Kabanata 13
Sa Qualls Residence, tinawagan ni Marrie si Heidi at nagtanong, “Anong sitwasyon? Nakita mo na ba sa Steven?”
“Hindi pa po. Hindi ko po alam kung saan po siya nagtatago,” ulat ni Heidi.
“Bulag siya. Saan siya makakarating? Hanapin mo siya agad at patayin!”
Matapos maalala ang mga nangyari, nagalit ng matindi si Marrie at mararamdaman ang kagustuhan niyang pumatay.
“Kailangan mo ba talaga umabot sa ganoong punto? Hindi kita pinatay, pero gusto mo ako ipapatay?”
Narinig bigla ni Marrie ang boses ni Steven mula sa likod niya, nagulat siya.
“Puwede ka ng tumigil sa paghahanap. Nandito siya bahay ko. Pumunta ka na dito.”
Matapos sabihin ni Marrie kay Heidi, ibinaba niya ang tawag, malamig ang kanyang ekspresyon.
“Ang kapal ng mukha mo para bumalik. Sa tingin mo ba ang bahay ko ay lugar para puwede mo pasukin at lisanin sa tuwing gusto mo?”
“Gusto mo ako patayin, hindi ba? Natatakot ako na baka hindi mo ako makita, kaya napagdesisyunan ko na pumunta dito at hayaan ka na patayin ako.”
Habang kalmado ang ekspresyon ni Steven, hindi iniwan ng mga mata niya si Marrie.
May bakas pa din ang makinis niyang balat sa ginawa ni Steven noong huli. Natutuwa siya sa ginawa niya.
Napansin ni Marrie kung saan siya nakatitig. Kung hindi lang niya alam na bulag si Steven, maghihinala siya na may paningin na siya ulit.
“Naniniwala ka ba talaga na hindi kita papatayin?”
“Malupit kang babae. May bagay ba na hindi ka maglalakas loob na gawin?”
Habang nagsasalita si Steven, naupo siya sa tabi ni Marrie.
Agad na tumayo si Marrie at dumistansiya mula kay Steven.
Balak niyang patagalin ito hanggang sa dumating si Heidi.
“Sa totoo lang, hindi kita gusto patayin. Pero ang kapal ng mukha mo sa ginawa mo sa akin. Dapat ka mamatay!” tinakot siya ni Marrie.
Nagagalit siya. Lihim siyang naguguluhan kung bakit bumalik si Steven matapos makatakas. Napapaisip siya kung hindi ba talaga siya natatakot na mamatay, o baka may sumusuporta sa kanya at naniniwala siyang walang lakas ng loob si Marrie na patayin siya.
Isinantabi niya ang bagay na ito. Imposible na ang bulag at walang kuwentang tao na natorture ng dalawang taon ay makakahanap ng kahit na anong suporta.
Nanatiling naguguluhan si Marrie.
Nagkibit balikat si Steven. “Nangyari na iyon. Hindi ako nagsisisi. Siyempre, kung gusto mo, puwede natin ulitin dahil wala si Heidi dito.”
“Mamatay kang hayop ka!”
Nagdabog si Marrie sa galit. Kumuha siya ng unan at inihagis kay Steven.
“Galit ka? Anong dahilan para magalit ka? Ang ginawa ko ay hindi maikukumpara sa ginawa mo at ng anak mo sa akin. Hindi ko pa nga ako nakakabawi sa mga ginawa ninyo sa akin, at sumosobra na ito agad para sa iyo?”
Nagalit si Marrie sa sinabi ni Steven.
Hindi niya maintindihan kung paanong nagbago ng husto si Steven overnight. Tila ba may sapi siya.
Pinigilan ni Marrie ang galit niya at ngumisi, “Alam ko kung bakit ka bumalik. Napagtanto mo na hindi ka mabubuay ng mag-isa at magdudusa kahit na makatakas ka, kaya bumalik ka para inisin ako at maghanap ng atensyon.”
“Ikaw bahala mag-isip ng gusto mo isipin,” wika ni Steven.
Hindi gusto ni Steven na mag-abala para ipaliwanag. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nahiga sa sofa para magpahinga.
Nag-aalala siya na kapag tinitigan pa niya si Marrie, baka daganan niya ito at gawin dito mismo sa sofa.
Mapili pa din si Steven sa mga ganitong bagay. Kung nagkataon na pumasok si Heidi, masisira ang mood niya.
Natahimik ang dalawa. Hinihintay ni Marrie si Heidi. Si Steven ay naghihintay din.
Makalipas ang kalahating oras, nakarating si Heidi sa Qualls Residence.
“Okay ka lang po ba, Madam?”
Natuwa si Marrie sa oras na dumating si Heidi, nakahinga siya ng maluwag.
“Okay lang ako. Patayin mo na siya ngayon din!”
Itinuro ni Marrie si Steven na nakahiga sa sofa at nakapikit.
“Nandito ka na din sawakas.”
Iminulat ni Steven ang mga mata niya. Tumayo siya para mag inat, sinabi niya, “Bilisan mo na at umatake. Hidni ko gusto mag-aksaya ng oras.”
Si Heidi ay taong pinagkakatiwalaan ng husto ni Marrie. Siya ay housekeeper niy at bodyguard din. Maabilidad siyan third-level fighter.
Walang sabi-sabi, inatake ni Heidi si Steven at sinipa sa ulo.
Sumuntok si Steven. Walang technique sa suntok niya, purong puwersa lang.
Higit ang purong lakas niya kaysa sa kahit anong technique.
Bilang Heavenly Realm Grandmaster, madali niyang natalo ang kalaban.
Tumalsik si Heidi, tumama siya sa pader bago bumagsak sa sahig. Ang isa sa mga binti niya ay nalumpo. Hindi na niya kayang lumaban.
Napanganga si Marrie at hindi makapaniwala.
Naglakad sa sulok si Steven at itinaas si Heidi gamit ang leeg niya.
“Masyado kang mahina.”
“Paano… paano ka naging malakas?”
Hindi makapaniwala si Heidi.
Alam niya ang kundisyon ni Steven. Kahit si Yanny kaya siyang itorture hanggat gusto niya. Ilang beses na siyang nagulpi na parang aso, at muntik ng mamatay noong isang gabi. Hindi kapani-paniwala na lumakas siya ng ganito overnight.
“Ginawan mo ako ng pabor sa pagtapon sa akin sa Levix River, bubuhayin kita ngayon. Hindi kita papatayin.”
Matapos iyon sabihin, hinawakan niya ang kanang braso ni Heidi. Binali niya angi sa sa mga braso at binti niya pero binuhay siya.
Tinapik niya ang pressure point ni Heidi at nawalan siya agad ng malay.
Dinala niya ang babae sa basement, inihagis siya doon kung saan siya tumira dati.
Noong nakablik siya sa living room, nagdamit si Marrie at tatakas na sana.
“Saan ka pupunta?”
Lumapit si Steven kay Marrie at humarang sa daan niya.
“Ikaw… hindi ka bulag! At natuto ka makipaglaban!”
“Oo!”
“Paano mo iyon nagawa? Imposible iyon!”
Hindi alam ni Marrie ang gagawin niya.
“Isipin mo hanggat gusto mo isipin. Kaunti pa lang ang ganti ko noong huli, gusto ko pa bumawi,” sambit ni Steven, nakangiti siya.
“Anong gagawin mo? Hindi mo ako puwede hawakan!”
Mabilis na umatras si Marrie, hindi niya mapanatili ang matapang niyang dating bilang makapangyarihang babae.
Walang pakielam si Steven. Nagaalab ang pagnanasang kanina pa niya pinipigilan. Niyakap niya ang bewang ni Marrie at binuhat niya pataas sa kuwarto.
“Bitawan mo ako, hayop ka!”
Hinampas ni Marrie ang dibdib ni Steven gamit ang kamao niya. Para kay Steven, kiliti lang ito. Para siyang nakikipaglandian sa kanya.
Hindi lubos akalain ni Marrie na tatratuhin siya ni Steven ulit ng ganito.
Itinaas ni Steven ang kamay niya at pinalo sa puwet si Marrie ng paulit-ulit, malutong at malakas ang tunog.
Ito ang parusa niya kay Marrie. Nabawasan nito ang galit at pagkamuhing dalawang taon niyang itinatago.
Kahit sigaw ng sigaw si Marrie, nahihiya niyang napagtanto na nag-eenjoy siya ng kaunti dito.
“Steven, tumigil ka na. Hindi ko na kaya.” Nagmakaawa si Marrie, pinagpapawisan ang mga kilay niya. Pagnakraniwang tao lang siya at hindi kaya indahin ang panggugulpi.
Tumigil si Steven at hindi na nagpatuloy.
Sa oras na iyon, may kumatok sa pinto.
Parehong nagulat si Steven at Marrie.
Hindi natutuwa si Steven dahil may umistorbo sa kanila. Nasira ang mood.
Natural na natatakot si Marrie na makita siyang inaapi siya ni Steven. Nakakahiya ito.
“Hindi maaaring gising na siya agad.”
Naguluhan si Steven. Tinamaan niya ang pressure point ni Heidi. Hindi siya magigising sa loob ng labing dalawang oras.
“Ma, nandyan ka ba?”
Narinig niya ang boses ni Yanny. Nakabalik na siya.
Napangiti ng mapaglaro si Steven ng marinig ang boses ni Yanny. Nagiging interesante ang sitwasyon, natutuwa siya.
Sa oras na napansin ni Marrie na nakabalik na si Yanny, nagpanic siya at natakot.
Hindi niya maaaring hayaan na malaman ni Yanny ang tungkol sa kanila ni Steven.
Hindi niya lubos maisip ang mangyayari kapag nakita sila ni Yanny ng ganito.
Mas natatakot siya dahil ang hayop na si Steven ay baka atakihin rin si Yanny.