Kabanata 68
Natural na hindi rin ako nagbibiro. Kaya dumiretso ako ng upo at seryosong sumagot, “Sa opinion ko, isang banal na bagay ang kasala kaya hindi tayo pwedeng magmadali.”
“Pinili mo kong pakasalan dahil pinipilit ka ng mga kamag-anak mong magpakasal, at dahil hindi tanggal si Willow sa pamilya mo.
“Pero, paano pala kung mahulog ka sa ibang babae? Hihiwalayan mo ba ako?”
Hindi pa nagkagusto sa kahit na sino si Zane kaha hindi siya sigurado kung mangyayari ang sitwasyong nabanggit ko.
“At saka…” Kahit na ang sinabi ko kanina ay para kay Zane, kailangan ko ring isipin ang sarili ko.
“Kakatapos ko lang sa isang masamang relasyon at maswerte akong nakilala ko kayong dalawa. Napakabuti ng trato niyo sa'kin, at si Willow ang nagpakita sa'kin kung paano mahalin.
“Sa tuwing inaalagaan ko siya, nararamdaman kong unti-unting gumaling ang mga sugat na binigay sa'kin ni Steven. Kaya sa halip na palalimin ang relasyon natin, sa tingin ko dapat manatili na lang tayong ganito. Ano sa tingin mo?”
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link