nito ng dialysis. Kahit na kaya pa nilang kumain ng tatlong beses sa isang araw, hirap silang matustusan ang mga pangangailangan nila. Sa pagkakataong ito, kailangan niyang kumita ng pera para mabawasan ang dinadala ng kaniyang ama. Nagpunta si Hilda sa kusina at nilabas ang mga ulam. “Kumain muna tayo. Ang tatay mo mismo ang nagluto ng paborito mong lemon butter fish!” Walang katulad ang lemon butter fish na luto ng tatay ni Carlisle. Maasim, malasa at napakasarap nito. Pero, walang ulo o buntot ng isa ang natira. Laging binibigay ng mga magulang niya ang pinakamagandang parte sa kaniya. Naantig ang puso ni Carlisle at parang gusto niyang umiyak. Para maitago yun, kinuha niya ang kaniyang plato at mabilis na kumain. “Magdahan-dahan kang kumain, bata! Baka matinik ka!” Tumawa si Gordon at saka pinagsabihan ang anak. Sa sandaling ito, nagtanong si Hilda, “Napirmahan mo na ba ang college application form mo?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.