Inilabas ni Alejandro ang isang tseke bago siya makapagsalita. "Ito ang mga funds na pwede kong ipahiram sayo. Ipaalam sa akin kung magkano pa ang kailangan mo at maghahanda ako ng mas maraming pondo."
Tiningnan ni Arianne ang numbers sa tseke at gumawa siya ng rough estimate. "Sa tingin ko ay sobra na ito. Salamat."
Napaawang ang labi ni Alejandro. “Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Hindi ko matatanggap ang iyong pasasalamat. Sasabihin ko kay Melanie na kumuha din ng pera mula sa kanyang pamilya. Iyon ang pinakamahusay na magagawa ko."
Personal siyang ginawan ni Arianne ng isang tasa ng tsaa. “Black tea. Paborito ng kapatid mo."
Makikita ang lungkot sa mga mata ni Alejandro. Kinuha niya ang tasa at humigop. "Kumusta ang kumpanya? Bukod sa shares.”
Napabuntong-hininga si Arianne. "Marami sa ating partner ang nagsisikap na tapusin ang mga kontrata natin. Karamihan sa mga ito ay malamang na instigated. Sa totoo lang, hindi masyadong makakaapekto sa kanila kung ipagpapatuloy ang partn