Kabanata 3
”Naaawa lang ako sa limang taong gulang na anak na babae ni Mr. Salle. Hinihila ng bata yung pantalon niya at tinatawag siya ‘Dad,’ pero hindi niya kinikilalang anak yung bata,” sabi ni Madison.
Doon, napansin ni Jordan ang pagbabago ng ekspresyon ni Vincent. Naging madilim ito sa loob ng ilang segundo bago niya inayos ang sarili.
Sina Jordan at Vincent ay mag-ama, na gumugol ng maraming taon na magkasama. Nalaman kaagad ni Jordan mula sa banayad na pagbabagong iyon na may kakaiba. Akala niya noong una ay gumagawa lang si Madison ng mga bagay-bagay, ngunit hindi na siya sigurado ngayon.
“Dad, talaga bang... May anak ka sa labas?” tanong niya.
Agad na nasaktan at nahirapan ang ekspresyon ni Vincent. Nanginginig ang mga labi niya habang sinasabi, “Wala. ‘Wag kang magsabi ng kalokohan.”
Alam ni Jordan kung anong ibig sabihin ng tugon na iyon. Nawala ang kanyang galit, iniiwan siya sa pagkabigo. “Paano mo nagawa ‘to, Dad? Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ka ng kabet ngayong may sakit si Mom…
“Sino ang haliparot na iyon? Yung secretary mo ba? Noong simula pa lang sinabi ko nang wala siyang magandang maipapala, hindi ba? Siya ba ang kabet mo?”
Walang sinabi si Vincent. Nakatuon ang kanyang atensyon sa livestream ni Madison. Habang nakikinig siya, bumulong siya, “Hindi ito maaaring mangyari. Paano nalaman ng sinuman ang tungkol dito?”
Sumigaw si Jordan, “Sabihin mo na sa’kin kung ayaw mong malaman ng sinuman ang tungkol dito! Siguradong may makakaalam kung may nagawa ka!”
“Ito ang matagal nang nawawalang anak ng pamilyang Locke, si Madison, tama ba?” tanong ni Vincent.
“Sino pa ba?” Ayaw pag-usapan ni Jordan ang tungkol sa ibang tao ngayon. “Dad, hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung anong nangyayari sa inyo ng babaeng iyon.”
Nakabawi na si Vincent. Naging malamig ang ekspresyon niya. “Wala akong anak sa labas. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat kapag nakita ko si Madison. At huwag mong sasabihin sa nanay mo ang tungkol dito!”
Natahimik si Jordan. Kung titignan sa mukha ni Vincent, parang lagot talaga si Madison. Baka paninira lang talaga? Pero hindi umakto si Vincent na parang hindi totoo iyon...
“Teka! Dad, pupunta ka na ba doon?”
…
Umupo si Jordan sa kotse at gumugol ng oras para magpadala ng mensahe sa group chat.
Jordan: “Patay ang Madison na ‘yan. Papunta na ang dad ko sa tahanan ng mga Locke para kausapin siya ngayon.”
Rebecca: “Dahil ba ‘to sa nangyari sa livestream ni Madison kanina? Pwede ka bang humingin na paumnahin sa kanya sa ngalan ko, Jordan? Wala lang sa sarili si Maddie. Please, sabihin mo kay Mr. Salle na huwag magalit sa kanya.”
Jordan: “Palagi kang ganito, Rebecca. Kailan ka titigil sa pagiging santo? Hindi ako tulad mo—baka kaya mong panindigan si Madison, pero hindi ko kaya. Hindi rin siya matiis ng tatay ko, kaya tuturuan niya ng leksyon ang babaeng iyon. Sinong nakakaalam kung ano pang problema ang idudulot ng babaeng iyon sa hinaharap?”
Keith: “Teka lang. Ang tatay mo ay napakabanayad na lalaki. Hindi ako makapaniwala na talagang may gumalit sa kanya!”
Queenie: “Kailangan turuan ng leksyon si Madison. Kung may lakas siya ng loob na agawin ang evening gown ni Becky ngayon at magkalat ng tsismis tungkol kay Mr. Salle, baka gamitin na lang niya ang lahat ng sikreto ng mga pamilya natin para mas makakuha ng atensyon bukas.”
Pinanood ni Rebecca ang kanyang mga kaibigan na tuwang-tuwa na nag-uusap dahil sa sinabi ni Jordan. Karamihan sa kanila ay tutol sa mga aksyon ni Madison at sumusuporta sa pagtuturo sa babae ng leksyon. Pagkatapos ng ilang pag-iisip, kumatok siya sa kwarto ng kanyang mga magulang.
Maya-maya, may kumatok sa pinto ni Madison. Binuksan ito ni Madison at nakita ang kanyang tatay, si William Locke, at Tanya na nakatayo sa labas. Hindi sila mukhang masaya.
Dahil sa nangyari noong welcome party, pareho nilang naramdaman na may utang sila kay Madison at gustong ayusin ang mga bagay-bagay sa kanya. Ngayon, gayunpaman, kumilos siya at nagdulot muli ng gulo.
Hindi magaling si William sa pakikipag-usap sa kanyang mga anak, lalo na kay Madison, na hindi niya nakasama kahit kailan. Hindi siya naglakas-loob na maging masyadong malupit, ni hindi niya nais na tantanan ito nang basta-basta.
“Papunta na si Vincent. Alam mo ba kung bakit?”
“Oo.”
Magkahalong galit at pagbibitiw ang titig ni William. “Bakit kailangan mong sabihin ang mga bagay na iyon kung alam mong hahantong sa ganito ang sitwasyon? Ikaw... Kailangan mong ihinto ang mga livestream na iyan. Hindi naman parang hahayaan ka naming umalis nang walang pera.”
“Trabaho ko ‘to,” malamig na sabi ni Madison.
Pumwesto si Rebecca sa likod nina William at Tanya. Sinabi niya na may maliit na boses, “Maddie, yung mga livestream na ginagawa mo medyo... nakakahiya. Kung gusto mo talagang magtrabaho at maging sikat, pwede kang sumali sa industriya ng showbiz.
“May connections si Ethan doon. Pwede ko siyang kausapin kung gusto mo talagang maging artista. Sigurado akong tutulungan ka niya.”
Sinulyapan siya ni Madison bago sinabing, “Kapatid ko siya.”
Lumukot ang mukha ni Rebecca. Mukha siyang naagrabyado.
Gusto siyang panindigan ni Tanya, kaya hindi siya masyadong mabait kay Madison. “Maddie, huwag kang masyadong masungit kay Becky. Anak... Anak din namin siya.”
Hindi niya napigilang makita si Madison na hindi matino. Hindi siya katulad ni Rebecca, na masunurin at mabait.
Napabuntong-hininga si William nang makita kung gaano katigas ang ulo ni Madison. “Malapit nang dumating si Vincent. Gusto kong hintayin mo siya sa ibaba. Mag-sorry ka sa kanya pagdating niya dito at sabihin mo sa kanya na hindi ka na magsasabi ng ganoon sa hinaharap. Naririnig mo ba ako?”
Hindi sumagot si Madison. Ang ginawa niya ay bumalik sa kanyang kwarto para magsuot ng cardigan. Pagkatapos, sinundan niya sila pababa.
Dumating sina Vincent at Jordan pagkababa ng mga Locke. Pumasok sa loob ng bahay ang mag-ama, parehong may pangit na mukha.
Nagalit si Jordan nang makita niya si Madison. Itinuro niya ito at umirap, “Malakas ang loob mo, Madison. How dare you—”
“Jordan!” tahol ni Vincent. “Nandito si William. Magpakita ka ng asal!”
Walang pakialam si William. “Bakit mo pinagsasabihan si Jordan, Vincent? Kasalanan ‘to ni Maddie, kung tutuusin. Bilisan mo at humingi ka ng tawad, Maddie!”
Umupo si Madison sa sopa at malayang humigop ng kape. “May gusto ka bang sabihin sa akin?”
Hindi nabigla si Vincent sa kanyang inasta. Tanong niya, “May nagsabi ba sa’yo tungkol sa mga sinabi mo sa livestream?”
“Oo.”
“Magkano ang ibinayad nila sa’yo?” Ito ang pinaka-malamang na posibilidad na maisip ni Vincent—isang kakumpitensya sa negosyo ang nagsisikap na dalhin siya kung saan siya masasaktan at mawawalan ng balanse.
“Walang nagbayad sa akin.”
Hindi ito pinaniwalaan ni Vincent. “Mabuting kaibigan ako ng tatay mo, Maddie. Kaya kong iligpit ang bagay na ito, at maaari kang lumapit sa akin sa hinaharap kung kapos ka sa pera.
“Pero kailangan mong malaman na hindi ka pwedeng tumanggap ng pera na nanggaling sa kung sinu-sino! Maaaring magkaibigan kami ng tatay mo, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako magagalit sa’yo.”
Matagal na siya sa mundo ng negosyo kung kaya’t meron siyang makapangyarihang presensya. Karamihan sa mga kabataan ay makakaramdam ng takot kapag nakikita siyang ganito, maging si Jordan.
Gayunpaman, mukhang hindi nababagabag si Madison. Nagpatuloy siya sa paghigop ng kanyang kape nang kampante.
Tumalikod na si Vincent para umalis pagkatapos sabihin ang kanyang linya. Sumunod sa kanya si William, humihingi ng tawad. Kakarating pa lang nila sa bukana nang biglang sinabi ni Madison, “Pinapatanong niya sa’kin kung nakabili ka na ba ng regalo niya sa birthday niya.”
Biglang huminto si Vincent at lumingon sa kanya.
Kalmado niyang itinuloy, “Sabi niya ayaw niya sa diamond tiara na ‘yon. Gusto niya yung colorful. Tama ba yung binili mo?”
Ang kalmadong ekspresyon ni Vincent ay biglang napalitan ng pagdurusa. Ang birthday tiara ay sikreto lamang nila ng kanyang anak na babae—kahit ang kanyang asawa ay hindi alam ito.
“Nakita... Nakita mo ba talagang tinatawag niya akong ‘Dad’?” tanong niya.
“Oo.”
“Siya ba…”
Naninigas si Madison. Tapos, tumango siya.
Ikinuyom ni Vincent ang kanyang mga kamao at nanginginig ang buong katawan. Nabulunan siya nang sabihin niyang, “Lima... Limang taon lang siya! Kasalanan ko ang hindi pagprotekta sa kanya. Masyado akong abala sa trabaho ko at na-miss ko ang birthday niya.”
Bigla siyang yumuko at nagsimulang umiyak.
Natigilan si Jordan dito. Nilingon niya ang mga Locke, na parehong nagulat.
Si Madison lang ang mukhang kalmado—siya lang siguro ang nakakaalam kung anong nangyayari.
“Dad!” Hindi pa nakikita ni Jordan na umiyak nang ganito si Vincent.
Nagtagal ang lalaki para kumalma. Pagkatapos, pinunasan niya ang mga luha niya at seryosong tumingin kay Madison, “Maddie, pwede mo ba akong tulungang hanapin siya?”
Lumingon sa kanya si Madison para sagutin siya. Pagkatapos, nakita niya ang itim na enerhiyang umiikot sa mukha nila ni Jordan. Tanong niya, “Wala ba sa bahay ang asawa mo, Mr. Salle?”
Umiling si Vincent. “Wala. Hindi maganda ang pakiramdam niya kaya naospital siya. Kababalik ko lang galing sa pagbisita sa kanya doon.”
“Kung pupunta ka sa ospital ngayon, pwede mo pang mailigtas ang buhay niya,” sabi ni Madison.
Hindi nakaimik sina Vincent at Jordan.